2 ❤️

1643 Words
-HEILEY- Napatili ako sa sobrang gulat nang makita ko ang brasong pumulupot sa katawan ko. Parang nag-slow motion ang paligid. Dahan-dahan ang paglapit ng mga d**o sa paningin ko. Kaunting paghihintay na lang at lalagapak na ang mukha ko sa damuhan. Peste! Si Hyden na naman siguro ang may kagagawan nitong pangbu-bully sa akin. Wala na talaga siyang ginawang tama sa buhay ko! Dahil wala na akong magagawa pa para iligtas ang sarili ko sa kapahamakan ay pinikit ko na lang ang mata ko. Panigurado na naman ang pasa nito sa mukha ko. Hinihintay ko na lang na kusang lumabas sa bibig ko ang mararamdamang sakit at hapdi pero hindi ko iyon narinig. Walang lumabas na kataga sa bibig ko dahil pakiramdam ko ay wala naman masakit. Oo, wala naman talaga akong nararamdamang kakaiba sa mukha ko kaya minulat ko ang mata ko. Sobrang liwanag. Para akong nakalutang sa hangin habang nakamasid sa kalangitan. Nasa langit na ba ako? May narinig akong daing sa hindi kalayuan. Hinanap ko ang boses na iyon at natagpuan ko iyon sa likod ko. Paglingon ko ay nanlaki ang mata ko dahil iyong si Mr. KSP na naman ang tumambad sa akin. Ang mukha niya ay hindi maipinta. Naka-take siguro ito ng maraming suka sa sobrang asim ng mukha niya. "Ang bigat mo, Miss." Pinagmasdan ko ang aking paligid at parang nakahiga nga ako sa malawak na open field ng Fantastic High. Saka naman ako natauhan nang malaman kong napapailaliman ko pala siya kaya niya nasabi na sobrang bigat ko. Nahigaan ko pala siya ng hindi ko man lang napansin. Ano ba ang nangyari? "Sorry. Sorry." Agad akong umalis sa ibabaw niya at agad na tumayo. Tinulungan ko siya bumangon at mabuti na lang ay maayos siyang nakatayo. "Ano bang nangyari?" Tanong ko agad habang pinapanood siya na alisin ang mga d**o na dumikit sa damit niya. "Muntik ka na." "Muntik na ako?" "Muntik ka ng tamaan ng bola." Sa sinabi niyang iyon ay saka ko naman napansin ang papalapit na estudyante malapit sa puwesto namin. Kinuha nito ang bola ng basketball at umalis din agad. Kung ganoon, matatamaan na pala ako ng bola kanina? Tinitigan ko ang lalaking nasa harapan ko. Hindi ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman. Kung magsusungit-sungitan pa rin ba ako sa kaniya sa kabila ng pagligtas niya sa akin. Muntik na nga talaga ako. Kung hindi niya ginawa iyon, sa mukha ko siguro tatama ang bola. "Salamat." Nahihiya akong tumingin sa kaniya. Parang hindi ko kayang tumitig sa mata niya. Sa kabila ng ginawa ko sa kaniya kanina ay hindi siya nagdalawang-isip na tulungan ako. "Wala iyon." "M-May masakit ba sa iyo? Sasamahan kita sa clinic para malaman natin kung may napinsala ba sa katawan mo." Labis ang pag-aalala ko sa kaniya. Hindi ko kayang makita na may taong nahihirapan nang dahil sa akin. Ayaw kong madamay pa siya dito kaya hangga't kaya kong umiwas ay iiwas ako. Pero h'wag muna sa pagkakataon na ito, kailangan niya ng tulong. "Naks, ang sweet mo naman pala." Hindi ko pinansin ang pang-aasar niya sa akin. "Seryoso ako. Sasamahan kita sa clinic. Hindi puwedeng hindi magamot kung ano man ang masakit sa iyo." "Seryoso rin ako. Mawawala lang ang sakit nito kapag sinabi mo na sa akin ang pangalan mo." Hindi ako makapaniwala sa taong 'to. Mr. KSP talaga siya. Kulit So Poweful! Nadamay na nga siya sa aksidente, pangalan ko pa rin ang inaalala niya. "Ley Santos. Okay na? Matatahimik na ba ang kaluluwa mo niyan?" Parang nahihiyang tumango lang siya sa akin. At inismiran ko lang siya. ***** MAAGA akong pumasok ngayon sa school. May usapan kasi kami kahapon ni Jazzfer na ililibot ko siya sa buong campus. Actually mamayang break time pa naman iyong tour na gagawin namin. Hindi lang talaga ako masyadong excited na pumasok ng maaga. Naging okay ang conversation namin ni Jazzfer kahapon. Alam kong naging masama ang pagtrato ko sa kaniya noong umpisa dahil nakikipagkaibigan lang naman siya. Hindi ko rin naman kasi lubos maisip na sa dinami-rami ng estudyante sa Fantastic High ay ako pa talaga ang napagdiskitahan niyang maging kaibigan ─ ako na paboritong i-bully ng mga kabataan dito. Kagagawan lahat ito ng halimaw na iyon eh. Ginamit niya ang kasikatan niya sa buong campus para pahirapan ako. Hindi ko naman nilalahat ang mga tao rito sa school. Alam kong may natitira pa namang mabubuti pero kaunti lang sila at mahirap silang hagilapin dito. Mabuti na nga lang at naging matiyaga sa akin si Jazzfer. Kung hindi dahil sa sobrang kakulitan niya kahapon, baka tuod pa rin ako hanggang ngayon. Atleast ngayon, masaya at magaan ang pakiramdam ko dahil alam kong may kaibigan na ako sa school at iyon ay walang iba kung hindi si Mr. KSP. "Good morning!" Napadako ang tingin ko sa pintuan. Nakita ko si Jazzfer na nakasuot na ng school uniform. Bagay sa kaniya ang uniporme namin. Plain white polo at navy blue na slack. Ang kintab ng black shoes niya. Pinagpuyatan pa siguro iyon ng mama niya sa sobrang kintab. "Good morning din. Ang aga mo naman," bati ko sa kaniya. "Kung maaga ako, ano pa kaya ang tawag sa iyo?" "Um… mas maaga ng kaunti?" at nabalot ng halakhakan sa loob ng class room. Dahil kaming dalawa pa lang ang nasa loob ay malaya akong nakakatawa. Hindi ko kasi nagagawa ito kapag nasa paligid ang mga kaklase ko. Nagkuwentuhan lang muna kami ng kung ano-ano ni Jazzfer. Grabe, sobrang ligalig at ang kulit niya talaga pero masaya siyang kausap. Hindi siya boring dahil puno siya ng energy at positive vibes kaya naman sa sobrang saya ng pagkukuwentuhan namin ay hindi ko namalayan na nasa tabi na pala namin ang halimaw. "Hi, I’m Hyden Reyes, the Class President here and you are?" Tunog friendly pero parang naghahamon ng away sa sobrang sama ng mukha niya. I looked to Jazzfer reaction and he started analyze Hyden. "I'm Jazzfer Ruel Cruz and I know who you are." Na-kuwento ko na kay Jazzfer kung sino si Hyden Reyes. Nakita kasi niya ang ilang pasa sa braso ko kaya tinanong niya kung bakit at paano ko nakuha iyon. Talagang chismoso si Jazzfer, maraming tanong sa buhay. Dahil niligtas niya ako kahapon sa kapahamakan, nagawa ko na rin naman ang makapagkuwento sa isang tao na wala pang bente-kwatro oras kong nakikilala. Nakita kong naglabanan sila ng titigan sa isa't-isa. Kitang-kita ko ang pagsimangot ng mukha ni Hyden. Alam ko na ang dahilan kung bakit ganoon ang reaksyon niya. Sino ba naman ang mag-aakala na magkakaroon din ako sa wakas ng kaibigan dito sa campus. Sa limang taon na pag-aaral ko rito ay wala akong matatawag na kaibigan. Lalapit lang ang mga kaklase ko kapag may kailangan sila. Pero iyong matatawag kong kadikit, kasangga, kakampi, kakulitan, katsikahan, kachurbahan ay wala talaga. Si Jazzfer pa lang ang kauna-unahang tao na naglakas-loob na kaibiganin ako. Hyden shrugged his shoulders. Para bang balewala sa kaniya ang reaksyon ni Jazzfer. "Well, ganoon talaga kapag sikat," pagmamayabang ni Hyden. Aba't! Nuknukan talaga ng kayabangan ang baliw na ito. Naku Jazzfer, 'wag kang padadala sa salita ng baliw na iyan. 'Wag kang papasindak. "Pero excuse me lang, Mr. Cruz I believe you're in my seat." Jazzfer gave him a cold looked. "I don't think so." Hyden gave Jazzfer a glare that could freeze an entire ocean. Bigla naman sumulpot ang kambal tuko na sina Austin at Shaun. Ugh! Nadagdagan na naman ang mga epal dito. "Mga p're, come over here and meet my new friend." Lumapit naman ang dalawa sa kaniya. "I would like to introduce, Mr. Jazzfer Ruel Cruz, our new classmate. Paki-orient naman siya kung ano ang dapat niyang gawin dito sa teritoryo natin." Shaun gave a little smirk. "Aw, bago pa lang iyan, Hyden. Huwag ka masyadong harm. Sinisindak mo agad eh." Austin nodded and told Hyden, "Oo nga naman, p're, masyado kang hot eh." Austin paused for a while and he looked to Jazzfer from top to toe and then he crossed his arms. "You better move boy dahil diyan nakapuwesto ang Classroom President natin. Walang puwedeng tumabi sa future wife ng pare ko." I opened my mouth in shock. "Anong kasinungalingan na naman yan Austin?! Siraulo ka ah." Nakita kong tiningnan ni Jazzfer ang tatlo. Mukhang hindi naman siya magpapaniwala sa mga retarded na yan. "No, I don't like to move. I like sitting here." Binaba ni Jazzfer ang gamit niya at komportableng umupo sa upuan ni Hyden. Nakita kong uupakan na sana siya nina Austin at Shaun pero pinigilan sila ni Hyden. He just gave a fake smile and said. "Let's see how long you will be sitting there. Matigas din pala bungo mo ah. Magkakaalaman tayo, Mr. Cruz." Then he and the boys left. Nakahinga naman ako nang maluwag nang lumayo sila. Saka naman parang mga kabute na nagsulputan ang iba pa naming mga kaklase. Yumuko ako at umupo na rin sa upuan ko. Ayoko na maging trending na naman sa klase namin. Umupo si Hyden at ang grupo niya na malayo sa amin pero kitang-kita ko pa rin ang talim ng tingin niya. Hindi naman ako nagpasindak dahil masyado na akong immune para magpaapekto sa mga ganoong tingin na 'kala mo mangangain ng tao. "Salamat, Jazzfer. Talagang gusto nilang umupo malapit sa akin so that they could t*****e me anytime they want." "It's nothing. I'll try my best to stop them from torturing you. Kapag may katwiran, ipaglalaban ko," he quoted. 'Langya. Ang dami talaga nitong alam. Ngiting tagumpay ang nakita ko sa labi niya. Saka niya ginulo ang buhok ko na akala mo nagpapaamo ng tuta. Naman, matutuwa na sana ako sa sinabi niya pero ba't kailangan pang guluhin ang buhok ko?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD