-LEY-
Na-stroke yata ako nang marinig ko ang pamilyar na boses na iyon. Hindi rin ako makagalaw dahil sa dalawang braso niya na nakapulupot sa ibabaw ng balikat ko. Pero hindi ba ako nananaginip lang? Hindi ba ako binabangungot ngayon? Baka naman guni-guni ko lang ito? Namamalik-tainga na yata ako. Teka, pipikit ko muna ang mata ko. Pakakalmahin ko lang muna ang sarili ko.
"Oh, Hyden, mabuti na lang at dumating na kayo. Kanina ka pa hinahanap niyan ni Ley," Lolo Jaime said.
Kung ganoon, totoo nga na nandito siya ngayon?!!
"Thank you for the invitation, Shie. Sorry we're late. May dinaanan kasi kaming kamag-anak kaninang umaga." Boses ni Tita Alexa iyon.
Kaya pala may mga bakanteng upuan pa. Iyon naman pala talagang planado na ang pagpunta ng pamilya ni Hyden dito. Bakit hindi man lang ako na-inform?!
I felt his chin over my head. Nakapikit pa rin ako at dinadama ang nakakakilig na sensasyon ng pagkakayakap sa akin ng lalaking kanina ko pa hinahanap-hanap. Nakayakap pa rin siya sa akin at parang gusto kong hawakan ang kamay niya. Parang ayaw ko na siyang umalis sa likod ko. Kung puwede lang na ganito ang posisyon naming dalawa hanggang madaling araw, hindi ako mangangalay. Pero naramdaman kong inalis na niya ang braso niya sa pagkaka-yakap sa akin.
Gusto ko sana magmaktol dahil hindi ko pa lubusang na-e-enjoy ang moment na iyon. Nakakainis lang dahil nabitin ako!
"Masakit ba ulo mo, Ley?" Dinilat ko ang aking mata at nakita ko siyang nakaupo sa tapat ko. Katabi niya ang kaniyang kapatid na si Hazel.
"Hi, Ley," bati sa akin ni Hazel. Nginitian ko lang siya sabay balik ng tingin kay Hyden.
Parang gusto kong lumubog sa kinauupuan ko dahil tanaw na tanaw ko ang magandang nilalang na nasa harap ko ngayon. Grabe!!! Hindi ako magpapaka-ipokrita pero grabe lang talaga ang kaguwapuhan ni Hyden. Sobra!!!! Sumisigaw ako sa isip ko ngayon at parang gusto ko muna pumunta sa rest room dahil baka sumabog ako dito kapag hindi ko nailabas itong kilig na nararamdaman ko.
"O-Okay lang ako, Hyden."
"Hindi ka ba masaya na makita ako?" I felt sadness in his voice. Malungkot din ba siya gaya ko? Pareho ba kami ng nararamdaman para sa isa't-isa?
Kung alam mo lang ang nararamdaman ko ngayon, baka asarin mo lang ako dahil kanina pa ako wala sa sarili kaka-isip sa'yo.
"Yeah, I'm fine. Did my mother invite your family here?" pag-iiba ko ng usapan. Nilantakan ko na ang chicken joy na kanina ko pa dapat kakainin kung hindi lang biglang umeksena si Ate Kiray. Baka makabawas sa tensyon na nararamdaman ko ngayon kapag kinain ko itong chicken joy.
"Yes. Hindi ko lang sinabi sa iyo dahil gusto kita sopresahin, kaya lang hindi ka naman yata natuwa na makita ako," he replied.
Nang bigla naman akong mabilaukan.
"Oh, inom ka muna ng tubig, anak," papa said.
"Katakawan mo kasi eh." Nagsisimula na naman mang-asar si Hyden. Nakita kong nagpipigil si Hazel sa kaniyang pagtawa. Tinanggap ko ang inabot na tubig ni papa.
Walang hiya 'to si Hyden ah. Kung ano-ano kasi ang lumalabas sa bibig niya eh kaya nagugulat ako.
"Hindi ako matakaw 'no." Sabay irap sa kaniya habang siya naman ay over-over ang pagkakangiti.
"Oo na, hindi ka na matakaw. Matakaw na matakaw lang. Teka, hindi mo ba ako nami-miss?" He uttered grinning.
Tumingin ako sa kaniya ng masama. Wala akong balak na sagutin ang tanong niya.
"Hey, Ley, siya ba iyong boyfriend mo na si Hyden? Well, mas guwapo nga naman siya kaysa kay Red ah." Ugh! Pahamak ka talaga, Kuya Andrew!
"Who's Red?" tanong ni mama kay Kuya Andrew. Medyo conscious lang ako dahil nakatingin sa akin sila Tita Alexa, Tito Kobi and Hazel.
"Manliligaw mo ba, anak?" seryosong tanong ni papa sa akin.
"Hindi, kaibigan lang iyon ni Heiley. Kapitbahay ni Andrew. Nagkakilala sila ng minsang dumalaw si Ley sa bahay ng Kuya niya, doon sila nagkakilala," paliwanag ni lolo.
Nagpapasalamat ako sa magandang paliwanag mo, Lolo.
"Bro, kanina pa iyan tulala kaka-isip sa'yo." Isang banat pa Kuya Andrew, mababalian talaga kita ng buto.
"All I hear is raindrops, falling on the rooftop. Oh baby, tell me why'd you have to go. 'Cause this pain I feel, won't go away and today I'm officially missing you oh oh oh."
"Kuya Andoy!!! Babatuhin kita ng buto-buto ng chicken diyan kapag hindi ka tumigil!" Grabeeeeeeee!!! Over kilig na nga ako dito tapos gagatungan pa ng "Officially Missing You" ni Kuya Andrew. Peste!!!Hindi pa ako nakaka-move-on sa pagkikita namin ni Hyden tapos hihirit pa si Kuya!
Kung puwede lang makabulagta ng isang tao ang masamang tingin ay kanina pa bumagsak sa sahig si Kuya Andrew. Kaya lang tuwang-tuwa pa talaga siya sa reaksyon ko.
"I guess alam ko na ang sagot sa tanong ko kanina," he laughed softly.
Hindi ko siya pinansin. Nagkunyari na lang ako na walang narinig kaya pinagpatuloy ko na lang ang pagnguya sa kinakain ko.
**********
-HYD-
Napapailing na lang ako habang pinapanood ko siyang kumain. Ang takaw talaga. Kanina ko pa siya tinititigan pero hindi man lang niya ako pinapansin. At sa kakatitig ko ay may napansin lang akong kakaiba sa kaniya. Kung maganda siya noon, sobrang ganda na niya ngayon. Ang mahaba niyang buhok ay mas mahaba na ngayon dahil abot na ng dulo nito ang kaniyang baywang. Suot niya ay 3/4 sleeve na color fuschia at naka-suot ng jumper. Parang bata lang eh.
Cute din ang pagkakaayos ng kaniyang buhok. Naka-half pony tail siya gamit ang pink ribbon. Bagay na bagay ang kulay ng suot ko sa damit niya dahil parehong color fushia ito. Napansin ko rin ang light makeup sa kaniyang makinis na mukha.
Simpleng babae. Mabait na, wala pang arte sa katawan. 'Yan ang tunay na maganda. Turn-on talaga sa akin ang babaeng hindi na kailangan magsuot ng sobrang ikling short na kita na singit or mag-makeup ng todo-todo para lang masabihan ng sexy or maganda. Heiley is a good example of true Filipina beauty.
Kinuha ko ang aking cellphone sa side pocket ng jeans ko. Palihim ko siyang kinuhanan ng picture habang nakikinig siya sa usapan ng mga parents namin.
Binuksan ko ang aking cellphone at nag-browse sa aking f*******:.
"There's this girl, the one and only wonder of this world." Ang caption na nilagay ko sa kaniyang picture, saka ko inupload ang stolen shot ko kay Heiley sa timeline ko.
Hindi niya naman siguro malalaman ito. Hindi naman kami friends sa f*******:, sa Tweeter at sa i********: kaya okay lang siguro na i-share ko itong stolen shot niya. Pagkatapos ma-i-post ay binalik kong muli sa bulsa ang cellphone ko.
"Pssstttt...." agaw ko sa atensyon niya pero nagbingi-bingihan lang siya. Tinabig ko ang paa niya sa ilalim ng mesa. Hayun, tumingin din sa akin─tinging nakakatakot. Mas nakakatakot pa sa mga zombie ng Train to Busan. Pero binawi niya rin ang tingin niya sa akin.
Kainis naman! Nangulit pa naman ako sa mga parents ko na pumunta agad dito tapos ito lang isasalubong sa akin ni Ley? Ang daya naman nito! Mukhang hindi naman totoo ang sinabi ng pinsan niya at ni Lolo Jaime na namimiss na raw ako ni Ley.
Kahapon ko pa nalaman ang tungkol sa family bonding na ito. Personal na pumunta si Tita Shiela sa bahay kahapon para pormal kaming imbitahan sa munting salo-salo. Ito nga iyong pagbisita namin sa kanilang pamangkin na si Kuya Andrew. Sinabihan ko sila na huwag muna sabihin kay Ley na kasama kami kasi gusto ko siya sopresahin. Mababait naman sila dahil sinang-ayunan nila ang plano ko. Ako na talaga ang malakas sa pamilya ni Heiley.
Pero kung ano ang kinalakas ko sa mga magulang niya, ay siyang kinahina ko naman sa kaniya. Sa nakikita ko ngayon ay parang balewala lang ang presensya ko sa kaniya. Panay pa ang tawa niya sa mga jokes ni Lolo Jaime.
Alam mo iyong feeling na sobra mo siyang nami-miss pero siya, sobrang saya niya na parang balewala ka lang. Kung sabagay, hindi nga pala totoo ang relasyon namin. Kunyari lang ang lahat ng 'to. Isang linggo na lang at matatapos na rin naman ito eh. Nawalan tuloy ako ng gana, parang gusto ko na lang umuwi.
"Anak, bakit hindi mo ginagalaw pagkain mo?" Daddy asked.
"Ginagalaw ko po kaya," sabay kalikot ng pagkain gamit ang kutsara. They all laughed except for that girl.
"Adik ka, Kuya. Hindi iyan ang ibig sabihin ni Daddy," Hazel uttered.
Bago pa humaba ang usapan na ito ay sinubo ko na ang Jolly spaghetti na kanina ko pa pinaglalaruan sa kutsara. Infairness, walang kasing sarap talaga ang spaghetti dito sa Jollibee. Mabuti na lang at ito ang napiling negosyo ng pinsan ni Heiley. Hindi magiging problema ang ipang-da-date ko sa kaniya dahil magpapa-discount ako kay Kuya Andrew. Paniguradong hindi iyon tatanggi.
*********
- LEY -
Akala ko ay uuwi na kami pero humirit pa ang mga magulang namin ni Hyden. Mag-videoke muna raw kami bago umuwi. Na-miss din kasi ng parents ko ang kantahan kaya naman pumayag na rin ang family ni Hyden. At ngayon ay papunta kami sa videoke booth ng mall.
"Teka, nasaan si Hyden?" Tanong sa amin ni Tito Kobi.
"May binili lang po siya, Daddy," Ani Hazel.
Pinilit kong maging normal ang t***k ng puso ko kanina kaya lang hindi maiwasan na magwala ang praning kong puso dahil sa mga titig na pinapakita ni Hyden sa akin kanina. Sa totoo lang noong nasa Jolibee kami ay gustong-gusto ko siyang maka-usap kaya lang nahihiya ako kasi nasa paligid ang mga magulang namin.
Panay pa ang bantay ng mata ni mama sa amin kaya hindi ako makakilos ng normal kanina. Kung hindi ko pa napansin na pinagmamasdan kami ni mama at papa ay baka hindi pa ako magiging malambing kay Hyden.
Bakit ka ba nahihiya Heiley eh boyfriend mo naman si Hyden 'di ba?
Bakit nga ba? Wala naman masama kung mag-usap kami na parang magkaibigan lang pero bakit nga ba ako nahihiya? Hindi kaya mas lalo lang akong halata sa inaasal kong pang-de-deadma kay Hyden?
Okay, kaunting PDA lang mamaya ang gagawin ko. Baka kasi makahalata na ang parents ko at isipin nila na we're in a bad terms kung hindi ko papansinin si Hyden.
Act like a real girlfriend.
Hmmm. Ano ba nga ba ang tunay na ginagawa ng real girlfriend?
BE SWEET LIKE A BEE.
Okay, let's try. Pero teka, nasaan na nga ba si Hyden? Ang tagal naman niya bumalik. Nandito na kami sa loob ng videoke booth pero wala pa rin siya.