- HEILEY -
HINALIKAN NIYA SA PISNGI SI HYDEN!!!!
Grabe. Parang lalabas ang eyeball ko sa sobrang pagkabigla dahil sa shocks na ginawa ng malditang iyon.
Paking tape!
Halatang nagulat din si Hyden sa ginawa ni Rose. Anong sapi ba ang mayroon sa babaeng iyon?
Nang makaalis na ang apat ay saka ko hinarap si Hyden.
"BAKIT ANG LANDI-LANDI MO?!"
"Huh? Anong paratang naman 'yang sinasabi mo, Ley? Paano naman akong naging malandi? Ano ang ginawa kong masama?"
"Parang hindi ko nakita ang eksena kanina ah. Malinaw pa ang mata ko, Reyes."
"Ano bang malandi sa ginawa ko? Nakikipag-friend lang sila that's why I'm just being friendly to them. They are all nice."
"At nice sayo si manananggal? Tama ba na halikan ka niya? Sa harap pa ng girlfriend mo?!"
"Sinong manananggal naman iyan? Si Rose ba? Saka hindi niya ako hinalikan." Nakakainis siya! Bakit mas pinapaboran niya si Rosas Espasol?! "Bakit ang HB mo yata ngayon, Ley? Mayroon ka ba ngayon?"
"Loko ka ah!" Batukan ko nga.
"Aray naman! Binibiro lang naman kita eh."
"Puwes, hindi nakakatuwa!"
"Hindi niya ako hinalikan kung 'yan ang ikinaseselos mo. May binulong lang siya sa akin. Weird nga lang eh."
Hindi ako umimik. Hinintay ko na mag-kuwento pa siya kung ano nga ba iyong nakita ko kanina.
"Hindi niya hinalikan si Hyden." Sabat ni Jazzfer sabay lagok ulit ng iniinom niya. Kanina pa ito si Jazzfer ah, panay ang inom ng C2. Hindi niya yata maubos-ubos ang laman nun.
"See. I told you, hindi niya ako hinalikan kaya 'wag ka ng magselos diyan. May binulong lang siya sa akin." Tumingin lang sa akin si Hyden pero hindi ako sumagot.
Hindi ko i-co-confirm na nagseselos ako pero hindi ko i-de-deny na totoong nagseselos talaga ako!
Lumapit siya sa akin at tinapat ang bibig sa tenga ko.
"I'm crazy for you."
***********
- HYDEN -
"See. I told you, hindi niya ako hinalikan kaya 'wag ka ng magselos diyan. May binulong lang siya sa akin."
Inoobserbahan kung ano pa ang susunod niyang gagawin. Nang maramdaman kong hindi na siya magsasalita pa ay lumapit ako sa kaniya at bumulong.
"I'm crazy for you....."
"Ganiyan na lang ang tema niyong dalawa? Away-bati tapos loving-loving na ulit? Mamaya na 'yang ka-emotan niyo dahil magpe-perform na ang POP GIRLS." Napatingin ako kay Austin.
"POP GIRLS? Ngayon ko lang narinig iyan ah." Biglang sumulpot sa likod namin si Shaun.
"Buti naman at dumating ka na. Na-videohan ba nila YsabeL at ArLy ang sayaw natin?" tanong ko sa kanila.
"Yap! Yap! Yap! Kaya mamaya na yang LQ niyo. Baka masira ang concentration ko dahil kukuhanan ko rin ng video itong next performer na 'to," wika ni Austin.
Nagsimula nang magsigawan ang mga tao sa loob nang ipinakilala nila Kuya Robi ang susunod na magpe-perform. Napukaw ang atensiyon ko nang maramdaman kong may humawak sa kamay ko.
"You're...... c-crazy over........ me?" pautal na tanong ni Heiley.
Tulalang nakatingin sa akin si Heiley. Naramdaman ko ang paghigpit ng hawak niya sa kamay ko. Na-gets ko agad ang tanong niya.
"I'm crazy for you, iyan ang bulong sa akin ni Rose kanina kaya medyo nagulat ako. 'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa ah. Walang kiss na nangyari. Promise!" Sabay pisil sa kamay niya.
"Let's watch these cute girls perform I'M CRAZY CRAZY FOR YOU. Here they are, the POP GIRLS," sabi ng host.
Dumako ang paningin ko sa stage at nakita kong lumabas ang limang babae na kanina lang ay kasama namin at kakuwentuhan. Nagpalakpakan kami nang makita namin sila.
Sila pala ang POP GIRLS. Sino kaya ang event organizer namin at nahagilap nila ang PHP at ang POP GIRLS?
They are all cute. Mahusay rin naman silang sumayaw at kumanta. Parang si Rose ang biritera sa kanila. I think she is the leader of the group dahil angat ang galing niya sa apat. Pinanood ko ang performance nila hanggang sa matapos ito. Nagpalakpakan ang mga audience especially ang mga lalaki syempre. Ganiyan naman talaga 'di ba? Kapag babae ang nakikita, lalaki ang magsisigawan at kapag lalaki naman ang nagpe-perform ay babae naman ang mga nagtitilian.
"Grabe! Ang galing nila 'no? Lalo na si Carlyn!" Narinig kong sigaw ni Austin habang nakatingin sa hawak niyang cellphone. Kinuhanan niya ng video ang grupo. Napangiti na lang ako. Mukhang tinamaan nga siya kay Carlyn.
Nilibot ko ang aking paningin at napansin ko na sina Austin at Shaun na lang ang katabi ko.
"Nasaan si Heiley?" tanong ko sa kanilang dalawa.
" 'Di ba katabi mo lang kanina?" tanong ni Shaun habang nagte-text.
"Oo nga pero wala na rito eh." Hala, saan na napunta iyon?
"Pati si Jazzfer, wala rin ah. Naku, mukhang tinablan ng tanduay ice iyon ah." Napakamot naman sa batok si Austin habang nagpalinga-linga rin sa paligid.
"Kanina pa iyon 'di ba? Saka naubos na natin iyon. Paanong tatablan siya nun?" takang tanong ko.
"Pasensya na, dude, hindi ko sinabi na marami pa akong baon nun. Eh mukhang nag-enjoy si Jazzfer kaya humirit pa sa akin. Pinagbigyan ko na kasi hindi naman ganoon kalakas ang tama nun eh," Austin explained.
Kaya pala kanina ko pa napapansin ang pagka-werdo ni Jazzfer. Iyon pala mukhang tinablan na sa ininom niya. Hindi pa naman namin alam kung ano ang kaya niyang gawin kapag nakakainom siya.
"Para ka talagang timang, Austin. Baka kung ano gawin nun ah. Hanapin nga muna natin dahil magpe-perform pa tayo. Hindi puwedeng kulang tayo."
"Hi, guys!!!!" Biglang dumating ang Pop Girls..
"Did you enjoy our performance?"
"Oo naman. Ang gagaling niyo nga eh." Mukhang na-hook na si Austin sa grupo na 'to ah.
"Kayo pala ang Pop Girls." Mukhang nakuha naman nila ang atensiyon ni Shaun. Parang kanina lang ay panay ang hawak sa cp at busy kakapindot, ngayon ay nilagay na niya sa side pocket ng jeans niya ang aparato at tuwang-tuwa na tumingin sa limang babae.
Imbes na gayahin ko sila at titigan ang Pop Girls, sina Austin at Shaun ang tinitigan ko. Mabuti naman at tumingin din sila sa akin. Alam kong gets na nila ang ibig kong iparating sa kanila. Basang-basa na nila ang ibig kong ipahiwatig sa kanila kahit walang salitang lumalabas sa bibig ko.
Makuha ka sa tingin, ika nga.
"Tara na, mamaya na ang landian," sa wakas ay saad ko.
"Ang KJ mo talaga, Hyden!" sabay nilang wika.
"Sorry, girls, pero maiwan na muna namin kayo ah," sabi ko sa kanila.
"Why? Aalis na kayo agad?" Medyo nabigla pa ako nang hinawakan ni Rose ang braso ko.
"Maglalakad-lakad na muna kami," asiwang sagot ko sa kaniya.
"Maganda ang tugtog, sayaw muna tayo, Hyden." Sabay hila sa kamay ko at pilit ako pinapapunta sa dance floor.
Oo, maganda nga naman ang soundtrip. DJ GOT US FALLING IN LOVE AGAIN by USHER ang pinapatugtog. Kung nandito lang si Heiley, siya ang isasayaw ko sa dance floor at hindi si Rose.
"Some other time na lang siguro. May dapat pa kaming gawin eh." Nagpaalam na kami sa kanilang lima.
***********
Nilibot nga namin ang buong campus para hanapin sina Jazzfer at Heiley pero hindi namin sila makita. Tinanong na rin namin ang iba pa naming kakilala kung may nakakita sa kanilang dalawa pero walang nakapagbigay-alam kung nasaan sila. Tinawagan na rin namin ang dalawa pero panay lang ang ring ng cellphone ni Jazzfer habang si Heiley ay hindi ko naman makontak.
"Please try to call later...." Sabi ng operator kaya pinatay ko na lang ulit ang cellphone ko.
Hindi ko talaga makontak si Heiley. Bakit kasi bigla na lang umalis siya ng hindi nagpapaalam eh.
"Hindi kaya lumabas sila ng school?" tanong ko sa dalawa.
"Hindi sila makakalabas, dude, dahil may mga guard na nakabantay sa gate. Hindi naman tayo hahayaan na makalabas ng campus dahil baka mapahamak pa tayo sa labas," Austin informed.
"Ano pa ba ang hindi natin napupuntahan?"
"Sa tingin ko nalibot na natin ang buong campus eh. Bumalik na tayo sa court at baka nandoon sila." At lumakad na nga pabalik ng court si Shaun.
Wala akong nagawa kung hindi sumunod sa kanila. Pero may isang bahagi ng utak ko na pumipigil sa akin at dapat ko silang hanapin. Dapat kong hanapin si Heiley. Tumigil ako sa pagsunod sa dalawa at bumalik sa pinanggalingan namin. May isa pang lugar na hindi pa namin napupuntahan. Ang pinaka-lumang building na kinatatakutan ng mga estudyante dahil sa mga kababalaghang kuwentong naririnig namin. Hindi ko alam kung totoo pero parang gusto ko lang subukan puntahan iyon at baka nandoon sila. Pero, pupunta nga kaya roon si Jazzfer o kaya si Heiley kung kinatatakutan nga iyon?
Nang marating ko ang lumang gusali ay bigla akong huminto. Dulong bahagi ito ng campus kaya bihirang puntahan. Saka ito rin ang unang pagkakataon ko sa gusaling ito dahil kinatatakutan nga ito eh. Sa hitsura pa lang ay matatakot ka na. Bigla tuloy ako nakaramdam ng takot. Nakakakilabot talaga ang hitsura. Parang haunted building na nakikita sa mga pinoy movie na sobrang dilim sa loob, maraming mga halaman na nakadikit sa pader. Ugh! Basta, nakakatakot talaga.
Dapat ko pa bang ituloy ito? Parang nakakaduwag. Baka kung anong halimaw ang sumulpot eh.
Back out! Back Out!
Ano ba naman kasi ang naisipan ko at pumunta pa talaga ako rito?
Siguro dahil gusto ko rin labanan ang takot sa madidilim na lugar. May masamang karanasan kasi ako noong bata pa ako kaya takot talaga ako sa madidilim na lugar. Kinulong lang naman ako nila Jp at Red sa madilim na cabinet na akala ko ay kamatayan ko na, pero salamat na lang din kay Heiley dahil hindi ako natuluyan nun.
Pero nasaan na nga ba si Heiley? Saan nga ba siya pupunta?
**********
I took out my cellphone inside of my side pocket and searched for her name, "Baby ko". Dahil hindi ko siya matawagan, nag-send na lang ako ng message sa kaniya
"Nasaan ka na ba, Ley? Hindi ka man lang nagpaalam kung saan ka pupunta. Kanina ka pa namin hinahanap pero hindi namin alam kung saan ka pupuntahan. Nag-aalala na kaming lahat sa'yo kaya text mo kaagad ako kapag nabasa mo ito."
Pagkatapos ko ma-i-sent ang message ay naglakad na ako paalis sa lumang gusali. Pero hindi pa ako nakakalayo ay may narinig akong kakaibang ingay. Napatigil ako sa paglalakad at pilit kinalma ang sarili. May naririnig talaga ako mula sa kinatatakutang lugar ng campus.
"Huhuhu..."
May umiiyak na babae. Sht! Ito na nga ba sinasabi ko eh! Ang tanga-tanga ko naman kasi para pilitin pa ang sarili ko na pumunta rito eh duwag nga ako sa madidilim na lugar.
Gusto kong tumakbo pero parang nalagyan na ng glue ang paa ko at hindi ko na maihakbang. Para akong na-stroke na nakatayo pa rin.
"HUWAG KANG MAGPAPAKITA SA AKIN HALIMAW KA!!!"
Nang sa wakas ay maigalaw ko rin ang mga paa ko ay kumaripas na agad ako ng takbo.
"I HATE YOU, HYDEN REYES!!!!! IKAW ANG PINAKA-DUWAG NA LALAKING NAKILALA KO SA BUONG MUNDO!!! BUWISIT KA SA BUHAY KO! HUWAG MO NA IPAPAKITA ANG MUKHA MO SA AKIN!!!!!"
Napakunot-noo ako sa narinig. Binanggit niya ba ang pangalan ko?
"PISTI KA TALAGA , HYDEN! PAKAMATAY KA NA LANG PARA HINDI NA AKO NA-I-I-STRESS SA'YO!"
Oh yes, that's my handsome name and I know who's the owner of that voice. Masyado ng familiar sa akin ang boses niya. Pero bakit siya galit? Stress na pala siya sa akin? Ano ba ang ginawa ko sa kaniya para ma-stress siya? Galit ba siya dahil hindi kami sabay pumunta ng school kanina? Kaya lang masyadong mababaw na dahilan iyon para magalit siya. Hindi kaya sobrang nag-selos siya kay Rose? Pero wala naman akong gusto kay Rose eh.
Eh sino ang gusto mo?
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre kilala mo na iyon 'no. Ikaw ang nakakaramdam nun eh." Parang sira-ulo na sagot ko sa puso ko.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa madilim na gusali. Gusto ko siya agad makausap kaya pinagsawalang-bahala ko na muna ang takot ko. Gusto ko malinawan kung ano ang pinag-e-emote ng babaeng iyon.
Sa wakas at nakapasok na rin ako sa loob. Pati amoy ng building ay nakakatakot eh. Mayroon itong apat na palapag at hindi ko mabilang ang dami ng pinto. Hindi ko alam kung iisa-isahin ko pa ang mga pinto na ito para malaman ko lang kung nasaan si Heiley.