4 ❤️

1917 Words
-LEY- Mayroon pa kaming last subject bago mag-uwian. Nagdesisyon na akong pumunta sa basketball court para sabay na kami ni Jazzfer pumasok. Malapit na ako sa court nang makita ko ang grupo nila Hyden na kinakausap si Jazzfer. Parang seryoso sila sa pinag-uusapan. Nanggilalas pa ako nang mag-shake hands sila Hyden at Jazzfer. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari kaya patakbo ko na sila pinuntahan. "Anong nangyayari rito?" pukaw ko sa atensyon nila. Kami-kami lang ang tao rito sa court. Mabuti naman dahil ayoko pagpiyestahan kami ng mga kapwa namin estudyante. Lahat sila napatingin sa akin. Nagtama ang paningin namin ni Hyden pero inirapan ko lang siya, saka ko binaling ang tingin ko kay Jazzfer na siyang unang bumitaw sa pagkakakapit ng kamay nila Hyden. "Oh, nandito na pala si Mrs. Santos - Reyes," pangbubuska ni Austin sa akin na sinundan naman ng tawa ni Shaun. "Manahimik kayo dahil hindi kayo ang kausap ko!" sigaw ko sa dalawa. Agad din naman nila tinikom ang bibig nila at pumunta sa likod ni Hyden. Huwag sila makikisali rito at baka pilipitin ko mga leeg nila. Nilapitan ko si Jazzfer at tinitigan ngunit hindi niya magawang makipagtitigan sa akin. Nakayuko lang siya at halatang may kasalanan. "Bakit ka nakipagkamay sa kaniya?" mahinahon kong tanong. "N-Nakikipagkaibigan lang sila, Ley." Sukat sa sinabi niyang iyon ay parang umakyat ang dugo sa tuktok ng ulo ko. Ano raw?! Kinakaibigan siya ni Hyden?! Para ano?! Para dagdagan pa ang taong mananakit sa akin? "Hindi natin siya kaibigan! Alam mo naman kung sino siya sa buhay ko 'di ba? Saka kakampi kita at kaaway siya, Jazzfer." Masama ang loob ko. Kung alam ko lang na ito pala ang dahilan nang pagpunta niya rito sa basketball court, pinigilan ko na sana siya. Baka may ginawa sila kay Jazzfer na nakapagpabago ng isip niya. Hindi ko siya inutusan para maging saviour ko laban kay Hyden. Kusang-loob niyang sinabi na, "Ako bahala sa iyo. Hangga't nandito ako, hindi ka malalapitan o mapapahamak mula kay Hyden." Para saan pa ang sinabi niyang iyon kung ngayon naman ay hahayaan niyang makipaglapit sa kaniya ang grupo nila Hyden. Umasa ako sa sinabi niya. Pinaniwalaan ko iyon dahil alam kong magkaibigan na kaming dalawa. Kaya naman hindi ko lubos maisip na nakikipagkamay siya kay Hyden. Bakit? Ano ang pinag-usapan nila na hindi ko alam? Gusto kong malaman kung ano ang dahilan na iyon para gawin sa akin ni Jazzfer ito. "Jazzfer, kinakausap kita!" "Heiley, tama na iyan. Nag-uusap lang kaming dalawa rito," narinig kong singit ni Hyden. Masama ang tingin ko sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya ang labis na pagkamuhi ko sa kaniya, sa lahat ng sakit at hirap na dinanas ko sa kaniya. "Huwag kang makisali dahil hindi ikaw ang kausap ko!" Hindi ko talaga makontrol ang boses ko. Sobrang lakas na nag-e-echo na sa loob ng court. "Nakikipagkaibigan lang kami sa kaibigan mo, Heiley. Sana 'wag mo naman ipagdamot si Jazzfer sa amin." "Pestecide ka! Kinakausap ba kita? Hindi naman 'di ba? Kaya manahimik ka riyan!" Si Shaun naman ang napagbalingan ng galit ko. Mga pakialamero. Bago pa makasali sa usapan namin si Austin ay pinandilatan ko na siya ng mata. "Huwag ka ng magtangka. Manahimik ka!" "Ley, huminahon ka. Tama ang sinabi nila, nakikipagkaibigan lang sa sila sa akin kaya nahuli mo kaming nag-she-shake hands." "Pero bakit?! Sila ang nanakit sa akin, Jazzfer. Nakalimutan mo na ba iyon? Ang taong kaharap mo ay ang taong nanakit sa akin ng siyam na taon! 9 years iyon, Jazzfer. Marunong ka naman magbilang 'di ba? Sa siyam na taon na iyon ay naging duwag ako - takot. Pero magmula ng maging magkaibigan tayo ay naimulat mo ang mata ko na dapat maging matapang ako. Huwag kong hayaan na kainin ako ng takot dahil sa halimaw na iyan. Tama ka nga naman. Sino ba sila para saktan ako? Mga halimaw lang naman sila na walang puso!" Gusto ng kumawala ng luha sa mata ko pero pinigilan ko dahil ayokong mas magmukhang talunan sa paningin nila. Not in front of Hyden! That monster I hate the most! Lahat sila ay halatang nabigla sa mga sinabi ko dahil sa reaksyon ng mga mukha nila. Kahit ako rin naman ay nagulat dahil kaya ko pala maging matapang sa harap nila. Dapat ng maputol ang sungay nila kaya ngayong araw na ito, hindi na nila mahahawakan maski ang dulo ng kuko ko dahil lalabanan ko sila! "Ley─" "SHUT UP YOUR BAD MOUTH, HYDEN! Nine years is too much! Hindi na iyon aabot pa ng sampung taon!" duro ko sa kaniya. Gusto kong maramdaman niya na hindi na ako ang dating Heiley na manginginig sa sobrang takot sa kaniya. Hindi ko na hahayaan pa na maapi nila ako. "Sorry, Ley ─" Galit akong tumingin kay Jazzfer. "SORRY TOO, BUT I DON'T KNOW YOU. TRAITOR!!!!" ********** Parang wala ako sa katinuan habang naglalakad pauwi. Hindi na ako sumakay ng tricycle dahil hindi naman kalayuan ang main gate sa bahay namin. Safe naman maglakad kahit nag-iisa dahil lahat ng street lights ay nakasindi na. Mahigpit din naman ang proteksyon sa Subdibisyon kaya hindi ako nag-aalala kahit maglakad pa ako ng hatinggabi. Okupado pa rin ang isip ko sa nangyari kanina. I thought Jazzfer is my friend kaya naman lubos ang tiwala ko nang ikuwento ko sa kaniya ang masamang ugnayan namin ni Hyden simula pa lang noong kami ay bata pa. Alam niyang galit ako kay Hyden kaya nga sinabi niya na gagawin niya ang lahat para hindi na ako malapitan pa ni Hyden. Pero bakit ganoon ang nadatnan ko? Nahuli ko silang nag-uusap. Hindi lang pangkaraniwang pag-uusap dahil magkadaupang-palad pa sila. Kita ko pa ang ngiti ng halimaw na iyon habang si Jazzfer ay seryosong nakatitig lang sa kaniya. Palaisipan sa akin kung ano ang pinag-usapan nila bago ko mahuli ang eksena na iyon. Shake hands is a sign of agreement, a reconciliation kaya malamang ay nagkasundo ang dalawa sa hindi ko malamang dahilan. Hindi kaya espiya lang si Jazzfer? Alagad talaga siya ni Hyden sa simula pa lang? Nasabunutan ko ang buhok ko sa naisip. Maaaring sinet-up lang ako ni Hyden at talagang magkakilala naman sila sa umpisa pa lang. Inutusan marahil niya si Jazzfer na kaibiganin ako at alamin ang lahat ng saloobin ko. Peste!!! Naisahan na naman ako ng halimaw na iyon ah. Napaiyak ako sa sobrang sama ng loob. Anong karapatan nila para saktan ako?! Bakit ako pa ang binigyan ng ganitong kapalaran ng Panginoon? Naging mabait naman akong apo at anak pero bakit kailangan ko sapitin ang ganito? Wala naman akong ibang hinangad kung hindi ang makahanap at makatagpo ng kaibigan. Kahit isang kaibigan lang ay masaya na ako pero malas. Akala ko talaga ay si Jazzfer na ang package na pinadala ng Panginoon sa akin pero isang malaking kalokohan lang pala ang isipin ko na magiging tunay kaming magkaibigan. Sa sobrang sama ng tadhana sa akin ay napaiyak na ako. Iyong luha ko na kanina ko pa pinipigilan ay bumuhos na lang na parang gripo. Pesteng buhay talaga 'to oh. Ang malas mo talaga, Heiley! Patuloy lang sa paglandas sa pisngi ko ang mala-gripong pagpatak ng mga luha ko nang marinig kong tumunog ang cellphone ko mula sa side pocket ng palda ko. Kinuha ko iyon at nakita ko sa screen ang pangalan ni Jazzfer. Kailangan ko na magpalit ng cellphone number para hindi na niya ako matawagan pa. Kinansela ko ang tawag niya at binalik sa bulsa ko ang cp ko. Wala na kaming dapat pag-usapan. Malinaw pa sa ilaw ng mga poste ang panglolokong ginawa niya sa akin. Malapit na ako sa bahay kaya kailangan ko ng ayusin ang sarili ko bago pa magtaka sina Lolo't Lola. Hindi nila maaaring malaman ang masasakit na pinaggagawa sa akin ni Hyden. Ayokong mag-aalala sila sa akin dahil matanda na sila at baka kapag sinumbong ko pa si Hyden ay himatayin sila. Kinuha ko ang backpack bag mula sa likod ko. Hinalungkat ko ang aking gamit para kunin ang panyo pero hindi ko mahanap. Abala ako sa paghahanap ng panyo nang magulat ako sa sumunod na nangyari. ********* -HYDEN REYES- SINUNDAN ko si Heiley nang matapos ang klase namin. Wala siyang kamalay-malay na malaya ko siyang tinitingnan mula sa kabilang kalsada. Hindi ko alam kung ano ang trip nito at nilakad na lang mula sa Subdivision namin hanggang sa bahay. Kung tutuusin ay madali lang naman ito lakarin dahil wala pa sigurong sampung minuto ay mararating na ang bahay namin lalo na kung mabilis kang maglakad. Pero kapag ganitong lakad pagong si Heiley ay baka abutin kami ng trenta minutos sa kalsada. Palihim ko siyang sinundan. Ayokong mapahamak siya nang dahil sa akin. Alam kong naghahari sa puso niya ang galit, lalo na nang makita niya kami ng mga barkada ko na kinakausap ang nag-iisang kaibigan niya sa Fantastic High, si Jazzfer. Sa naging pag-uusap namin ni Jazzfer kanina ay marami akong napagtanto, mga kagaguhan na ginawa ko kay Heiley. Aminado ako, sa siyam na taon na magkakilala kami ni Heiley ay wala pa akong nagagawang tama para sa kaniya. Simula pagkabata ay kung ano-anong pagmamalupit na ang natikman niya mula sa akin. Namulat ang kaisipan ko sa mga sinabi ni Jazzfer. Iyon ang unang pagkakataon na may taong gumising sa akin. Para akong binuhusan ng malamig na tubig tapos susundan ng kakakulo lang na tubig para mapaso ako sa katotohanan na walang magandang kahihinatnan ang mga pinaggagawa ko. Kung hindi pa nakiusap sa akin si Jazzfer na itigil na ang p**********p kay Ley ay hindi pa yata ako matatauhan. Ang tanga-tanga at ang gago-gago ko talaga para gawin iyon sa kaniya. Hinintay ko pa lumala ang sitwasyon bago ko maisipan na gumawa ng isang malaking desisyon. Gusto ko nang tapusin itong kasamaan ko sa kaniya. Isa lang naman ang dahilan kung bakit ako naging ganito eh. Nagkaroon ako ng takot ─ takot na kapag pinagpatuloy ko ang pagiging mahina at duwag sa paningin ng iba, mananatiling iyon na ang tingin nila sa akin habang-buhay. Nagkaroon ako ng masamang karanasan sa mga kaibigan ko noong bata pa lang ako. Nandiyan na ma-bully ako, paglaruan ako, pagtripan ako, tuksuhin ako, na hindi ko malaman sa anong dahilan at bakit nagawa sa akin ng mga kalaro ko iyon. Kaya naman nang makalabas ako mula sa cabinet na iyon, sinabi ko sa sarili ko na dapat akong magbago. Na lalabas akong matapang at walang kinatatakutan. Hindi ko hahayaan ang sino mang tao na paglaruan ako, pagtripan ako, tuksuhin ako at hamakin ang pagkatao ko. At ang malas na taong unang nakita ko mula nang makalabas ako sa cabinet ay si Heiley Santos. Sa kaniya ko binunton lahat ng galit ko sa mga kalaro ko. Kaya naman hanggang ngayon na dalaga at binata na kami, siya pa rin ang lubos na naghihirap dahil sa masamang karanasan ko noong kami ay parehong pitong gulang pa lang. Napansin ko ang pagpahid niya sa kaniyang pisngi. Kinurot ang puso ko dahil alam ko naman na ako ang dahilan kung bakit siya umiyak. Maya-maya pa ay nakita kong hawak niya ang kaniyang cellphone pero binalik din agad sa kaniyang bulsa. Alam kong huli na para magbago dahil dama ko ang sukdulang galit sa akin ni Heiley. Pero hindi ako susuko at gagawin ko ang lahat, makuha ko lang ang kaniyang kapatawaran. Gagawin ko ang lahat para sa kaniya. Kung kinakailangan na maranasan ko ang naranasan niya mula sa akin ay gagawin ko. Kung iyon lang ang paraan para mapatawad niya ako.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD