21 ❤️

1631 Words
- HYDEN - "Do you love me, Heiley?" tanong ko sa kaniya. Kanina pa lang sa videoke booth ay nababagabag na talaga ako dahil sa naging pag-uusap namin sa cellphone. Gusto ko lang ulit makasiguro kung totoo nga iyong narinig ko mula sa kaniya. Mahal niya raw ako. Kung totoo man iyon, sasabihin ko na rin ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya. Hindi na ako magpapakipot pa. Matagal nang may lugar sa puso ko si Heiley. Natakot lang ako na ipakita ang tunay kong nararamdaman para sa kaniya dahil sa maling simula ng kuwento namin noong mga bata pa kami. Puno ng galit ang puso niya para sa akin kaya kahit gusto kong itama lahat ng mali sa isipan niya ay hindi ko magawa dahil sa takot. Pero nang magkaroon ako ng pagkakataon na makapasok muli sa kaniyang buhay, gusto ko ay maging maayos na ang lahat sa amin. Itatama ko lahat ng maling nagawa ko sa kaniya. Wala mang kapatawaran ang pangbu-bully na ginawa ko sa kaniya noon, gusto ko pa rin makabawi sa lahat ng sakit na dinulot ko sa kaniya. Sana talaga ay bigyan ako ng pagkakataon ni Heiley na magbago. Pero paano pala kung hindi naman totoo iyong sinabi niya kanina? Parang madudurog ang puso ko kapag naiisip ko ang bagay na iyon. Ugh! Ayokong isipin iyon. Kung mali man ako sa pagkakarinig ko, gagawin ko ang lahat para ibigin niya rin ako. Hindi pa rin nagsasalita si Heiley kaya naman binaling ko ang tingin ko sa kaniya. Nakatitig lang siya akin. Parang tulala. "Ley, ayos ka lang ba?" Tila nagising naman siya sa malalim na pag-iisip nang yugyugin ko ng bahagya ang swing na kinauupuan niya. "Y-Yes. Okay lang ako, Hyd." "Parang ang lalim ng iniisip mo ah. Mahirap ba sagutin ang tanong ko?" "Errr. Ano nga ulit tanong mo?" Hay naku. Hindi nga niya narinig. "Gusto ko malaman ang totoo, Heiley. Tama ba iyong narinig ko kanina?" "Ano ba iyong narinig mo?" "Mahal mo ako. Sinabi mo iyon sa phone kanina. Umamin ka. Mahal mo na talaga ako 'no?" Para matago ang kaba ay dinaan ko sa biro ang pagkakatanong ko. Biglang tumawa nang malakas si Heiley. "Sinabi ko ba talaga iyon?" "Oo...S-sinabi mo iyon...kanina..." Bigla akong napahiya sa ginawa ni Heiley. Tawanan daw ba ang tanong ko? "Ah. Naku kaya ko lang nasabi iyon kasi katabi ko si Mama. Nakatingin sa akin. Syempre para mapaniwala ko siya, sinabi ko na... alam mo na.... Hmmm I love you." Hindi ako nakasagot sa sinabi niya. Kaya pala. Iyon pala ang kuwento. Ako naman si tanga, UMASA. Oo nga naman, sino ba naman ako para mahalin ni Heiley? Ako lang naman iyong halimaw sa paningin niya at hindi na yata magbabago iyon kahit kailan. Parang tinarak ng patalim ang puso ko sa narinig. Nasasaktan ako ngayon. Napayuko na lang ako. "Hoy! Nanahimik ka na riyan." Niyugyog niya nang malakas ang swing na inuupuan ko. "Hala! Akala mo ba talaga totoo iyong sinabi ko kanina na I love you?" Tumingin ako kay Heiley. Mukhang tatawanan na naman ako nito. Ayoko makita magiging reaksyon niya kaya hinawakan ko ang mukha ko para maitago ang kahihiyan na puwedeng mangyari. Naman! Minsan na nga lang ma-inlove at sa unang pagkakataon pa, papalpak pa! "Naniwala ka nga?! Ang ibig ba niyang sabihin umasa ka na gusto talaga kita?" Patuloy ko pa rin naririnig ang halakhak niya. Nang mapansin niyang hindi pa rin ako naimik ay tumigil na siya sa pagtawa. Naramdaman ko ang kamay niya na nakapatong sa balikat ko. "Hyd, seryoso ka na ba talaga niyan? Magsalita ka naman oh. M-may... gusto ka na ba... sa akin?" Inalis ko ang aking kamay sa mukha at madamdamin siyang tinitigan. Ilang saglit pa ay ako na ang tumatawa. Ito ang paraan ko para maitago ang sakit na nararamdaman ko ngayon. Hindi ko papayagan na masaktan niya ako ng ganito kaya nagkunyari na lang ako na hindi apektado. "Joke! Joke! Joke lang iyon 'no. Bakit naman ako maniniwala sa sinabi mo eh alam ko naman na NAGPAPANGGAP lang tayo. Asa ka naman na magustuhan kita. Nakakatawa ka i-good time, Ley!" "Ah okay. Napag-usapan na natin ang dapat pag-usapan. Uuwi na ako." Marahas siyang tumayo at bigla na lang tumakbo. "Heiley! Teka lang!" Tumakbo ako at hinabol ko siya. Naabutan ko naman siya kaya hinawakan ko ang kamay niya paharap sa akin. "Ano ba problema mo? Bakit bigla kang tumakbo?" "Gusto ko ng umuwi, Hyden." "Oo, gusto mo ng umuwi pero bakit bigla ka nalang tatakbo? May nasabi ba akong masama?" Hindi ko maintindihan ang inaakto ni Heiley. Kanina kung tawanan niya ako ay WAGAS.Tapos ngayon, bigla na lang nagbago ang mood niya sa hindi ko alam na dahilan. "Wala. Um. Gusto ko lang tumakbo, parang exercise na rin. Matagal na kasi ako hindi nakakapag-exercise eh." Sa ibang direksiyon siya nakatingin pero parang talagang galit siya eh. Ano na naman kaya ang sinabi ko para biglang magbago ang aura niya? "Sa kalaliman ng gabi, gusto mo tumakbo para mag-exercise? Adik ka rin 'no?" "PAKI MO BA?! EH SA GUSTO KO TUMAKBO. KUNG INGGIT KA, GUMAYA KA!" Woooh! Gulat ako doon ah. Parang nasipa ako ng kabayo dahil sa lakas nag pagkakasigaw niya. "Sige, dahil adik ka, sasabayan na kita sa pag-jogging mo." Hinila ko ang kamay niya para makapag-simula na sa sinasabi niyang jogging pero hindi naman siya kumilos. "Oh, akala ko ba gusto mo mag-exercise? Tara na, sasamahan na kita." "Just leave me alone!" "I will not leave you alone. Sinabi ko kanila Tita at Tito na ihahatid kita pauwi." "You don't have to. Kaya ko na sarili ko at malapit lang ang bahay natin mula rito kaya 'wag kang OA. At isa pa, huwag kang assuming na totoong boyfriend kita. 'Di ba sabi mo nga, NAG-PAPANGGAP lang tayo. Oh, tayo lang tao dito sa playground kaya huwag kang umakting diyan." At tinanggal niya ang kamay ko sa pagkakahawak sa kamay niya. Tinalikuran na niya ako at nagsimulang maglakad. Nagbago na yata ang isip dahil hindi na siya tumakbo, mabagal na lakad na lang ang ginawa niya. Sinundan ko na lang siya hanggang sa makarating kami sa gate ng bahay nila. Bago pa niya mabuksan ang gate ay tinawag ko siya. "May nakakalimutan ka yata, Ley." Lumingon siya. "Ano?!" "Good night kiss ko." "Asa!" Sinimangutan lang ako ni Heiley at tumalikod na siya pero hinagip ko ang kamay niya at pinaikot paharap sa akin. Mabilis ko siyang dinampian ng halik sa pisngi. "Dapat umakting kapag nandiyan ang madlang people 'di ba? Nasa bintana sila Tito at Tita kaya dapat gawin." Tumingin naman sa bintana si Heiley. "Wala naman ah!" "Wala na kasi umalis na sa bintana. Sige, good night, baby. Dream of me, my love!" ********** - LEY - Kanina pa ako nakahiga at naghahanda sa pagtulog pero hindi naman ako makatulog dahil sa rami ng iniisip. Panira iyong eksena sa playground. Naiinis ako! Hindi ko alam kung sa sarili ko o kay Hyden. "Joke! Joke! Joke lang iyon 'no. Bakit naman ako maniniwala sa sinabi mo eh alam ko naman na NAGPAPANGGAP lang tayo. Asa ka naman na magustuhan kita.Nakakatawa ka i-good time, Ley!" Asa raw ako na magugustuhan niya?! Natutuwa siyang i-good time ako?! Grrr! Buwisit talaga iyong lalaki na iyon. Okay na sana eh pero bakit kailangan niya pa sabihin iyon? Sa sobrang inis ko ay pinag buntuunan ko ng galit ang unan ko. Sinakal ko iyon habang iniisip ko si Hyden ang sinasakal ko. Eh sa naiinis talaga ako eh. Pinamukha niya sa akin na walang taong puwedeng magkagusto sa akin. Kung bakit kasi bigla na lang lumabas sa bibig ko ang tatlong salitang iyon eh, na badtrip pa tuloy ang gabi ko. Buti na lang pala, nakapag-isip ako ng dahilan kanina dahil kung hindi, sobrang pagkapahiya ang puwede kong maramdaman. Hindi naman talaga totoo na nakatingin sa akin si mama noong sinabi ko iyong pesteng I LOVE YOU na iyon. Nagdahilan na lang ako sa kaniya. Syempre nakakahiya pa rin kung malaman niya na may gusto na ako sa kaniya. Oo, unti-unti na akong nahuhulog sa taong iyon. Sa mga nagdaang araw ay nakikilala ko ang tunay niyang pagkatao at hindi ko maiwasan ang hindi humanga sa kaniya sa kabila ng masamang nakaraan ko sa kaniya. Kung may dapat man umamin, dapat si Hyden iyon at hindi ako. Isipin pa niya na super enjoy ako sa pagpapanggap naming dalawa. Saka siya naman ang may gustong pumapel na boyfriend ko kaya magdusa siya. Hiningi ko ba tulong niya? Hindi naman 'di ba? Pero infairness ang tanga ko rin kanina. Tanungin ko ba naman siya na "Hyd, seryoso ka na ba talaga niyan? Mag-salita ka naman oh. Talaga bang.. g-gusto mo na a-ako?" Potek! Ang sagwa ng tanong ko. Hindi ba tonong nag-e-expect at assuming? Grrr! Dahil sa nararamdamang inis ay nag-open na lang ako ng laptop at nag-sign in sa f*******: at twitter. May mga friend request pero hindi ko muna pinansin iyon. Tumingin lang ako ng mga post at nahuli ng mata ko ang post ni Red. "BABALIK KA RIN SA AKIN." Patama ba iyon? Para kanino? Para sa akin? Kinalimutan ko na iyong ginawa ni Red sa akin. Ayoko ng alalahanin pa iyon. Pagkatapos ng ginawa niya sa akin, aasa pa siyang babalikan ko siya? Baka gusto niyang maingudngod sa putikan? Wala na ako pakialam kung lumipat siya sa school namin at wala rin ako pakialam kung ano man ang dahilan ng paglipat niya. Mayabang siya eh. Akala mo kung sinong makapanglait. Feeling guwapo eh mas guwapo pa si Hyden sa kaniya eh. Ugh! Naiinis na nga ako kay Hyden, pinupuri ko pa? Hay naku. Nag-scroll down pa ako. Natigilan ako sa post ni Trizha Mae Dreiling, isa sa mga f*******: friend ko. "NO LIES. JUST LOVE."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD