- HEILEY -
Remember, siya ang unang humalik sa akin. At alam kong sobrang obvious na ako sa ginawa ko kanina. Siguro naman hindi siya manhid sa unexpected happenings between me and him sa nagbabagang lamig sa skating rink kanina.
AKO NA ANG HALATA! AKO NA ANG NAKADALAWANG HALIK SA KANIYA! HMP!
"Can I call you mine?" tanong ulit niya.
"That's not my name......" I paused for a while then continue."...I'm YOURS," seryoso kong sagot sa kaniya.
Bahala na! Joke man o totoo. 'Yun at 'yun din ang isasagot ko.
"Booooooom!!!!" Sabay kaming napalingon sa nag-salita.
"Jazzfer!!" sabay naming wika ni Hyden.
"Uso na pala ang pick-up-an sa inyong dalawa ah. Kailan pa?" Nakangiti sa amin si Jazzfer.
"Adik! Bakit ka nandito? Sinusundan mo ba kami?" tanong ni Hyden habang salubong ang kilay.
"Ikaw ang adik! Ano palagay mo sa sarili mo? Celebrity para sundan? Kalokahan!" nang-aasar na sagot sa kaniya ni Jazzfer. "Nandito kami nila Austin at Shaun kanina kaya lang naghiwa-hiwalay na kami kasi may katatagpuin pa yata sila eh," he explained.
"Ano ginawa niyo rito?" tanong ulit niya.
"Syempre! Ano ba ang ginagawa sa mall? Eh 'di nagpapa-lamig! Ang init-init sa labas. Wala naman kami aircon sa bahay kaya pumunta kami rito. Ikaw ah, sinosolo mo talaga si Heiley ah. Hindi ka man lang nagpapasabi sa aming tatlo sa mga lakad mo," Jazzfer teased.
"Siraulo ka talaga! Pauwi ka na ba?"
"Oo sana." Biglang tumingin sa akin si Jazzfer. "Heiley, lalo kang gumaganda ngayon ah. Inlove ka ba?"
Hindi ako agad nakasagot sa tanong niya. Parang na-corner ako at hindi ko alam kung paano malulusutan iyon. Ano nga ba ang isasagot ko?
"Silence means yes. Pero ang tanong, Kanino?" he asked again.
Nagkatinginan kami ni Hyden.
"For sure, hindi naman si Hyden iyon kasi nga halimaw ang tingin mo sa kaniya 'di ba, Heiley? Depende na lang kung nauwi na sa totohanan iyang relasyon niyo?" Nanghuhuli ang tinig ni Jazzfer.
Alam na niya talaga na halimaw ang tawag ko kay Hyden dahil iyon talaga ang tawag ko kay Hyden simula noong bata pa kami at alam naman ni Hyden iyon eh.
Pareho kaming hindi makaimik ni Hyden sa tanong ni Jazzfer..
Hyden, aminin mo na kasi na gusto mo rin ako. Promise! Wala ng ligaw-ligaw. Gagawin na nating official 'to once na umamin ka sa totoong nararamdaman mo. 'Di ba, gusto mo rin ako? Say yes Hyden... Please!
Para akong desperada sa naiisip ko. Magmakaawa ba? Nakakaloka! Hyden! Sumagot ka! Ano ba talaga tayo ngayon? Pati ba naman ang halik na nangyari kanina sa harap ng madlang people ay pagkukunyari rin? Pati ba naman ang audience ay kailangan din natin pakitaan ng pagkukunyari? Gusto ko marinig ang isasagot ni Hyden. Inaabangan kong bumuka ang bibig niya at sabihin na mahal niya ako.
Kaya lang nakaka-disappoint talaga!!!! SOBRAAA!!!
"Si idol ba iyon??" Poooteeek!
"Anong joke na naman iyan, Hyden?" Naiirita ako. Hindi iyon ang ine-expect kong sasabihin niya!
"Hindi ako nagbibiro, Ley. Parang si Jp talaga ang nakikita ko!" May direksyon siyang tinitingnan at kahit gustuhin ko mang batukan si Hyden sa sobrang inis ay hindi ko magawa. Tiningnan ko ang tinuturo ni Hyden. Sino ba ang Jp na iyon at napapadalas banggitin iyon ni Hyden? Sobrang sikat ba iyon na nilalang para pag-aksayahan ng atensyon?!
"Sino siya riyan?!" Mahahampas ko talaga ng cartolina na hawak ko si Hyden kapag hindi pa rin ito nagtigil eh.
"Iyong chinito na naka-bonnet na kulay violet. Polo na checkered ang suot. Idol ko iyon eh! Tara lapitan natin.." At hinila niya ang kamay ko.
"Teka! Ano gagawin natin doon?" Nakakabuwisit naman ito si Hyden oh.
"Magpapa-picture at magpapa-autograph tayong dalawa."
"Artista ba iyan? Hindi ko naman kilala iyan eh." Leche 'yang Jp na 'yan kung sino man 'yang hampas lupa na iyan.
Panira ng moment! May gusto akong malaman mula kay Hyden tapos eeksena ang Jp na 'yan!
"Hindi pa naman siya ganoon ka sikat pero napabalita na siya sa TV Patrol dahil sa mga in demand na cover niya sa youtube. Napaka-talented niya, baby. Mahusay kumanta at sumayaw. Panoorin mo siya sa youtube mamaya pag-uwi natin.. Dali! Halika na!" At pilit akong hinila papunta doon sa sinasabi niya.
"Huwag na! Halatang nag-da-date sila ng kasama niya oh. Masisira lang natin ang moment nilang dalawa kaya manahimik na lang tayo rito."
"Napaka-KJ mo naman, baby. Si Jazzfer na nga lang maaya." At lumingon kami para tingnan si Jazzfer.
Pero nagtaka kami dahil wala na si Jazzfer sa puwesto niya.
"Nasaan na iyon?" narinig kong tanong ni Hyden.
Nilibot namin ang paningin namin sa paligid pero wala si Jazzfer.
"Ang bilis naman niya mawala. Hindi man lang nagpasabi na aalis na pala."
"Manong Guard, pa-help please! There is something fighting over there oh!" Tiningnan ko ang baklang nagsalita malapit sa puwesto namin ni Hyden.
"Manong Guard, hurry up please! Nagsusuntukan ang mga guwapong bagets!" sagot ng isa pa niyang kasamang bakla.
Hinanap ng mata ko ang tinutukoy nila at laking gulat ko nang masaksihan ko ang nagaganap na away hindi kalayuan sa kinatatayuan namin ni Hyden.
"Hyden! Si Jazzfer!!!" Agad kong hinila ang kamay niya at pinuntahan si Jazzfer na nakikipag-suntukan sa lalaking nagngangalang Jp daw.
**********
-HYD-
Nagulat ako nang bigla akong hilahin ni Heiley.
"Teka, Heiley! Pupuntahan na ba natin si Idol? Akala ko ba ayaw mong lumapit doon?" tanong ko sa kaniya habang tumatakbo kami.
"Bulag ka ba?! Nagsusuntukan ang idol mo at si Jazzfer!" she screamed.
"Ano?!" Nagulat ako sa narinig ko.
Nang makalapit na kami ni Heiley sa maraming nag-uumpukan na tao ay saka ko nalaman na si Jazzfer at si Idol JP nga ang pinagtitinginan ng mga tao. Akmang susuntukin pa ni Jazzfer si Jp pero nakaawat agad ang dalawang Security Guard. Lalapit na sana ako nang marinig kong may tumawag ng pangalan ko. Nagulat ako nang makita ko na nandoon din sina Austin at Shaun.
"Hyden!!" Sabay na sigaw ng dalawa.
"Oh?! Nandito pa pala kayo. Sabi ni Jazzfer umuwi na kayo ah."
"Kung umuwi na kami eh 'di sana wala kami rito sa harap mo." May gana pang mamilosopo si Shaun.
"Huwag iyan ang pag-usapan natin. Si Jazzfer ang importante. Mukhang dito pa sa mall nagpakitang-gilas sa tae kwon do eh. Tumakbo agad kami pababa dito kasi nakita namin siya mula sa 2nd floor na sumugod ng suntok doon sa lalaki," wika ni Justin.
Kung ganoon ay sinugod nga niya ng suntok si Jp? Hinanap ng paningin ko si Jazzfer at nakita kong kausap na sila ni Manong Guard kasama na rin si Jp.
"Baby, pigilan mo si Jazzfer at baka kung ano pa magawa niya sa idol mo." Natataranta na rin si Heiley sa pangyayari.
Nilapitan namin si Jazzfer at napansin ko ang inis sa mukha niya. Pero bakit siya maiinis kay Jp? Matagal na ba silang magkakilala at may pinag-awayan ba sila dati?
"Dude, anong nangyari rito?" tanong ko kay Jazzfer nang nilapitan namin siya.
Nilingon kami ni Jazzfer pero hindi siya sumagot. Tumingin ako kay Jp at namukhaan ko ang babaeng kasama niya. Siya iyong babaeng nakabunggo sa akin sa skating rink. Rojean yata ang pangalan niya kung hindi ako nagkakamali. Tumingin din sa akin si Jp at parang nang-aarok kung makatitig siya sa akin. Parang nangingilala kung makatingin.
Sus! Wagas kung makatingin. Akala naman niya gusto ko girlfriend niya? Mas maganda naman ang Heiley ko sa Rojean niya 'no.
"Paul, halika na. Umuwi na tayo." Mahina lang ang pagkakasabi nung Rojean pero narinig ko naman dahil malapit lang ako sa kaniya.
Teka. Bakit Paul ang tinawag niya kay Idol? Bakit? Kamukha lang ba ito ni Jp? Sinipat ko ang mukha niya, kamukha niya talaga ang Jp na napapanood ko sa youtube eh. Pero, marami nga talagang magkakamukha sa earth. Baka hindi talaga ito ang Jp na kilala ko sa youtube. Baka naman may kakambal si Idol Jp?
"Umuwi na kayo mga bata. Kapag naulit pa ito ay ipapadala na talaga namin kayo sa presinto."
"Pasensya na po talaga, boss. Hindi na po mauulit ito. Peksman!" Hinging paumanhin ni Idol Jp... or Paul. Ah! Ewan!
Namumula pa rin ang kanang pisngi niya. Mukhang hindi naman napuruhan ng sobra ang lalaki. Buti na lang at kahit paano, nakontrol ni Jazzfer ang atake niya dahil kung hindi, ewan ko lang kung makakatayo pa nang maayos ang kaharap naming lalaki ngayon. Baka naisugod pa namin siya sa hospital na tiyak mas lalaki ang gulong dulot nang pagsugod ni Jazzfer.
Unti-unti na rin nagsialisan ang mga tao nang makitang kalmado na ang lahat. Tinapik ko si Jazzfer na seryoso pa rin nakatingin sa kasama ni "Paul".
"Halika na, Jazzfer. Walang mabuting idudulot iyan kung init ng ulo ang paiiralin mo. Umuwi na tayong lahat at pag-usapan natin iyan bukas sa school. May pasok pa tayo bukas kaya sabay-sabay na tayo umuwi."
"Tama, sabay na kayo sa amin dahil pauwi na rin kami," Heiley suggested.
"Woooaaah!! Nandito ka pala, Heiley," Austin kidded.
"Ay, wala ako dito. Nasa malayong planeta ako, Austin," sarkastikong sagot ni Heiley.
"Bumabanat na si Heiley ngayon ah. Teka! Teka! Anong ibig sabihin nito?" Biglang kinuha ni Shaun ang kanang kamay ko at kaliwang kamay ni Heiley.
"I love my girlfriend at I love my boyfriend?!" gulat na tanong sa amin ni Shaun.
Nagkatinginan pa ang dalawa at parang baklang sumigaw ng "OMG!!!!!"
"Nagkakalimutan na yata tayo dito. Si Jazzfer ang main concern natin kaya hindi kami ang topic dito. Tumigil na kayo sa kakornihan niyong dalawa ah," pang-aawat ko sa sasabihin pa nila.
"Rojean!" Biglang may dumating na tumatakbong babae papunta sa puwesto namin. "I finally found you, guys. Where have you been? And why you're not answering my call, cuz? Kanina pa ako nahihilo kakahanap sa inyo sa mall."
Malamang, pinsan nito si Rojean dahil tinawag niya itong Cuz─short for cousin.
"Jazzfer, tama na iyang masamang titig. Kung nakakamatay lang iyan ay kanina pa siguro pinaglalamayan iyong magandang babae kaya kumurap ka naman. Halika na at uuwi na tayo. May pag-uusapan tayong importante." Inakbayan ko si Jazzfer at giniya na sa pag-lalakad.
"Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Biglang nagsalita si Jazzfer at nagulat ako sa sinabi niya.