-HYD-
Kasama ko ang HYFERTINSHAUN dito sa malamig na parte ng school kung saan maraming puno. Katatapos lang ng rehearsal namin para sa nalalapit na acquitance party. Next friday na iyon kaya halos araw-araw na kaming nagpa-practice. Hind ko na rin masyado nakakasama at nakakausap si Heiley dahil pareho kaming maraming ginagawa. Nag-aasikaso na rin siya para sa Foundation Day ng School. Sa October na iyon kaya bihira na kami makapag-usap. Saka hindi ko rin alam kung ano na ba ang estado ang mayroon kaming dalawa.
"Dude, kanina ka pa text nang text diyan ah. Sino ba iyang pinagkaka-abalahan mo?" tanong ni Austin kay Shaun.
"Oo nga, kanina pa naka-plaster ang ngiti sa mukha mo ah. Hot chicks ba iyan?" birong tanong naman ni Jazzfer.
"Basta! Malalaman niyo rin 'yan sa takdang panahon." Sagot ni Shaun habang nasa screen pa rin ng cellphone ang titig niya.
"Ay! Naku, tara, samahan mo na lang ako dalawin si Carlyn sa classroom niya."
"Sama na ako. Pupunta na rin ako sa music room. Matagal na akong hindi nakaka-attend ng practice eh. Baka tanggalin na ako ni Ms. Allyssa kapag hindi pa ako sumipot." Tumayo na si Jazzfer at kinuha ang bag niya.
"Weh? Baka gusto mo lang makita si Rojean?" sabat ko.
Ngumiti na lang si Jazzfer at hindi na sumagot pa.
"Dude, alis na kami. Tapos na naman ang practice natin 'di ba?" Austin asked.
"Oo. Sige, lumayas na kayo at puntahan niyo na mga babae niyo!" taboy ko sa kanila.
"Puntahan mo na rin kaya si Heiley? 'Wag ka na kasi mahiya sa amin. Alam na ng lahat ang tungkol sa inyo kaya tara let's na." Hinila ako patayo ni Shaun pero hindi ako tumayo.
"Sige na, layas na. Gusto ko muna mapag-isa."
"Sige, ikaw bahala. Baka magulat ka na lang at nagda-date na kami ni Heiley." Napatingin ako bigla kay Jazzfer nang dahil sa sinabi niya.
"Huh?" Seryoso ba si Jazzfer sa sinabi niya?
"Baliw. 'Wag kang magbiro kay Hyden at baka maniwala 'yan," sabi ni Shaun kay Jazzfer.
"Sige, dude, alis na kami." At lumayas na nga ang tatlo.
Napaisip tuloy ako. Seryoso ba si Jazzfer sa sinabi niya? Ano ang ibig niyang sabihin?
Erase. Erase. Erase.
Wala sa tamang pag-iisip si Jazzfer kaya niya nasabi iyon. Broken hearted pa kasi siya kay Rojean kaya kung anu-ano tuloy ang nasasabi. Tiwala naman ako na wala siyang gusto kay Heiley.
Sinalpak ko sa tenga ko ang earphone. Humiga ako sa damuhan at ginawang unan ang mga braso ko. Sa pagpikit ng mata ko ay nakita ko na naman ang magandang mukha ni Heiley. Nami-miss ko na rin siya. Kaya naman feel na feel ko pang sabayan ang kanta ni JHOMAJIKERO na NAMIMISS KITA.
Relate much.
"Nasaan ka na ba mahal ko? Nami-miss kita 'pag 'di ka nakikita. Ano ang dapat kong gawin para lang malaman mong ikaw ang mahal. Ang puso kong ito hinahanap ka palagi. At tandaan mo na handa akong maghihintay."
Unti-unti na akong nakakatulog sa pag-iisip kay Heiley nang biglang may nagtanggal ng earphone sa tenga ko. Dinilat ko ang mata ko at bumungad ang baligtad na mukha ni Heiley.
"Ley." Bumangon ako para lang masaktan.
"Ouch!" sabay namin na daing ni Heiley.
"Aray naman, Hyd!"
"Sorry. Ba't ka kasi nakaharang?"
"Malay ko bang babangon ka na." Hawak niya ang kaniyang noo at nilapitan ko siya para tingnan kung may bukol siya.
"Masakit pa rin ba?" Tinitigan lang ako ng seryoso ni Heiley at tumayo. Napatingala ako at tiningnan siya nang may pagtataka.
Galit na naman ba siya? Napapadalas na yata ang pagka-bad mood niya ah. I murmured to myself.
Tumayo na rin ako at pinagpagan ang pantalon ko na may mga d**o.
"Bakit ka nga pala nandito, Ley? May problema ba?" Nagtanong pa ako. Halata naman sa mukha ni Heiley na may heavy problem ito eh. Seryosong-seryoso ang mukha niya.
"Sunday. Enchanted Kingdom. 1PM." Tumalikod na siya pagkatapos niyang sabihin iyon.
"Hindi ko naintindihan, Ley." Hindi siya tumigil sa paglalakad kaya naiwan akong tulala.
Anong eksena na naman ito, Heiley?
*****
Linggo. Madilim ang kapaligiran. Parang may nagbabadya na ulan. Nakakatamad ang araw na ito kaya naman tulala lang akong nakatitig sa laptop. Kaka-post ko lang sa timeline ko ng "I miss you like crazy...."
Syempre, kilala niyo na kung para kanino iyan. Kanina pa ako abala kaka-browse sa f*******: pero parang wala roon ang isip ko.
Binisita ko na lang ang f*******: profile ni Heiley.
"I'M NOT A PERFECT GIRL. I KNOW THAT SOMETIMES I'M ANNOYING, PISS YOU OFF, SAY STUPID STUFF AND THEN TAKE IT BACK. BUT ALL THAT ASIDE, YOU'LL NEVER FIND A GIRL WHO LOVES YOU MORE THAN ME."
Para kanino ang post niya? Friends na kami sa f*******: ni Heiley kaya naman puwedeng-puwede na ako mag-like at mag-comment sa profile niya pero ka-like-like o ka-heart-heart ba itong post niya? Puwede ko ba pindutin ang angry emoticon? Magko-comment pa ba ako?
"Kuya, labas na riyan. Wala ka bang balak kumain? 1:45pm na kaya." Narinig kong sabi ni Hazel mula sa labas ng kuwarto ko.
Hindi pa naman ako nagugutom. Late na naman ako kumain ng agahan kaya kahit mamayang hapon na lang ako kumain.
Teka. 1:45 pm?!
Para akong ipo-ipong lumabas ng kuwarto at nagulat si Hazel nang makita ako.
"Dahan-dahan lang, kuya! Marami pang pagkain kaya hindi ka mauubusan!"
Binilisan ko ang pagtakbo palabas ng bahay. Hanggang sa makarating ako sa harap ng pintuan ng bahay nila Heiley.
"Oh, Hyden. Bakit nandito ka pa? 'Di ba magkasama kayo ni Heiley?" Si Lolo Jaime ang nagbukas ng pinto.
"Nasaan na po siya?!"
"Kanina pa nakaalis. Akala ko naman ay sabay kayong umalis. 'Di ba may date kayo sa Enchanted Kingdom?"
PAKSHEEEETTTT!!!!!
**********
-HYD-
Nandito na ako ngayon sa Enchanted Kingdom. Hindi na ako nag-abala pang maligo dahil sobrang late na ako sa usapan namin. Naligo na lang ako sa pabango dahil nakakahiya naman maamoy akong mabaho ni Heiley. Ang tanga ko naman kasi para hindi maisip agad iyon.
Sunday.. Enchanted Kingdom. 1PM
Sunday.. Enchanted Kingdom. 1PM
Sunday.. Enchanted Kingdom. 1PM
Totoo talaga iyon?! It's really a date?! And she's the one who ask me for a date?
Nasabunutan ko ang humahaba ko ng buhok sa pag-iisip kay Heiley. Nag-aalala ako para sa kaniya dahil hindi maganda ang panahon ngayon. Maulan pa naman kaya nagdala na ako ng malaking payong at isa pang jacket.
Naglalakad na ako sa malawak na parking area ng Enchanted Kingdom. May mangilan-ngilan pa ring mga kotse na nakaparada. Wala masyadong tao sa paligid pero hindi ako nawalan ng pag-asa na hanapin si Heiley.
"Nasaan ka na ba, baby ko? Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may nangyaring masama sa iyo. Nangako pa naman ako kanila Tito Leo at Tita Shiela na aalagaan kita."
Napatigil ako sa paglalakad nang makita ko si Heiley sa tabi ng entrance gate ng EK. Nasa waiting area siya at yakap-yakap ang sarili. Nakasilong naman siya kaya kahit paano ay hindi siya nababasa ng ulan. Halatang giniginaw na ito sa lamig kaya naman tinakbo ko na ang kinaroroonan niya. Napatigil lang ako nang may humintong isang lalaki at isang babae sa harap niya.
"Miss, nilalamig ka na. Heto ang jacket, suotin mo na 'yan kung gusto mo." Nakita ko na inabot sa kaniya ng babae ang jacket.
Long sleeve sweater na color pink ang suot niya pero medyo nabasa na rin ang suot niya kaya kailangan niya talaga ang jacket.
Napakunot-noo ako dahil hindi niya tinanggap ang jacket na inaalok sa kaniya. Tiningnan pa niya ng masama ang dalawa.
"HUWAG NIYO AKONG KAUSAPIN! UMALIS NA KAYO, SIGE NA!"
Napahawak naman sa braso ng lalaki ang babae. Natakot yata dahil mukhang may sapi ngayon si Heiley.
BALIW! Sinong nilalang ang hindi sasapian kung pinaghintay mo siya ng mahigit sa isang oras?! At babae pa talaga ang naghihintay sa'yo?! Mahaba na nga talaga ang buhok mo, Hyd. Kinakailangan mo ng magpagupit.
Ito na naman si konsensya, mahilig sumingit.
"Tara na, umalis na tayo rito," yakag ng babae sa kasama niyang lalaki.
"Ang suplada. Kami na nga ang nagmamagandang-loob sa kaniya, kung makasigaw... Naku! Tara na nga."
Natakot sa mala-tigreng personality ni Heiley ang dalawa kaya umalis na rin ang mga ito. Napailing na lang ako.
"Tinutulungan ka na nga, ikaw pa ang matapang." Salubong ko sa kaniya. Sinuot ko sa kaniya ang dala kong jacket.
"Bakit ngayon ka lang?!!! Isa't-kalahating oras na ako naghihintay sa'yo!" Bulyaw sa akin ni Heiley.
Hindi ako makaimik sa sinabi niya. Sobrang nahihiya akong tumingin sa mata niya dahil alam kong kasalanan ko naman. Ang sloooowwwww ko kasi eh!
"Bakit ba kasi nauna kang umalis? 'Di sana, tinext mo na lang ako para nasundo kita sa bahay niyo at sabay tayong umalis," katwiran ko sa kaniya.
"At ganyan ka pa talaga magsalita sa akin ngayon?!! Kasalanan ko pa ngayon kung bakit nandito ako at nilalamig kakahintay sa iyo? Ang problema kasi sa'yo, bato ka! Wala kang pakiramdam! Asdfghjkl.........."
Tinigil ko na kung ano man ang gusto niya pang sabihin gamit ang bibig ko. Sinakop ng bibig ko ang labi ni Heiley at niyakap siya gamit ang kanang braso ko. Habang ang kaliwang kamay ko ay hawak pa rin ang payong na siyang magkukubli laban sa chismoso't chismosang mata. Naramdaman ko ang kamay niya sa batok ko at naramdaman kong tinutugon niya ang halik na binibigay ko. Kapwa kami hinihingal nang maghiwalay ang mga labi namin. Mabuti na lang at walang tao sa paligid kaya walang flash ng camera ang umeksena.
I really really miss this girl!
Hinawakan ko ang kamay niya. "Halika na. Maghanap na lang tayo ng coffee shop malapit dito. Hindi maganda ang panahon ngayon para mag-rides. Delikado."
Tahimik lang kaming naglalakad hanggang sa makarating kami sa isang coffee shop. Kaunti lang ang tao sa loob. Mas gusto ko ito, wala masyadong tao.
Tahimik pa rin si Heiley hanggang sa ma-serve ang cake at coffee namin.
Umorder ako ng black forest cake na isang slice at siya naman ay white chocolate ang napili. Parehong cappucino ang inorder namin.
"Pang-ilang cake na ba yan, Ley?" biro ko sa kaniya.
"Hindi mo ba binilang?" supladang tanong ni Heiley.
Akala ko naman, kapag pinatikim ko sa kaniya ang malupit kong halik ay mag-iiba na ang mood niya.
Nang maubos ko ang black forest cake ay tumayo ako.
"Saglit, saan ka pupunta?" Pigil niya sa kamay ko.
"May gagawin lang ako. Hintayin mo na lang ako rito. Kain ka lang muna. Babalik din ako." Hinalikan ko siya sa labi at pumunta sa counter.
Pagkaraan ng ilang minutong pakikipag-usap sa store manager ng coffee shop ay bumalik na ako sa puwesto namin ni Heiley.
"Oh, bakit hindi ka pa umupo?" Takang tanong sa akin ni Heiley.
Umubo muna ako bago ako naglakas loob na magsalita.
"Para sa'yo 'to, baby ko." Sabay kindat sa kaniya.
Important note : Insert Flashback scene from Chapter 28 to Chapter 30.