35 ❤️

1720 Words
- HEILEY - Nagkasabay pa kami sa pagtanong. At pareho pang mataas ang boses naming dalawa ah. Naroon pa rin ang titig niya na ngayon ko lang nakita. Galit ba talaga siya? Pero bakit siya magagalit? Wala naman kaming ginagawang masama ni Jazzfer. Dinamayan niya lang ako sa kaemohan ko kanina. Hays. Bakit ba ako magpapaliwanag? Wala naman akong dapat i-explain sa kaniya ah! Isa pa, hindi niya naman ako tunay na girlfriend kaya para saan pa ang explanation 'di ba?! Napasulyap ako sa kamao niya na parang nagtitimpi sa galit. Nag-aalala ako sa nakikita ko kay Hyden. Ano bang mayroon?! "Bakit magkasama kayong dalawa?" Mahinahon niyang tanong pero ramdam ko ang cold tone sa pagbigkas niya. "Wala kang paki," inis na sagot ko sa kaniya. "Masama bang magtanong?" "At masama bang hindi sagutin?" pangbabara ko sa kaniya. Tumahimik siya, kaya tumahimik na rin ako para fair. "Bakit umalis ka nang walang paalam kanina?" "Sino ka ba? Tatay ba kita? Nanay ba kita at kailangan ko pang magpaalam sa'yo?" pang-iinis ko sa kaniya. "Stop that crap, Heiley! Hindi ako nakikipagbiruan sa'yo." "At ano ang tingin mo sa akin? Nakikipagbiruan din? May nakakatawa ba sa sinabi ko?!" Kung badtrip siya, mas badtrip ako! Sigawan ba ako? Hindi ko siya uurungan ngayong tinotopak na talaga ako. "What's your problem, Heiley?" Biglang humina ang boses niya. "Why?! Do you care?" "Of course I care! Kanina pa kita tinatawagan pero cannot be reached ka. I also sent a text message to you baka sakali mabasa mo pero walang response. You don't know how worried I am. Hinanap ka namin sa buong campus pero hindi ka namin makita. Kung hindi ko lang nilakasan ang loob ko na pumunta rito ay hindi ako pupunta. But I worried so much to you na kahit itong nakakatakot na building na 'to ay pinuntahan ko para lang makita ka. And I'm much more worried when I heard you shout. Akala ko kung anong masamang nangyari sa'yo. But look what I found out. Kasama mo pala si Jazzfer. Hindi ko naman pala kailangan mag-alala. Kasama mo pala siya at parang gustong gusto mo pang kayakap siya. Ano pa ang ibang ginawa niyo habang wala ako─" PAK! Oh yes! Sinampal ko lang naman siya. "How dare you to talk to me like that. Bakit?!! Ano sa tingin mo ang ginawa namin ni Jazzfer dito? Naglalandian?! Ganiyan ba kakitid ang utak mo para pag-isipan kami nang masama?! Kaibigan mo siya, Hyden!" Hindi ko man gustong sampalin siya ay nagawa ko na. Hindi ko lang talaga nagustuhan ang mga sinabi niya. Parang pinapalabas niya na masama akong babae. Na parang nagtataksil ako sa kaniya. Sobrang nasasaktan ako ngayon. Ano ba talaga ang papel ko kay Hyden? Parang bumalik na naman sa alala ko ang unang pagkakataon na nagkita kami sa bakod ng bahay namin. Isang batang lalaki na matatakutin sa madilim ang nakulong sa lumang aparador namin. Sa unang kita ko pa lang sa kaniya, may anong damdamin na ang sumibol sa puso ko. Pero nilayo niya ang sarili niya sa akin. Inaway pa ako sa hindi ko malaman na rason. Hanggang sa lumaki kami na malayo ang loob sa isa't-isa. Pero ngayon, iba na ang estado ng puso ko. Importante sa akin si Hyden. Ang batang salbahe na nagbigay ng kulay sa buhay ko. Ngayon ko lang na-realize ang kaligayahan nang siya ang mabungaran ko sa labas ng pintuan namin na hawak ang pumpon ng bulaklak at may hawak na tsokolate. Masaya ako na hindi sumipot si Jazzfer dahil si Hyden ang naging kunyaring boyfriend ko sa panahon na kailangan ko ng taong maihaharap sa mga magulang ko. At sa mga lumipas na panahon ay naging malapit kami sa isa't-isa. Nakilala ko ang tunay na siya. Minahal ko ang lahat sa kaniya. Tanggap ko kung ano ang kalakasan at kahinaan niya. Masaya ako kapag kasama ko siya. Pero siya rin ang rason kung bakit ako nasasaktan ngayon. Kung bakit ako umiiyak ngayon. How pathetic! I'm crying because of him! Bakit kaya lagi akong nasasaktan? Nagmamahal lang naman ako para maging masaya. Bakit naman ang iba, may happy ending. Samantalang ako, I always end up crying. "Heiley." Lalapit sana siya sa akin pero umatras ako. "Pa...pagod na ako." "A-Anong ibig mong sabihin?" "Hihintayin ko na lang ang araw na ma-miss mo ako kasi pagod na akong magparamdam sayo," sagot ko sa kaniya Ayoko sana siyang i-give up. Gusto ko sana siyang ipaglaban pero how can I fight if the one I love doesn't love me back? Sometimes, I wish I was a little kid again. Bleeding knees are easier to fix than broken hearts. "Hindi naman kasi ako manghuhula eh! Sabihin mo lang kung ano nga ba talaga ako sa'yo para hindi ako assume nang assume!" sigaw ko sa kaniya. Tumingin ako sa kaniya pero hindi siya makasagot. Wala na ba siyang ibang sasabihin?! Puwes, kung ayaw niya sa akin, fine! Hindi ko na ipagsisiksikan pa ang sarili ko sa kaniya. "Malalaman mo lang na mahalaga ang piso kapag nagkulang ang pamasahe mo. Same as, malalaman mo lang na mahalaga ako sa'yo kapag wala na ako sa buhay mo. You're the first person who broke my heart and for the rest of my life, you will always be the one who hurt me the most. Don't forget that, Hyden!" Tumalikod ako sa kaniya at nagsimula nang maglakad papalayo. Naiiyak talaga ako sa nangyayari. Bakit kailangan magkaganito? Bakit sobrang nasasaktan ako? Nasa pinto na ako nang makarinig ako ng ingay mula sa likod ko. Lumingon ako para alamin kung anong nangyari pero sakto naman na sa paglingon ko ay bigla akong niyakap ni Hyden. "I'm sorry, Ley. Hindi ko lang talaga napigilan ang emosyon ko. Nang malaman ko na wala ka sa tabi ko at hindi ka namin makita ay sobra talaga ang pag-aalala ko. At nang makita ko kayo ni Jazzfer na magkasama kanina, parang.... parang... sasabog ako sa galit kaya ako nakapagsalita ng ganoon." Namilog ang mata ko sa narinig. Parang hindi ko mapaniwalaan ang sinabi niya. Sobrang nag-alala raw siya sa akin? Ibig sabihin importante rin ako sa kaniya? Na mahal din niya ako gaya ng pagmamahal ko sa kaniya. Parang nabuhayan ako ng loob nang marinig ko ang sinabi niya. Lumayo ako ng kaunti sa kaniya at tumingin sa mga mata niya. Nanlalabo na ang paningin ko dahil sa mga luhang bumabalot sa mata ko. Hindi ko masyado maaninag ang mukha ni Hyden dahil madilim sa lumang classroom. "Nag... se....selos ka ba?" Halos pabulong ko lang ng sabihin iyon sabay singhot dahil sinisipon na ako sa kadramahan ko. "You call it jealousy... but I call it fear of losing you." At pinunasan niya ng dalawang kamay ang mga luha ko. Ang sarap pakinggan. Naluluha ako sa tuwa nang bigkasin niya iyon. "Ssshhh. 'Wag ka ng umiyak, Ley, please." At niyakap niya ulit ako. "Nasira ko ang promise ko kanila Tita Shiela and Tito Leo. Umiiyak ka ngayon nang dahil sa akin. I'm really sorry, Ley. I know hindi sapat ang sorry ko dahil nasaktan kita." Kasabay ng pagbuntong-hininga niya ang pagtibok ng puso niya. Nararamdaman ko ito ngayon dahil nakatapat ang tainga ko sa dibdib niya. Malakas ang pintig ng puso niya. Does his heart beating only for me? "Oo, kasalanan mo ito kaya ako umiiyak ngayon. Lagi mo na lang ako sinasaktan." Inalis niya ang brasong nakayakap sa akin at tumingin sa mga mata ko. Hinalikan niya ako sa noo. Sunod sa mata at sa ilong. "I want you to do something." Huh? Ano raw? Is he asking for a favor ba or what? "W-What do you want me to do?" Bakit bigla akong kinabahan? "Stay. No matter how hard it is to be with me, just stay because I need you. Don't leave me." Dinikit niya ang noo niya sa noo ko habang nakahawak ako sa mga kamay niya na nasa pisngi ko. I closed my eyes and smiled. *********** Pabalik na kami sa party. Magkahawak-kamay kaming naglalakad. Bukas ang mga ilaw sa bawat poste kaya nakikita ko na nang malinaw ang mukha niya. Puno ng kaligayahan ang puso ko. Bakit nga naman hindi? Imagine, matagal kong hinintay ang pagkakataon na ito. "Bakit ka nga ba biglang nawala kanina?" tanong niya. "Hay naku, 'wag mo na alamin." "Gusto ko malaman. Hindi niyo naman siguro pinlano na magkita ni Jazzfer doon 'di ba?" "Hayan ka na naman eh. Wala nga kaming ginagawang masama. Nakita niya lang ako nag-e-emote sa open field kaya sinama niya ako sa lumang building. Baka sakali mabawasan daw ang badtrip ko." "Badtrip? Anong ka-emotan na naman ba 'yan?" "Do I really need to explain all of this to you?" "Of course. Boyfriend mo ako." "Boyfriend? Boyfriend ba ang tawag sa'yo? Eh kung makipaglandian ka kay Rose, wagas!" Biglang tumawa ang magaling. "Kaya pala, now I know. Iyan ba ang dahilan kaya ka naglahong parang bula at kasama mo pa si Jazzfer?" Huminto siya sa paglalakad at nakapameywang na humarap sa akin. "Hay naku. Ano naman kung kasama ko si Jazzfer, aber?" "Alam ko naman na gusto mo si Jazzfer eh." Huh?! Ano raw? Anong pinagkakasabi ng kumag na ito? "Di ba totoo naman, gusto mo siya?" Gusto na naman yata nito ng gyera ah. "Well, to be honest, yes I like him. Balak ko nga sana siya gawan ng loveletter eh kaya lang biglang may umekstra," sabay irap sa kaniya. Mukhang napikon kaya lumapit siya sa akin. Nakipagtitigan nang matagal pero natalo ako dahil napakurap ako. Ang sakit sa mata eh. "But, that was before. Noong panahon na sobrang pang-aasar at p**********p ang ginawa mo sa akin. Dati pa iyon, noong hindi ko pa kilala ang tunay na ikaw," sabay tungo. Awts! Bigla akong na-shy. Hinawakan niya ang baba ko at inangat ang mukha ko. "I know I shouldn't feel this pero, nagseselos talaga ako." Napanganga naman ako sa sinabi niya. "Kapag naalala ko kung gaano kayo kalapit sa isa't-isa ay naiinis ako. Ngumingiti ka sa kaniya, kinakausap mo siya, tumatawa ka na kasama siya. Sobrang pinagsisisihan ko ang mga ginawa ko sa'yo, simula pa noong mga bata pa tayo. Nadamay ka lang talaga sa galit ko kanila Red at Jp kaya sa'yo nabunton ang galit at inis ko. Pero alam ko na dapat hindi ko ginawa iyon. Sobrang naghirap ka nang dahil sa akin."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD