34 ❤️

1720 Words
- HEILEY - "Ayooo naman gagawin niya chaakin? Chakot yang niya na lapitan achoo," sabay kindat sa akin. Ang weird talaga ni Jazzfer. SOBRA NA ITEY. Bakit ba siya naglasing? "Eh iyaw, batit dito mo pa naichiipan mag-emote?" tanong niya sa akin. "H-Hindi ako nag-e-emote 'no." Nag-deny pa talaga ako ah. Mukhang nakita nito ang kagagahang pinaggagawa ko kanina. Tumawa siya ng palihim. Akala niya naman hindi ko napansin iyon. Loko 'to ah, mukha ba akong clown para pagtawanan? Naalarma naman ako nang makita ko siyang naglakad papalayo sa akin. "Teka, saan ka pupunta?" nagpa-panic na tanong ko. Sinundan ko siya hanggang sa tumigil siya sa isang puno. Nakita ko siyang may dinampot sa damuhan. "C2?" Hindi pa rin maubos-ubos ang iniinom niya? At bakit ang daming C2? May tatlong bote pa roon at ilang chichirya na ubos na. "Guto mo?" Sabay abot sa akin ng bote at Piattos. Tinanggap ko ang inabot niya. "Ano ba 'to? Nagbago na ba ng timpla ang C2?" Ang pait naman kasi eh. Tinawanan lang ako ni Jazzfer. " Chaaanduay Ice yan, Ley. Pampawaya stress lang." Pampawala ng stress? Ibig sabihin kapag uminom ako nito ay maglalaho na rin ang stress ko kay Hyden? Uminom na rin ako ng Tanduay Ice at habang tumatagal ay parang nagugustuhan ko na rin ang lasa. Maya-maya pa ay nag-aya si Jazzfer. "Chaaama ka, may pupuntahan chaayo." Nagulat na lang ako nang hinila niya ang kamay ko. Napatingin ako kay Jazzfer. Biglang may pumasok sa isipan ko habang naka-side view siya sa akin. Ano kaya kung si Jazzfer talaga ang nagustuhan ko? May posibilidad kaya na maramdaman ko rin sa kaniya ang nararamdaman ko kay Hyden ngayon? Napailing na lang ako sa naisip ko. Hindi tama ito. Nagkakasala ako kay Hyden kapag ganito. "Bakit dito mo ako dinala?" Nasa harapan na kami ng lumang gusali na never ko pa pinuntahan dahil may mga momo raw na nagpapakita. "Bata, mataya dito," sabi niya. Hinila niya ulit ako paakyat sa 4th floor. Parang sinasadya na lang ni Jazzfer maging ngongo sa kalasingan ah. Hindi kaya pinagti-tripan lang ako nito? Umakyat kami at nakarating kami sa pang-apat na palapag. Infairness, matino naman maglakad si Jazzfer kahit ngongo ang drama nito ngayon. Nang makapasok kami sa loob ay pumuwesto siya malapit sa bintana. Kita mula rito ang buong campus. At rinig mula rito ang ingay mula sa court. "I'm crazy, crazy for you. I'm crazy, crazy for you. It's just like a dream. You're all I see. I'm crazy, crazy. I'm crazy, crazy for you." Hay naku. Sino naman kaya ang kumakanta nun? Ang baduy huh. Obvious na hindi iyon recorded song kasi maririnig mo na hinihingal ang kumakanta nun. Paniguradong iyon na ang tinutukoy ng Hyfertinshaun na POP GIRLS. Bigla tuloy akong may naalala sa kantang iyon. "I'm crazy for you." "I'm crazy for you." "I'm crazy for you." Pisti!!! Naalala ko na naman ang sinabi ng walang-hiyang iyon. "AHHHHH!!!" malakas na sigaw ko. "Napano ka?" nag-aalalang tanong ni Jazzfer. "Wala 'to." Parang napahiya naman ako sa ginawa ko. Tumango na lang siya at umupo sa desk ng upuan. "Mahal mo ba talaga siya?" Napatingin ako sa kaniya. Hindi dahil nagulat ako sa tanong niya. Bigla kasi naging tuwid ang pananalita niya eh. Ibang-iba talaga si Jazzfer ngayon. Hindi ako makasagot sa tanong niya. Ininom ko na lang ang hawak kong C2 na Tanduay Ice ang laman. Tahimik lang kami na nakamasid sa labas habang panay ang lagok namin. Buti na lang at tig-isa kami ng Piattos kaya walang agawan sa kinakain namin. Sumagi na naman sa isip ko si Hyden. Mahal ko siya. Iyon sana ang nais kong isagot sa tanong ni Jazzfer. Hindi ko rin mapigilan ang hindi siya ma-miss. Ilang minuto pa lang akong nahihiwalay sa kaniya ay hinahanap-hanap ko na siya. Ganito na ba ako kabaliw kay Hyden? Kanina sa party, nang makita ko si Rose at Hyden na masayang nagkukuwentuhan ay talaga namang umuusok na ako sa selos. Hindi ko lang talaga maagaw ang atensyon ni Hyden dahil nakakahiya namang guluhin ang masaya nilang pag-uusap. Kaya sa sobrang selos ay napa-walk-out na lang ako. "Stress reliever daw kapag sinigaw mo ang nasa puso mo ngayon." Ito na naman ang kawerduhan ni Jazzfer. Tumayo siya at lumapit sa bintana. "MAHAL NA MAHAL KITA!!!!!!!!!!!!" He shouted. Na-gets ko naman ang ibig niyang sabihin kaya tumayo rin ako at lumapit sa bintana. Ilalagay ko pa lang sana ang kamay ko sa magkabilang gilid ng bibig ko nang mapansin ko na hawak-hawak ko pa rin pala ang bracelet na bigay sa akin ni Hyden. Nilagay ko muna ito sa mini shoulder bag ko at baka tuluyan mawala. Wala naman talaga akong intensyon na itapon iyon. Dala lang talaga ng kapraningan kaya ako nagka-ganoon kanina. "SINO ANG MAHAL MO???!!!!!!!!" sigaw ko naman. Natawa siya sa tanong ko. "SECRET!!!! WALANG CLUE!!!!" "Para tayong mga baliw, Jazzfer." "Mahirap talagang umasa sa wala. Pero mas mahirap ang akala mo may pag-asa ka pero wala pala." Seryoso ang mukha niya habang nakatitig sa labas ng bintana. "Seryoso ka ba sa lagay na 'yan? Ano naman ang gusto mong iparating sa akin? Hindi kaya sarili mo ang pinaparinggan mo? Palibhasa wala kang pag-asa kay Rojean eh," pang-aasar na sagot ko sa kaniya. "Biro lang. Sige na, isigaw mo na ang gusto mong sabihin. Isigaw mo kung ano ang nararamdaman mo ngayon, kung ano ang nilalaman ng puso mo. 'Wag kang mahiya na ipaalam sa mundo ang tunay na niloloob niyan." Bigla na naman akong nalungkot. Naging madrama kasi ang tono ni Jazzfer eh. Ewan ko pero naging emotional na lang ako. Bigla na lang nanlabo ang paningin ko at nag-unahan na sa paglandas ang mga luha sa pisngi ko. Mahal ko talaga si Hyden at nasasaktan ako sa nangyayari sa aming dalawa. Pakiramdam ko ay inagaw ni Rose sa akin si Hyden. Iyon bang inagawan ng laruan ng kalaro mo. Eh hindi naman sa kaniya iyon. Akin iyon! Pero hindi naman laruan si Hyden. Wala akong balak na paglaruan siya. Siya ang taong gusto kong ingatan at alagaan. Ang gusto kong mahalin. Napaiyak na lang ako sa kadramahan ko. "Ilabas mo na kasi 'yang nararamdaman mo, Ley. Isigaw mo na." Huminga muna ako nang malalim bago ako kumambyo. "I HATE YOU, HYDEN REYES!!!!! IKAW ANG PINAKA-DUWAG NA LALAKING NAKILALA KO SA BUONG MUNDO!!! BUWISIT KA SA BUHAY KO! HUWAG MO NA IPAPAKITA MUKHA MO SA AKIN!!!!!" Sabay inom ulit. "PISTI KA TALAGA , HYDEN!!!!! PAKAMATAY KA NA LANG PARA HINDI NA AKO NA-E-E-STRESS SA'YO!!!" Pero syempre joke lang iyon. Kabaligtaran ng mga sinabi ko ang nararamdaman ko ngayon. Baliw lang talaga ako kaya iyon ang sinigaw ko. Nahawa ako sa kabaliwan ni Jazzfer. Bumalik ako sa pagkakaupo ko sa desk. Hindi pa rin talaga ako maka-move on kaya napaiyak na naman ako. "Wayang taong manhid....Hini......niya lang chalaga mainyindihan kung......ano ang guto mong ipayating...... dahil ayaw mo chang asdfghjkl...." Ito na naman si Jazzfer sa kalokohan niya. "Para kang sirang-plaka. Ayusin mo na nga 'yang pananalita mo.Kung anu-ano na pinagsasabi mo. Hindi ko na tuloy maintindihan," sabay singhot na parang sinisipon. "Ang chabe ko, wayang taong manhid....Hini......niya lang chalaga mainyindihan kung......ano ang guto mong ipayating...... dahil ayaw mo chang diyechuhin......" "Pisti naman eh. Dumadagdag ka pa sa stress ko. Kapag natuluyan ka sa ka-ngongohan mo, pagsisihan mo 'yan. I-straight mo 'yang pananalita mo." Muli akong lumagok ng Tanduay Ice. It hurts talaga eh. I started to cry na naman. Kung nasa harap ko lang si Hyden, ito lang ang gusto kong sabihin sa kaniya. "You were never supposed to mean this so much to me. I was never supposed to fall so hard. But you know what, Hyden, I did and that's the truth. That's what keeps me holding on because it hurts like hell to let you go." "Stop crying, Heiley." Naramdaman ko ang mainit na paghagod ng kamay ni Jazzfer sa likod ko. Uminom ulit ako ng Tanduay Ice. Sige, pakalasing lang talaga ang peg ko ngayon. Niyakap ako ni Jazzfer. Naging payapa ang pakiramdam ko nang maramdaman ko ang init ng yakap niya. Pero mas hinahanap-hanap ko pa rin ang yakap ni Hyden. "Please lang, bumalik kana dito. Sorry na, halika na dito. Sige na halika na dito, dito at dito. 'Wag na nating patagalin. 'Di ko na kayang tiisin. Miss na miss ka na as in. Ako'y pansinin." Pastilan! Ang gulat ko naman. Saan naman galing ang kanta na iyon na sobrang pamilyar na sa tenga ko? May bumagsak na bagay sa sahig. Nagulat kami pareho ni Jazzfer sa narinig namin kaya napakalas siya sa pagkakayakap sa akin. Lumingon kami para alamin kung saan nanggaling ang kanta na iyon. At mas lalong nagulat ako nang makita ko si Hyden na nakatayo malapit sa pintuan. "HYDEN!!!!" Sabay pa kami ni Jazzfer na sumigaw *********** Kung ano ang ingay sa labas, ay siyang tahimik namin sa loob. Sampung minuto na yata kaming walang kibuan ni Hyden. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko sa kaniya. Hindi ko rin alam kung ano ang iniisip niya ngayon. Kanina pa umalis si Jazzfer. Nagpaalam siya sa akin pati na rin kay Hyden pero hindi nito pinansin ang sinabi niya. Ang inis na nararamdaman ko kanina ay biglang naglaho nang makita ko ang masamang titig ni Hyden sa amin kanina. Para siyang mangangain ng tao. Parang mas nakakatakot pa ang mukha niya kaysa sa maskarang suot ni Jazzfer kanina. Bakit nga kaya ganoon ang titig niya sa amin? Nagseselos ba siya? Pero paano ko malalaman kung hindi ko siya kakausapin? "Bakit ka ba nandito?!" pagalit na tanong ko. "Anong ginagawa mo rito?!" sigaw niya. Nagkasabay pa kami sa pagtanong. At pareho pang mataas ang boses naming dalawa ah. Naroon pa rin ang titig niya na ngayon ko lang nakita. Galit ba talaga siya? Pero bakit siya magagalit? Wala naman kaming ginagawang masama ni Jazzfer. Dinamayan niya lang ako sa kaemohan ko kanina. Hays. Bakit ba ako magpapaliwanag? Wala naman akong dapat i-explain sa kaniya ah! Isa pa, hindi niya naman ako tunay na girlfriend kaya para saan pa ang explanation 'di ba?! Napasulyap ako sa kamao niya na parang nagtitimpi sa galit. Nag-aalala ako sa nakikita ko kay Hyden. Ano bang mayroon?! "Bakit magkasama kayong dalawa?" Mahinahon niyang tanong pero ramdam ko ang cold tone sa pagbigkas niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD