- HEILEY -
"What happened?" Curios lang ako sa kuwento ng buhay pag-ibig ng pinsan niya.
"Hindi ko rin naman alam ang buong kwento eh. Basta nalaman ko lang kanila Tita Mary Ann na hindi na nga raw nagpakita kay Kuya Samuel ang girlfriend niya."
"Ganoon pala iyon. Mayaman pala kayo." Kunyari na lang ay interesado ako sa kinukwento niya.
"Anong kinalaman ng pagiging mayaman sa heartbroken na si Kuya Samuel? Si Lolo Juanito lang ang mayaman, hindi kami," natatawang saad ni Hyden.
"Pero ano nga ang gagawin mo kung nagseselos ako?" Singit ko lang ulit. Gusto ko talaga malaman kung ano isasagot niya eh.
"Wait. May tumatawag ulit. I will just answer this call. Excuse me lang, baby ko."
Papatayin ko na ang cellphone na iyan!
"Nandito ako sa oval field, dude. Sige punta na lang ako riyan. Okay. Bye." At binalik niya ulit sa bulsa ang cellphone niya. "Tumawag si Austin. May practice raw kami ng sayaw mamaya."
"So? Pakialam ko kung magpa-practice kayo?"
"Nagpapaalam lang ako sa iyo. 'Di ba dapat ang boyfriend at girlfriend ay nagpapaalam sa isa't-isa kung saan pupunta, anong ginagawa, sino kasama."
"At sinabi mo ba sa kanila kung sino ang kasama mo?"
"Hindi naman tinanong eh." Palusot pa siya. Alam ko naman na hindi pa niya official na sinasabi sa mga kaibigan niya ang tungkol sa estado naming dalawa. Estadong magulo.
"Pero kung tanungin, sasabihin mo ba?"
"Syempre! Anong klaseng tanong ba 'yan, baby ko?"
Nakakainis ka kasi eh! Kapag nasa tabi-tabi ang mga tropa mo, parang kinakahiya mo na girlfriend mo ako. Kung hindi pa nila nakita kagabi ang bracelet nating dalawa, hindi pa sila magkakaroon ng idea na there's really something going on between us.
Kulang na lang ay sabihin ko rin sa kaniya iyon kasi pansin na pansin ko na iwas na iwas siya sa mga kaibigan niya na sabihin ang tungkol sa amin. 'Di ba sabi nga niya, sa harap ng madlang people ay dapat nagpapakita rin kami ng sweetness para kapani-paniwala ang relasyon namin? Pero bakit ganoon? Kapag nandiyan ang dalawang asungot ay hindi man lang niya ako maipakilalang girlfriend kahit biru-biruan lang. Hindi niya magawang ipagkalat sa mga tropa niya ang lokohan na nagaganap sa aming dalawa. Kahit hindi totoo ang relasyon namin, umaasa rin naman ako na kahit kaunti, maipakilala naman niya ako sa mga kaibigan niya bilang girlfriend. Hindi gaya nito na halatang umiiwas siya kapag nandyan sina Austin at Shaun, ganoon din kay Jazzfer.
"Hay naku, Hyden! Nakakainis ka talaga. Umalis ka na nga at mag-practice nang hindi magka-letse-letse ang performance niyo para sa acquitance party." Nakuwento na niya sa akin na may dalawang intermission ang grupo niya sa darating na event. Gusto ko sana panoorin ang ensayo nila kaya lang alam ko naman na hindi puwede dahil surprise raw iyon. Bago pa ako makahakbang palayo ay humarang na sa daraanan ko si Hyden.
"Babalik ka na ba sa classroom?"
"Oo," mataray na sagot ko.
"Kiss ko muna," sabay haba ng nguso at pumikit pa. Ginunting ko ang bibig niya gamit ang dalawa kong daliri.
"Eh kung gupitin ko kaya 'yang nguso mo?"
"Aray ko! Sakit naman sa nguso niyang daliri mo, baby."
"Style mo kasi bulok!"
Walk-out na ako!Hindi ko na kaya ang eksena na 'to! Ang daming saling ketket! Badtrip!
**********
-HYD-
After of one month preparation, I think HYFERTINSHAUN is now ready to perform on stage. Nandito na kami ngayon sa back stage. Nag-re-rehearse kahit saglit para sa performance namin. Sumasayaw kami nang biglang may nagsalita.
"Jazzfer." Nakita ko si Rojean na papalapit sa amin.
"Yes?" tugon sa kaniya ni Jazzfer.
"Good luck," Rojean smiled.
"Thank you," Jazzfer smiled but he still look so sad. Isang buwan na rin ang nakakalipas magmula nang mangyari ang eksena na iyon sa mall kung saan nasangkot si Jazzfer sa pakikipag-suntukan sa bestfriend ni Rojean na si Jp.
Pinanood lang namin na makalayo si Rojean nang marinig kong nagsalita si Jazzfer. "Thank you for the broken heart, Rojean."
Tinapik ko ang balikat ni Jazzfer. "Mahirap umaming mahal mo pa siya, lalo na sa sitwasyong may mahal siyang iba. Bukod sa MASAKIT, NAKAKATANGA pa," matalinghaga kong saad.
"Hindi ko na siya mahal, dude," he looked doubtful.
"Asus! Kunyari ka pa. Thank you for the broken heart lang ang peg?" singit ni Austin.
"Huwag ng i-deny. Narinig namin iyon," Shaun said.
"Mga siraulo talaga kayo. Tara na't tayo na ang susunod na mag-pe-perform." Inakbayan ni Jazzfer sina Shaun at Justin.
"May mauuna pa na mag-perform sa atin, dude, bago tayo," I announced.
"Huh?! Hindi ko yata alam iyon," kunot-noong tanong ni Jazzfer.
"Ako nga rin eh. Kanina ko lang nalaman nang mabasa ko nang mabuti ang invitation. Kumuha pala sila ng perfomer outside of the school," wika ni Austin.
"Masyado kasi tayo busy kaya hindi na natin napapansin ang pangyayari sa paligid natin," sagot ni Shaun habang abala ang daliri sa pagtipa sa kaniyang cellphone.
"Sino raw ang mag-pe-perform?" I asked.
"PHP," Shaun answered.
"PHP?! Kilala ko ang grupong iyan!" I screamed.
Ibig sabihin, nandito sa school si Idol Jp?! I mean, si John Paul.
**********
-LEY-
Kanina ko pa siya hinahanap pero hindi ko talaga siya makita. Akala ko ay sabay na kami pupunta ng school para sa Acquintance party, pero hindi pala. Mauuna na raw siya dahil marami pa raw sila aasikasuhin.
Kaka-badtrip lang! Talagang kinakarir ang performance at kailangan pa umalis nang mas maaga? Hindi man lang hinintay ang girlfriend niya? Badtrip talaga!
Gaga! Nag-iilusyon ka na naman diyan. Tapos na ang pagpapanggap niyo 'no. Anong girlfriend ang pinagsasabi mo riyan??!!
Oo nga naman. It's been a week since my parents left me na naman for their work abroad. Ibig sabihin, tapos na ang pagpapanggap naming dalawa ni Hyden bilang boyfriend at girlfriend relationship. Hindi naging matagumpay ang mga balak ko na paaminin siya sa nakaraang romantic date namin. Ako na nga ang gumawa ng first move para lang umusad na kami kaya lang wa epek pa rin. Kulang na lang yata ay ako na ang manligaw sa kaniya eh. Hindi ko alam kung manhid or torpe lang talaga siya at hindi niya magawang aminin na gusto rin niya ako. Ramdam ko naman na pareho lang kami ng nararamdaman eh.
HINDI MANHID ANG BABY MO. RAMDAM NA RAMDAM KA NIYAN DAHIL MASYADO KA NG PA-OBVIOUS. PROMISE! IYON NGA LANG, HINDI KA NIYA TYPE KAYA WAKE-UP AND STOP DREAMING!
"Pesteeee!!! Tumahimik ka!!!"
Ugh. Gumagawa na naman ako ng eksena! Dahil sa kabaliwan ko ay pinagtitinginan na ako ng ibang estudyante. Dahil sa pagkapahiya ay nagtakip ako ng mukha at dahan-dahan humakbang paalis sa puwesto na iyon. Naglakad-lakad muna ako sa loob ng basketball court kung saan gaganapin ang party namin.
"Ouch!" Sino ang bumangga sa akin?!
"Sorry..."
Tinig ng isang babae. Tiningnan ko ang nagsalita at nalaman ko na si Rojean pala ang bumangga sa akin. Magaling.
Well, she's really pretty on her blue dress with polka dots. Semi-formal ang tema kaya most of the girls were wearing cute dresses while the boys ay polo and slack ang tema with sneakers pa. Parang ako lang. Suot ko ang gift ni Mama na super cute na black dress tapos naka-sneaker din ako na black. Black dress with the horizontal white line. Sleeveless type siya and I'm wearing a heart necklace na bili rin nila mama at papa.
"It's okay," sabi ko.
"You're Heiley, right?"
"Yes. How did you know my name?" Kunot-noong tanong ko.
"Because you're Hyden's girlfriend and Hyden is very popular here in school. By the way I'm Rojean, nice to meet you." Nilahad niya ang kaniyang kamay at tinanggap ko naman ang pakikipag-kamay niya.
"Same here." Ano ba ang dapat kong i-react sa sinabi niyang "You're Hyden's girlfriend."?
Parang lumaki ang ulo at tenga ko sa narinig. I'm Hyden's girlfriend? Nakakakilig naman! Kaya lang, magulo pa eh! Hindi pa kami official na mag-sweethearts. Ang bagal kasi kumilos ni Hyden! Gusto pa yata ay ako ang manliligaw sa kaniya eh. Buseeet!!!
"Friend mo si Jazzfer 'di ba?"
"Yeah, why?"
"Gaano mo na siya katagal na kaibigan? Kilala mo na ba pagkatao niya?"
Ano raw? Anong pagkatao sinasabi nito?
"Alam ko naman na alam mo ang nangyari 'di ba? Nasaksihan mo iyon. Hindi ko naman intensyon na saktan siya." Biglang lumungkot ang mukha niya.
"Actually, new friend ko siya at ngayong pasukan ko lang siya nakilala. Although classmate ko siya ay hindi ko naman siya madalas na nakakasama pero pansin ko na seryoso siyang tao. At saka hindi ko alam ang love story niyong dalawa."
"Gusto ko siya, Heiley."
Napataas ang kaliwa't kanang kilay ko sa sinabi niya. "Oh, 'yon naman pala eh. Bakit hindi mo sabihin sa kaniya?"
"Gusto ko siya bilang isang kaibigan. Ayokong saktan siya pero hindi ko alam kung paano ko gagawin iyon. Alam kong nasaktan ko siya ng sobra dahil pinaniwala ko siya na gusto ko siya ng higit pa sa kaibigan."
Eh, adik din pala 'tong babae na 'to eh. User lang? Parang gusto ko tuloy siya sabunutan.
"Ang g**o mo. Ano ba talaga ang gusto mo mangyari?" walang-ganang saad ko.
"Sorry. Pati ikaw naguguluhan na sa akin. Gusto ko lang naman mag-apology kay Jazzfer dahil hanggang ngayon, umiiwas pa rin siya sa akin at ayoko mangyari na masira ang friendship namin."
"Hindi ako si Jazzfer kaya hindi ako ang dapat mong kausapin sa bagay na iyan," sagot ko habang busy ang mata ko sa paghahanap kay Hyden.
"I know but you're Jazzfer friend. I need your help."
Napabalik ang tingin ko kay Rojean. "My help? Bakit naman ako nadamay sa eksena na iyan?"
"I can feel na you're a good person. Sana matulungan mo siya maka-get-over sa akin."
"W-What?! Nahihibang ka na ba?!" Napasigaw tuloy ako dahil sa kalokohan niya. Mas baliw pa yata 'to sa akin eh.
"Hindi ako nahihibang. Sorry, kulang iyong sinabi ko. What I mean is, you will help him to move on by letting him meet and greet other girls. I'm sure you have a lots of girlfriends na puwedeng magustuhan ni Jazzfer. In that way, there are big possibilty na kapag nakahanap na siya ng bagong mamahalin ay makakalimutan na niya ang feelings niya para sa akin at magiging friends na ulit kami," she explained.
"Yeah right. Sana nga marami talaga akong kaibigan."
"What do you mean? Wala ka bang mga tropang babae?"
"Wala pero I have few friends naman sa dati naming tinitirhan. Nandoon ang mga luma kong friends," I uttered.
"Luma talaga?" She smiled. "I want to be your friend, Heiley."
"Huh?"
"From now on, we will be the best of friend. I don't take no for an answer kaya whether you like it or not, bestfriend na kita at bestfriend mo ako." Sabay yakap sa akin nang mahigpit.
"Baliw ka rin talaga 'no?" Nakaka-shock pala ang kabaliwan nito.
"Yeah. I'm real damn crazy, bhez. As in crazy in love for Paul."
Wooohhh. Wagas maka-bhez. "Paul? Si Idol Jp?" Nakiki-idol Jp na rin ako. Nahawa ako sa kaka-idol ni Hyden eh.
Rojean chuckled, "Yes. He's my childhood friend and my first love. My one and only love pero..."
*****