- HYDEN -
"Tinatanong pa ba 'yan? Syempre kilala mo na iyon 'no. Ikaw ang nakakaramdam nun eh." Parang sira-ulo na sagot ko sa puso ko.
Hindi ko namalayan na nakapasok na pala ako sa madilim na gusali. Gusto ko siya agad makausap kaya pinagsawalang-bahala ko na muna ang takot ko. Gusto ko malinawan kung ano ang pinag-e-emote ng babaeng iyon.
Sa wakas at nakapasok na rin ako sa loob. Pati amoy ng building ay nakakatakot eh. Mayroon itong apat na palapag at hindi ko mabilang ang dami ng pinto. Hindi ko alam kung iisa-isahin ko pa ang mga pinto na ito para malaman ko lang kung nasaan si Heiley.
Ang dami rin kalokohan nun ah. Sa lawak ng campus, itong lugar pa talaga ang napili niya para mag-emote huh. Siya na ang matapang at nakapasok siya mag-isa rito sa loob.
Dahil ayaw ko pahirapan ang sarili ko ay sumigaw na ako.
"Heiley! Nasaan ka ba?! Tama na ang emote. Bumalik na tayo sa court at mag-party-party."
Pero walang sumagot.
"Sige na, Heiley. Lumabas ka na riyan. Magsasayaw pa tayo sa dance floor. Yohoooooo!"
Wala pa ring sumasagot.
Ugh!!! Hindi naman siguro ako niloloko ng pandinig ko kanina 'di ba? Boses ni Heiley iyon. Alam kong boses niya iyon. Kabisado ko na ang mala-husky voice niya kaya hindi ako puwede magkamali. Saka kakarinig ko lang na binanggit niya pangalan ko.
May plano pa naman ako mamaya para sa amin pero mukhang sasablay pa dahil sa bad mood niya.
Maya-maya pa ay nakarinig ako ng iyak. Parang nanggagaling iyon sa taas kaya umakyat ako papunta sa 4th floor. May nakita akong isang pintuan na nakabukas. Siguro nasa loob niyan si Heiley kaya pumasok na ako.
"Wayang taong manhid....Hini......niya lang chalaga mainyindihan kung......ano ang guto mong ipayating...... dahil ayaw mo chang asdfghjkl...."
Huh? Ano raw? Boses ng lalaki iyon ah. Kaninong boses iyon na parang lasing lang kung magsalita?
Pumasok ako sa loob. Lumang classroom siya dahil may mga upuan pa roon. May nakita akong dalawang tao na nakatalikod sa akin. Kilala ko ang likod ni Heiley kaya sure ako na siya iyon. Teka, si Jazzfer ba iyong katabi niya?! Nakatalikod sila sa akin kaya hindi nila pansin na nakapasok na ako sa loob.
Dinig mula rito ang tugtog mula sa court.
"Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again (in love again) Yeah, baby tonight, the DJ got us falling in love again (in love again) So dance, dance, like it's the last, last night of your life, life. Gonna get you right. Cause baby tonight, the DJ got us falling in love again (in love again-gain)"
Gusto ko sana sumayaw pero hindi ito ang tamang oras para gawin iyon.
Ano ulit ang sinasabi ng lalaki na iyon? At bakit may kasamang lalaki si Heiley?!
"Lasing ka na, Jazzfer. Kung anu-ano na pinagsasabi mo. Hindi ko na tuloy maintindihan," sabay singhot na parang sinisipon.
WHAT?!!! Magkasama sila Jazzfer at Heiley?!!!
Hindi ako puwede magkamali. Silang dalawa nga ang nakikita ko ngayon. Kahit pa na walang ilaw sa loob at madilim, naaaninag ko naman sila sa tulong ng kabilugan ng buwan kaya alam kong sila Jazzfer at Heiley ang nag-uusap ngayon. Kinumpirma na rin ni Heiley ang hinala ko dahil binanggit niya ang pangalan nito.
Umiiyak nga talaga si Heiley. Nakita kong tumabi si Jazzfer sa kaniya at pinapatahan.
"Ang chabe ko, wayang taong manhid....Hini......niya lang chalaga mainyindihan kung......ano ang guto mong ipayating...... dahil ayaw mo chang diyechuhin......"
"Ano? Diyechuhin?"
"Chige, english na lang... Ayaw mo chang I-stretch. S-straight.... Mayinaw na ba??"
Nakita ng dalawang mata ko ang paraan ng pag-alo ni Jazzfer sa kaniya. Hinahagod niya ang likod ni Heiley pero patuloy lang ang pag-iyak nito.
"Stop crying, Heiley." Oh, biglang naging straight na ang dila ni Jazzfer? Ang galing niya ah. Buseet lang!
Nakita kong may hawak na bote si Heiley at ininom niya ito hanggang sa maubos ang laman nito.
"Anong straight ang gusto mong gawin ko? Ilang straight na ang dinaanan ko pero walang epek pa rin." Niyakap ni Jazzfer si Heiley.
Parang tinusok ng barbeque stick ang puso ko sa nakita. Hindi ko matanggap na makitang nakayakap si Jazzfer kay Heiley. Ako dapat ang nagpapatahan sa kaniya, hindi si Jazzfer. Ako dapat ang kasama niya ngayon at hindi si Jazzfer. Inaamin ko na sobrang nagseselos ako. Hindi kaya sa sobrang kabagalan ko ay mahulog ang loob ni Heiley kay Jazzfer? Minsan na silang naging super close 'di ba? Pero bakit nga sila magkasama ngayon?!!!
Ugh!!! Naiinis talaga ako. Hind ko alam kung sa sarili ko, kay Jazzfer o kay Heiley ako maiinis. Basta nagseselos na talaga ako!!!
Oh, ano pang hinihintay mo? Tatayo ka na lang ba riyan at walang gagawin? Panonoorin mo na lang sila? Aba, kilos-kilos din, Hyden, kapag may time. 'Wag katorpehan ang pairalin mo. Hindi ka uunlad niyan.
Ugh! Sino naman sa human body ko ang nakikisali sa eksena ngayon?
Bago pa ako makapag-isip ng susunod na gagawin ay nagulat na lang ako sa sumunod na ingay.
"Please lang, bumalik kana dito. Sorry na, halika na dito. Sige na halika na dito, dito at dito. 'Wag na nating patagalin. 'Di ko na kayang tiisin. Miss na miss ka na as in. Ako'y pansinin."
Sa sobrang gulat ko, muntik ko nang maibagsak ang cellphone na hawak ko. May tumatawag. Iyon kasi ang ring tone ng cellphone ko.
"Hyden!" Parehong nagulat sina Jazzfer at Heiley nang makita ako.
************
-HEILEY-
"I'm crazy for you, iyan ang bulong sa akin ni Rose kanina kaya medyo nagulat ako. 'Wag ka nang mag-isip ng kung anu-ano pa ah. Walang kiss na nangyari. Promise!"
"Ugh! Buwisit ka talaga, Hyden!!!! Wala ka na talagang matinong ginawa sa buhay ko!!" Tinanggal ko ang bracelet na suot ko. Parang gusto ko itapon sa pinakamalayong lugar ang bracelet na bigay niya.
"I love my gf." Nabanggit ko ang salitang nakalagay sa bracelet. "Naiinis talaga ako sa'yo, Hyden!" Gusto kong ibaon sa pinaka-malalim na lupa itong bracelet sa tindi ng inis ko sa kaniya.
Akala ko talaga totoo na iyong sinabi niyang "I'm crazy for you." Iyon pala, binulong iyon sa kanya ng malanding Rose na iyon.
Patuloy ako sa paglalakad na hindi alam kung saan ang tungo. Umalis ako sa tabi ni Hyden kanina ng walang paalam. Eh sa badtrip talaga ako sa kaniya eh. Kung puwede lang siyang kutusan kanina ay ginawa ko na. Pero bago ko pa gawin iyon ay nagdesisyon na akong umalis doon. Baka hindi lang kutos ang magawa ko sa kaniya eh.
Maglalakad-lakad muna ako at baka mawala rin itong inis na nararamdaman ko.
"Waaaaahhhhh!!!!!"
"Ay petrang kabayo ka!" Nagulat ako nang biglang may tumalon na alien sa harapan ko. Mukhang alien nga dahil sa pangit ng hitsura. Nakaramdam ako ng takot na baka bigla niya akong hawakan sa kamay.
"Anong balak mong gawin?! Lumayo ka sa akin, halimaw ka!!!" Pinagsusuntok ko siya dahil bigla niya akong niyakap. "Bitawan mo ako, kabayo!"
"Cheka , waya naman akong gagawing machama chayo eh." Amoy alak siya!! Pisti! Baka reypen ako nito!!!
Infairness, umiinom din ng alak ang alien. Hanep din 'no?
"At sa tingin mo maniniwala ako sa'yo!!! Bitiwan mo ako!!!!!!" Patuloy ko siyang sinusuntok. Hindi ko hahayaan na gaguhin ako ng alien na 'to.
Buwisit!!! Sobrang nanginginig na ako sa takot pero hindi ko lang pinapahalata sa kabayo na 'to. Gusto ko kalmutin ang pangit niyang pagmumuka pero patuloy lang ang pigil niya sa mga suntok ko. Kapag may nangyaring masama sa akin ay sisisihin ko talaga si Hyden. Dahil kung hindi sa kaniya, hindi mangyayari sa akin ang karima-rimarim na eksena!
"Hindi talaga kita mapapatawad, Hyden!!!! Sinusumpa ko kayo ng alien na 'to! Ipapaku─"
Waaahhhh!!!! Bago ko pa matapos ang sasabihin ko ay nagpagulong-gulong na kami sa damuhan ni kabayo. Sa kakasuntok ko sa kaniya ay umiiwas siya, dahilan para bumagsak ako at nadamay siya sa pagbagsak ko. Dahil pa-slant ang damuhan ay nagpagulong-gulong nga kaming dalawa.
"My dress!" Napaiyak ako sa sama ng loob habang nakahiga ako sa damuhan.
Ano ba itong kamalasan na nangyayari sa akin, Lord?
"May machakit ba chaiyo??" Nakabangon na pala ang kabayo at nakatitig sa akin ang pangit na hitsura niya.
"You're a monster! Sa'ng planeta ka ba galing? Balak mo pa ako halayin at patayin. Hindi tayo magkauri! Bago mo gawin iyon ay babalian muna kita ng buto-buto!! Yaaahhhhhh!!!!!!!" Bumangon ako at agad sinugod ng suntok si kabayo.
Bumagsak siya kaya pinaibabawan ko siya. "Wala ka ng ligtas ngayon! Yahhh!!!" Bago ko pa siya masuntok sa mukha ay biglang nagbago ang anyo nito.
"Chop it, Ley!!! Ich me, Chashfer!"
Chashfer???
Wala akong kilalang Chashfer. Na-shock na lang ako nang biglang...
"JAZZFER?!"
Saka ko siya nakilala dahil hinubad niya ang pangit na maskara na suot niya. Pisti!! Akala ko totoong kabayong tao na ang nakita ko.
"Jazzfer!!! Anong kalokohan naman itong naisipan mong gawin? Gusto mo bang mamatay ako sa nerbyos?"
"Achoo nga yata ang mapapachay mo eh." Tinulungan ko siya makabangon.
"Eh baliw ka pala eh, gulatin mo ba naman ako na ganoon ang hitsura mo. Ano inaasahan mong gagawin ko sa'yo, hahalikan kita?" Pinagpag ni Jazzfer ang suot niya. Samantalang ako.... Ah, super messy na ng dress ko na bigay pa naman sa akin ni Mother. Pero teka.. bakit ko naman naisip na hahalikan si Jazzferr? Parang timang lang din ako 'no.
"Chige, chiss mo na lang ako." Sabay haba ng nguso.
Natulala na lang ako. Okay lang ba si Jazzfer?? And What with the CH ba at sobrang ka-alienan na ang pinagsasabi ni Chashfer daw.
"Ikaw ba talaga si, Jazzfer??" Para kasing may sanib itong kaharap ko eh.
Kilala ko si Jazzfer na may pagkaseryoso, hindi ganitong nasobrahan sa kalachingan. Leche, napapagaya na rin ako ah.
Natawa siya sa tanong ko. "Achoo nga ito. Bayit, may nagbago ba cha akin?"
Hindi ako kumbinsido sa sinabi niya. Para kasing may saltik itong kaharap ko eh. Deadma na lang talaga sa pagkabulol nito dahil lasing na nga siguro.
"Bakit ka nga ba nandito?" tanong ko sa kaniya.
"Ay nid frech eyr......."
"Fresh air talaga? At may suot ka pa na maskara ng kabayo huh? Paano kung may ibang nakakakita sa'yo?"
"Ayooo naman gagawin niya chaakin? Chakot yang niya na lapitan achoo," sabay kindat sa akin.
Ang weird talaga ni Jazzfer. SOBRA NA ITEY. Bakit ba siya naglasing?
"Eh iyaw, batit dito mo pa naichiipan mag-emote?" tanong niya sa akin.
"H-Hindi ako nag-e-emote 'no." Nag-deny pa talaga ako ah. Mukhang nakita nito ang kagagahang pinaggagawa ko kanina.
Tumawa siya ng palihim. Akala niya naman hindi ko napansin iyon. Loko 'to ah, mukha ba akong clown para pagtawanan?
Naalarma naman ako nang makita ko siyang naglakad papalayo sa akin.