- HYDEN -
"Rojean!" Biglang may dumating na tumatakbong babae papunta sa puwesto namin. "I finally found you, guys. Where have you been? And why you're not answering my call, cuz? Kanina pa ako nahihilo kakahanap sa inyo sa mall."
Malamang, pinsan nito si Rojean dahil tinawag niya itong Cuz─short for cousin.
"Jazzfer, tama na iyang masamang titig. Kung nakakamatay lang iyan ay kanina pa siguro pinaglalamayan iyong magandang babae kaya kumurap ka naman. Halika na at uuwi na tayo. May pag-uusapan tayong importante." Inakbayan ko si Jazzfer at giniya na sa pag-lalakad.
"Bakit mo nagawa sa akin 'to?" Biglang nagsalita si Jazzfer at nagulat ako sa sinabi niya.
"A-Ano, dude? Anong ginawa ko ang pinagsasabi mo?" litong tanong ko sa kaniya.
Imbes na sagot ni Jazzfer ang marinig ko ay biglang sumigaw ang bagong sulpot na babae.
"Austin!" Nilapitan niya si Austin at niyakap.
Wow! Hug-hug din kapag may time.
"Hi, Carlyn..." at pa-shy effect pa ang kumag. Oh, magkakilala na pala silang dalawa?
"I'm glad to see you here. I forgot to say thank you the other day for saving my life.."
"No need to mention that. I'm glad that I could help someone like you." Pa-cute talaga ang kumag.
Walastik! Huli na talaga ako sa balita ah. May mga pangyayari sa mga kaibigan ko ang hindi ko na na-mo-monitor ah. Palibhasa na kay Heiley ang focus ko these past few days kaya hindi na kami masyado nakakapag-kwentuhan ng grupo kong HYFERTINSHAUN.
"Kuya!!!" Narinig ko ang boses ni Hazel.
Nakita ko siyang papalapit na sa amin. "Nandito lang pala kayo. Kanina ko pa kayo hinahanap. Tinatawagan namin kayo ni Heiley sa cellphone niyo kaya lang pareho kayong hindi sumasagot. Akala namin kung ano na nangyari sa inyo. Naghahanap na rin sila sa inyo. Ano ba nangyari sa inyong dalawa?" walang prenong tanong ng kapatid kong hyper din.
What's the meaning of these? Kanina, masayang nagtatawanan lang kami ni Heiley pero bakit unti-unti yatang naglabasan ang mga extrang nilalang na ito sa eksena ng buhay ko? Kung saan may gusto akong sabihin kay Heiley ay saka naman nangyari ito.
Kinuha ko ang cellphone na nasa bulsa ko. Ang dami na nga nilang missed calls. Hindi ko namalayan na tumatawag na pala sila. Kung bakit naman kasi maraming misteryosong nagaganap ngayon dito eh.
"Mamaya na lang natin pag-usapan iyan, Hazel."
"Hi, Icecream!!" Napakunot-noo ako sa pagbati ni Shaun. Tumingin ako sa kaniya nang may pagtataka at ngumiti lang naman siya sa akin.
Nahuli kong inirapan siya ni Hazel. Kung ganoon, ang kapatid ko ang tinawag niyang Icecream? "Kuya, let's go. We need to go home na bago pa tayo mahawa ng nakakamatay na amoy paa rito.."
"Hindi ako amoy paa ah!" sigaw ni Shaun.
"Ah, talaga lang huh. Kaya pala muntik na akong hindi makahinga dahil umalingasaw ang nakakahimatay na pabango ng paa mo kanina. Pero buti na lang at napaglabanan ko ang nakaka-yucky na amoy na iyon."
Ano raw? Nagka-amuyan ba sila ng paa kanina? Saan? Magkasama pala sila kanina? Hindi kaya siya iyong lalaking nakita kong kausap ni Hazel sa skating rink kanina?
"Kuya, halika na kasi. Uuwi na raw tayo."
"Tara mga, dude, uwi na tayong lahat at kailangan pa natin ng energy para bukas." Maglalakad na sana kaming lahat paalis nang magsalita si Jazzfer.
"Balang araw, pagsisisihan mo na ginamit mo lang ako para pagselosin siya."
Napatigil kaming lahat at napatingin sa kaniya. Nababaliw na ba siya? Akala ko ay tapos na itong pag-e-emote ni Jazzfer.
**********
"Sorry," narinig kong wika ni Rojean.
"Do you know what's wrong with the word "sorry"? It gives the people the wrong idea that any mistakes can be solved by a single word," At naglakad na papalayo si Jazzfer. "Tara na. Umuwi na tayo at nakakapagod ang maghapon na 'to." Finally, pinansin din niya ang kanina ko pa hinihirit. Sinabi ng uuwi na kami eh. Siya lang itong gumawa ng eksena eh.
"Wait! May gusto akong sabihin sa'yo." Napatingin ako sa lalaking nagngangalang Paul na kahawig ng idol ko na si Jp.
Tumigil sa paglalakad si Jazzfer pero hindi siya lumingon kay "Paul".
"Kahit na nakakagalit ang ginawa mong pagsuntok sa akin kanina at kahit na masakit ang panga ko ngayon ay dapat ko itong sabihin sa'yo. Kung ikaw man ang boyfriend na tinutukoy ng bestfriend ko, mali ang inaakala mo sa amin ni Rojean. Bestfriend lang kami nitong pare ko."
Hindi pa rin lumilingon si Jazzfer.
"Roj, sabihin mo ang totoo sa boyfriend mo. Mag-bestfriend lang tayo."
Hindi nagsalita si Rojean pero napansin kong namumula na ang kaniyang mata. Yumuko siya at pinipigilan siguro umiyak pero kahit ano siguro ang pigil niya ay hindi niya rin nakayanan dahil nagsimula nang pumatak ang mga luha nito.
"Manhid ka ba talaga, Paul, or nagtatanga-tangahan ka lang? M-Ma-hal kita..... matagal na. Pero naiinis ako dahil hindi tayo pareho ng nararamdaman."
"Roj." Pati si Paul ay halatang nagugulahan na rin. "Sabihin mong nagbibiro ka lang."
"You really think I'm just telling a joke?!" Biglang tumaas ang boses ni Rojean. "Para sa'yo lahat na lang ng lumalabas sa bibig ko ay puro kalokohan."
"Roj, stop it. Let's not talk about it in here." Napasulyap na sa amin si Paul at maski siya ay humihingi ng paumahin sa paraan ng pagkakatingin niya sa amin.
"Hindi natin ito pag-uusapan mamaya, bukas or sa susunod na araw!!" Nagulat ako sa lakas ng boses ni Rojean. Nakakaagaw na naman kami ng atensiyon ng mga tao rito sa mall.
"Roj, stop acting like a child. Don't cry here. Please," pagmamakaawa ni Paul sa kaniya.
Ano ba iyan? Hindi na ba kami tatantanan ng spotlight? Kaninang umaga pa kami kumukuha ng attention ng mga tao ah. Mula sa skating rink at ngayon, dito naman pero hindi na kami ni Heiley ang headline dito.
"Hindi mangyayari ito kung ako ang minahal mo, Paul." Shock! Umiiyak na ang Rojean. Artista na iyan!
"Napag-usapan na natin ang bagay na ito 'di ba, Roj? Si Erika ang mahal ko at alam mo iyan sa simula pa lang. You're one of the reason why Erika and I so happily together now. Tinulungan mo ako sa panliligaw ko sa kaniya. Ikaw pa mismo ang gumawa ng paraan para magkakilala kami ng lubos."
Ayoko ng ganito. Kailangan ay makaalis na kami rito. Ayoko ng saksihan pa ang susunod na magaganap. Hinigit ko ang kamay ni Heiley at hinila na paalis sa lugar na iyon pero hindi nagpatinag si Heiley. Talagang nakaabang siya sa susunod na eksena ng tatlo. Naman! Pati ba naman itong si Heiley ay napukaw na ang atensiyon ng mga ito?
"At pinagsisihan ko ang lahat ng iyon, Paul!!! That's the biggest mistake I've ever done in my life! To let the one I love fall for someone else!"
Grabe!!! May shooting ba sila ng movie ngayon? Hindi ko yata mahagilap ang mga camera. Lalaban ba ito sa MMFF at grabe ang actingan ng dalawa?
Tumakbo na papalayo sa amin si Rojean. For real ba talaga ang drama na nasaksihan ko? Kung ganoon, siya pala ang Rojean na nakuwento sa akin dati ni Pareng Jazzfer. Naalala ko na! Kaya pala pamilyar sa akin ang pangalan na iyon ay dahil minsan na namin napag-usapan ni Jazzfer ang babaeng gusto niya. Siya pala iyon! Kung ganoon ay schoolmate lang namin siya.
"Cuz, wait!" Bago sundan ni Carlyn si Rojean ay tumigil siya sa harapan ni "Paul".
"Ipapabugbog kita kay Tito kapag may nangyaring masama sa pinsan ko." At tumakbo na rin siya papalayo para sundan ang pinsan nga niyang si Rojean.
Biglang tumahimik ang paligid. Narinig kong nagpalakpakan sina Austin at Shaun habang pinupunasan ang luha nila. Umiyak ba talaga ang dalawang iyon?
"This is the most heartache scene I ever seen in my whole life. My gosh!!!" Pucha! Teary eyed si Shaun.
"Amazing!" Ganoon din si Austin.
"Mga siraulo! Ginawa niyo naman itong sinehan," wika ni Heiley.
"Let's go home na, guys. Tumigil na kayo sa kalokohan niyong dalawa. Sa amin na kayo sumabay Austin at Shaun kung nagbabalak pa kayo umuwi," yaya ko sa kanila.
"Of course!" masayang sigaw ni Shaun
"Ohryt!!!" at nag-high five pa ang eksena nila ni Austin.
"Wala si Jazzfer. Mukhang nauna na sa atin umalis," Heiley announced.
"Hayaan na muna natin siya. Baka gusto lang mapag-isa. Hintayin na lang natin siya na kusa magkuwento sa atin bukas. Huwag na natin siya kulitin sa mga nangyari ngayon. Heartbroken pa siguro iyon."
Sabay-sabay na kaming lumakad papalayo nang may tumawag na naman sa pangalan ko.
"Hyden!!" Lumingon ako. Papalapit sa amin si "Paul". Ano naman problema nito ngayon? "Hindi mo na ba ako natatandaan??" tanong niya.
"Huh??"
Nakilala ko na ba siya dati? Nalito tuloy ako. Ibig sabihin, siya talaga si Idol Jp?!
"Naging kalaro mo na ako noong mga bata pa tayo," Paul smiled
Na-disappoint tuloy ako. Akala ko siya na talaga si Idol Jp. Pero ano naman ang sinasabi niya na kalaro ko raw siya dati noong mga bata pa kami? Pinilit kong halukayin ang memorya ko at baka nasiksik lang kung saan-saan pero hindi ko talaga siya matandaan eh.
"John Paul Soliva, kaibigan ni Red - dati," he reminded.
Alam kong Soliva talaga ang real surname ni Jp. Pero mas kilala lang talaga siya sa pangalan na Jp sa mga social networking site
"I-Ikaw si John Paul?! As in Jp?" paninigurado ko.
"Natatandaan mo na ako?" Nakangiti sa akin si "Paul" habang hinihintay ang sagot ko.
"Oo!! Ikaw iyong kumanta ng tagalog version ng bigbang na "Badboy" 'di ba? Paborito ko iyong kanta mo eh saka iyong latest mong cover na "Falling in Love" ng 2ne1."
Siya nga talaga si Jp?! Grabe, gustong-gusto ko talaga ang mga cover songs niya eh. Sabi na eh, siya talaga si Idol!!!
Natawa lang siya sa reaksiyon ko. "Ako nga iyon at nakakatuwa dahil nakilala mo pala ako pero bukod pa doon, nagkakilala na tayo dati pa. Iyon lang, kaya siguro hindi mo na ako natatandaan dahil kami ni Red ang nagkulong sa'yo sa cabinet noong mga bata pa tayo"
Cabinet...
Lumang Cabinet...
As in lumang cabinet nila Heiley na pinagtaguan ko noong 7 years old ako. Hindi ko puwede makalimutan ang nakakatakot na pangyayaring iyon. Matatakutin talaga ako sa madidilim na lugar kaya kadalasan ay iniiwan ko na bukas ang lampshade sa gilid ng kama ko.
"Paul? Ikaw iyong kaibigan ng loko-lokong si Red?!" I was so surprised. I can't believe it. Itong idol ko na si Jp ay siya kong kaibigan noong mga bata pa kami? Ay, mali. Hindi ko sila kaibigan. Sinong kaibigan ba naman ang magkukulong sa iyo sa loob ng cabinet na muntik ko nang ikamatay. Mabuti na lang at to the rescue itong baby ko. Napatingin ako kay Heiley na salubong ang kilay.
"Sinong Red ang pinag-uusapan niyo? Hindi naman siguro si Red Vergara ang nagkulong sa'yo sa lumang cabinet 'no?" Heiley whispered.
Parang hindi ko nagustuhan ang tono ni Heiley. Parang ang lagay ay pinagtatanggol pa niya ang pucha na iyon. Hindi ko na kasi binanggit sa kaniya na si Red Vergara ang prime suspect sa pagkakakulong ko sa cabinet.
Napangisi si Paul or Jp sa sinabi ko. "Yeah, exactly. Well, until now eh loko-loko pa rin naman talaga si Red pero goodboy na ako ah. Naalala mo na pala ako kung ganoon. Yap, ako nga iyon. Kahit sobrang late na ay gusto ko humingi ng sorry about sa nangyari ten years ago. Alam mo na... mga bata pa tayo noon. Nahawa lang ako sa kapilyuhan ng ugali ni Red. Pero tungkol sa nangyari kanina, gusto ko humingi ng pasensya. Gusto ko rin sana makausap ang kaibigan niyo, si Jazzfer. Kaya lang hindi pa siguro ito ang tamang pagkakataon para doon. Kahit ako ay naguguluhan din sa mga nangyari kanina."
"Wala kang kasalanan. Alam ko na hindi mo naman ginusto ang nangyari kanina. Kami na bahala kumausap kay Jazzfer."