I’m Afraid to Live Without Her

1368 Words
Tapos ka na, Mendoza,” sabi ng isa. “Sumuko ka o papatayin namin ang babaeng mahalaga sa’yo.” Ngumisi si Venus habang kinukuha ang matalim na patalim na nakatago sa kanyang medyas. “You think I’m afraid to die? Hindi. I’m afraid to live… without her.” At buong tapang siyang sumugod sa kanyang mga kalaban. Ang unang lalaki ay mabilis niyang nasaksak sa tagiliran at agad na bumagsak. Ang pangalawa ay tinadyakan niya sa tuhod kaya napaluhod, sinundan ng malakas na suntok sa panga na nagpatumba rito. Pero ang pangatlo ay malaki at mabilis kumilos. Naiwasan nito ang patalim ni Venus at sinukli siya ng isang malakas na suntok sa mukha. Napaatras at bumagsak si Venus sa sahig, agad na tumulo ang dugo mula sa kanyang labi. Tumawa nang mapanghamon ang lalaki. “Sabi ko na nga ba. Tao ka rin lang, Mendoza. Nasasaktan din pala.” Itinutok niya ang baril nang direkta kay Venus. “Any last words? May ipapabili ka ba para sa girlfriend mo?” Tumingin si Venus sa kanya puno ng dugo, hingal na hingal, pero may bahid pa rin ng ngiti sa kanyang mga labi. “Tell Don Ricardo…” sagot niya, napahinto sandali dahil sa pag-ubo ng dugo. “Tell him… he picked the wrong girl to mess with.” Sa isang iglap ay mabilis na tumayo si Venus. Sinipa niya ang kamay ng lalaki kaya tumilapon ang baril palayo, saka sinaksak ito sa binti. Sumigaw sa sakit ang lalaki at bumagsak sa sahig. Tumayo nang tuwid si Venus habang humihinga nang malalim. Kinuha niya ang kanyang telepono mula sa bulsa na puno na rin ng dugo at nag-dial. “Marco. Status.” “Sir! Nakaalis na po kami nang ligtas! Nasa loob na kami ng safehouse. Si Ma’am Jaira… umiiyak siya at patuloy kayong hinahanap.” Napapikit sandali si Venus sa narinig. Jaira… “Pupunta ako diyan,” sagot niya. “Linisin niyo agad ang ibaba. Tawagan niyo ang mga pulis at sabihin ninyo ay tangkang pagnanakaw ang nangyari.” “Sir, sugatan kayo baka po.” “I’m fine,” putol ni Venus habang pinupunasan ang dugo sa kanyang labi gamit ang likod ng palad. “Bantayan mo siya nang mabuti. Kahit anong mangyari, huwag ninyong iiwan mag-isa.” Ibinaba niya ang tawag. Safehouse – Matatagpuan sa ilalim ng isang luma ngunit matibay na gusali sa BGC. Nakaupo si Jaira sa isang sofa, niyayakap ang kanyang mga tuhod habang nanginginig pa rin sa takot at emosyon, patuloy pa ring tumutulo ang kanyang mga luha. “Ma’am, uminom po muna kayo ng tubig,” alok ni Marco habang inaabot ang isang baso. “Si Sir… malapit na raw po makarating dito.” “Buhay ba siya?” tanong ni Jaira, basag ang kanyang boses. “Marco, sabihin mo sa akin ang totoo. Buhay ba siya?” Tumango si Marco nang may katiyakan. “Opo. Kausap ko lang siya kanina. Sugatan nga lang, pero ligtas pa rin.” Lalong napahagulgol si Jaira. Sugatan… dahil sa akin. Dahil pinrotektahan niya ako. “Ma’am, huwag ninyong isipin na kasalanan ninyo ito,” Si Sir… matagal na niyang inaasahan na darating ang ganitong araw. Alam niyang balang araw ay gagamitin kayo laban sa kanya. Kaya nga walong taon siyang naghanda at nagbantay.” “Anong ibig mong sabihin?” tanong ni Jaira habang pinupunasan ang mga luha gamit ang kanyang palad. “Ang Mendoza & Co., Ma’am… hindi lang ito simpleng kumpanya,” paliwanag ni Marco nang dahan-dahan. “Ito ay panakip lang. Sa likod ng lahat ng ito… kilala si Sir bilang ‘Silence’. Siya ang namumuno sa isang malaking samahan sa buong Luzon. Hindi naman ito sangkot sa droga o masasamang bisyo ang layunin nila ay magbigay ng proteksyon. Maraming negosyante ang nagtitiwala sa kanila para hindi sila magalaw ng mga tulad ni Don Ricardo.” Nanlaki ang mga mata ni Jaira. Silence. Isang pinuno ng samahan… Kaya pala laging may mga kasamang nagbabantay. “Si Don Ricardo po,” dugtong pa ni Marco. Dati ay magkasama sila sa samahan, ngunit naging sakim at malupit. Gusto niyang makuha ang lahat ng kapangyarihan, kahit na may madamay na mga inosenteng tao. Kaya naghiwalay ang landas nila at naging magkaaway na simula noon.” “Kaya… kaya pinatay ng tiyuhin niya ang mga magulang ko?” bulong ni Jaira na parang hindi makapaniwala. Tumango si Marco. “Tama po. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Venus. May mga bahid ng dugo ang kanyang suot, punit ang isang manggas, at may mga gasgas sa mukha, ngunit nakatayo siya nang tuwid at buhay. Tumayo agad si Jaira. “Venus!” Gusto na sana siyang takbuhin. “Stop,” utos ni Venus habang itinaas ang kanyang kamay. “Madumi ako at puno ng dugo.” “Wala akong pakialam!” sigaw ni Jaira habang patuloy siyang lumalapit at niyakap ito nang mahigpit. “Akala ko… akala ko hinding-hindi na kita makikita pa!” Natigilan sandali si Venus, dahan-dahang itinaas ang kanyang hindi sugatang kamay at hinaplos ang buhok ni Jaira. “I’m here. Sabi ko naman sa’yo, hindi ako mawawala hangga’t hindi ka pa ligtas.” Lalong napaluha si Jaira. “Sabi ni Marco… sinabi niya na ikaw si ‘Silence’. Totoo ba iyon? Pinuno ka ng samahan?” Sandaling tumahimik si Venus bago sumagot nang tapat. “Oo.” “Ang mga lalaki kanina… pinatay mo ba sila?” “Oo.” “Bakit hindi mo agad sinabi sa akin?” tanong ni Jaira habang bahagyang lumalayo upang tumingin nang maayos sa kanyang mukha. “Bakit parang laging may tinatago ka sa akin?” “Dahil ayokong matakot ka sa kung sino ako,” sagot ni Venus nang tapat. “Ayokong makita mo ako bilang isang halimaw. Ang gusto ko… ang makilala mo ay si Venus lang ang tahimik mong kaklase noon.” “Pero siya pa rin naman ikaw!” sagot ni Jaira habang hinahawakan nang marahan ang magkabilang pisngi nito. Ikaw pa rin… ‘yung mahal ko.” Natigilan si Venus. Mahal ko… “Ulitin mo ‘yun,” bulong niya. Umiling si Jaira habang namumula ang kanyang pisngi. “Ayoko, nakakahiya naman.” “Please,” pakiusap ni Venus unang beses na gumamit siya ng ganitong salita. “Gusto kong marinig ito nang malinaw.” Tumingin si Jaira nang diretso sa kanyang mga mata. “Mahal kita,” bulong ni Jaira. Kahit ano pa ang pinanggalingan mo, kahit ano pa ang iyong pinagdaraanan.” Pumikit sandali si Venus na parang gumaan ang mabigat na pasanin na matagal niyang pasan-pasan. “I love you too, Jaira.” Ito ang unang pagkakataon na nabitawan niya ang mga salitang iyon. “Walong taon ko ring hinintay na masabi ito nang hayagan.” Dahan-dahan niyang hinalikan ang noo ni Jaira marahan, maingat, tila hawak niya ang isang bagay na madaling mabasag. “Ngunit hindi pa rito nagtatapos ang lahat,” bumabalik ang seryoso niyang anyo. “Si Don Ricardo ay hindi titigil hangga’t may hininga pa siya. Hangga’t buhay siya ay laging nasa panganib ang iyong buhay.” “Ano ang gagawin natin?” tanong ni Jaira. Tumingin si Venus kay Marco. “Ihanda mo ang lahat ng ating mga tauhan. Tatawagan ko ang aking mga kasama. This time, we end it.” Ibinaling niya ang tingin kay Jaira. “Ngunit kailangan mo munang magpahinga at gamutin ang iyong mga galos.” Itinuro niya ang maliit na sugat sa kamay ni Jaira na hindi nito napansin kanina. “Hindi naman ito masakit,” sagot ni Jaira. “Ang utos ko ay susundin,” mariing sagot ni Venus habang bahagyang ngumingiti. “You’re mine to protect, remember?” Ngumiti rin si Jaira kahit may halong takot at kaba. “Oo. Tandang-tandaang mabuti.” Alas-dose ng hatinggabi Tahimik na natutulog si Jaira sa kanyang kwarto. Sa sala ay naroon si Venus kasama ang sampung pinagkakatiwalaan niyang tauhan. “Nakapaghanda na ang lahat,” paliwanag ni Venus habang nakaturo sa isang mapa na nakalatag sa mesa. Sasalakayin natin ang kanyang bodega sa Port Area sa ganap na alas-dos ng madaling araw. Sa oras na ito ay karamihan sa kanyang mga tauhan ay mahimbing na ang tulog... To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD