ANG PAGTATAGPO NILA ULIT
Si Jaira ay mag-isa na lang sa buhay. Wala na siyang mga magulang naaksidente sila noong second year high school siya. Wala rin siyang kapatid, at walang tito, tita, lolo, o lola na nag-alaga sa kanya. Simula high school, mag-isa na lang talaga siya. Kaya mula noon, tinanggap na niya nang buong puso na siya lang ang maaasahan sa sarili, at siya ang magtataguyod para sa kanyang kinabukasan.
Kaunti lang din ang kaibigan niya, at naiintindihan naman niya kung bakit, dahil likas na mahiyain, mahinahon, at simpleng mamuhay ang kanyang ugali. Hindi siya yung tipo na maingay o laging nais mapansin. Sa halip, siya yung taong laging handang tumulong yung tipong nakangiti pa rin kahit halatang pagod na sa maghapon, laging bumabati nang magalang sa guwardiya at mga guro, at laging may dalang extra baon “just in case” may makalimot. Masayahin siya sa paningin ng iba, laging may magandang salita para sa kapwa, ngunit sa kaibuturan ng kanyang puso ay may tagong bigat at lungkot na matagal na niyang dinadala. Sanay na siyang itago ito sa likod ng kanyang mga ngiti.
Maaga niyang natutunan ang isang mahalagang aral: kapag wala kang ibang masasandalan sa panahon ng kagipitan, ikaw mismo ang dapat maging matibay. Kaya ginawa niya ang lahat ng makakaya upang makatapos ng pag-aaral ang tanging yaman na hindi mananakaw ng sinuman. Pinagsabay niya ang pag-aaral at pagtatrabaho kahit nakakapagod. Nagtututor ng elementary students tuwing hapon, nagta-trabaho sa coffee shop tuwing weekends. May mga gabing tatlo o apat na oras lang ang kanyang tulog dahil kailangang tapusin ang mga gawain habang pagod galing sa trabaho, ngunit hindi siya sumuko. Alam niyang ito ang tanging daan upang maiahon ang sarili sa hirap.
Buti na lang ay biniyayaan siya ng matalas na isipan at tiyagang hindi matatawaran. Mula pa noong elementarya hanggang makatapos ng kolehiyo, halos laging siya ang nangunguna sa klase. Puno ng medalya, sertipiko, at parangal ang kanyang kahon patunay ng kanyang pagsisikap. Dahil dito ay naging scholar siya, kaya libre ang matrikula, ang baon at ibang pangangailangan nalang ang kailangan nyang pagtatrabahuan. At iyon ang bumuhay sa kanya sa loob ng walong taon.
Ngayon, first day niya sa trabaho. Sa Mendoza & Co. Holdings, ang pinakamalaki, pinakakilala, at pinakarespetadong kumpanya sa lungsod. Nag-apply siya bilang junior financial analyst, at hindi niya inasahang matatanggap. Libo-libo ang nag-aplay mga galing sa kilalang paaralan, mayaman, at may mga kakilala sa loob. Pero makalipas ang isang linggo matapos magpasa ng mga papeles, nakatanggap siya ng email: “Congratulations, Ms. Jaira L. Soryano. You have been selected.”
Naiyak siya nang gabing iyon. Hindi lang dahil sa tuwa na mayroon na siyang magandang trabaho, kundi dahil sa unang pagkakataon sa mahabang panahon, naramdaman niyang parang may magandang bagay na nangyari para sa kanya. Parang ang lahat ng pagod, puyat, at sakripisyo ay nagkaroon ng saysay.
Pinaghandaan niya ang first day. Gumising ng 4:30 AM, nagkape, nagluto ng itlog at hotdog ang lucky breakfast niya simula college. Naligo, plantsado ang uniform na binili sa Divisoria pero mukhang mamahalin. Light makeup: liptint, kilay, sunscreen. Low ponytail, simple pero professional. That’s Jaira.
Maaga siyang umalis sa maliit na apartment sa Sampaloc, 6 AM para sa 9 AM shift. Dalawang jeep, isang LRT. Mas mabuti nang maaga kaysa ma-late. First impressions matter.
Pagkarating sa harap ng building, napahinto siya sandali. Mendoza & Co. Holdings animnapu’t dalawang palapag na nakatayo nang matibay, gawa sa makikinang na salamin at bakal. Kulay itim at ginto ang disenyo, na nagbibigay ng pakiramdam ng karangyaan. Para itong modernong kastilyo, at pakiramdam niya ay tila hindi ito lugar para sa isang simpleng dalagang galing sa hirap. Sa harap may fountain, at sa paligid ay mga taong nagmamadali lahat ay nakasuot ng magagarang damit, may hawak na kape, at mukhang abala.
At sa gitna ng lahat ng iyon, nakita niya siya. Si Venus Mendoza. Ang secret crush niya. Ang first love. Ang “what if” noong high school.
Nakatayo ito malapit sa umiikot na pinto, nakikipag-usap nang magalang ngunit may awtoridad sa isang matandang lalaki. Mas matangkad at matipuno na siya ngayon, at mas lalong tumibay ang tindig. Nakasuot siya ng itim na terno, walang kurbata, at bahagyang nakabukas ang dalawang butones ng damit simple ngunit makisig. Maayos ang gupit na bagay sa isang punong ehekutibo. Ngunit sa kabila ng pagbabago sa anyo, ang kanyang mga mata ay nanatiling pareho pa rin: tahimik, malalim, at tila may tinatagong kwento.
Hindi nagpahalata ng emosyon si Jaira. Sanay siyang itago ang naramdaman. She clutched her bag tighter, kunwari may tinitingnan sa phone. Pero ang puso niya, parang kumakabog nang napakalakas.
Calm down, Jaira. Eight years na yun. Baka hindi ka na niya maalala. Baka sa paningin niya ay isa ka lang sa libo-libong empleyado. Baka mayroon na siyang asawa, at matagal nang nakalimutan ang simpleng buhay sa probinsya.
Alam niya kung sino si Venus ngayon. Madalas siyang makita sa balita ang youngest CEO na nag-close ng 10B deal. Tinatawag siyang “The Man Who Doesn’t Smile.” Ngunit iba ang alaala ni Jaira. Sa Zambales, siya ay tahimik na kaklase, laging may dalang libro, bihirang makipag-usap. Ngunit kapag nadadapa si Jaira at nahuhulog ang gamit, siya ang tahimik na lalapit upang pulutin ang mga ito walang sasabihin, ibibigay lang at agad na aalis.
Hindi niya makalilimutan ang isang pangyayari. Noong tinutukso siya ng mga kaklase dahil daw “walang magulang,” may naiwan na sobre sa kanyang mesa. Walang pangalan sa labas, pero sa loob ay may limang daang piso at sulat: “Pambili ng tanghalian. Kumain ka nang maayos.” Magulo ang sulat-kamay, pero sigurado siyang kay Venus iyon.
Sa loob ng mahabang panahon, hindi sila gaanong nagkaroon ng pagkakataong mag-usap. Mahiyain si Jaira, habang si Venus naman ay tila may pader sa paligid. Hanggang sa magtapos sila at maghiwalay ng landas.
Pagpasok niya sa lobby, parang sinampal siya ng kaba. Marble and gold. Reception: “Jaira Soryano po, new hire. Financial Analyst under Mr. Reyes.”
Ngiti ang receptionist. “42nd floor, Ms. Soryano. Welcome to Mendoza & Co.”
Pumunta siya sa elebeytor. Puno ito ng tao, kaya naghanap siya ng iba pa hindi niya alam private elevator yon para sa CEO nakabukas.
“Tuloy ka,” sabi ng isang malalim at pamilyar na boses.
Si Venus.
Hindi siya makagalaw. Eight years niyang inisip kung anong sasabihin kapag magkita sila. Ngayon, blanko ang utak.
“You’re blocking the door,” sabi ni Venus. Walang emotion. Pero tumingin siya diretso sa mata ni Jaira.
Pumasok siya. Nanginginig ang tuhod. Amoy ni Venus mint, kahoy, mamahaling pabango. Gusto niyang umiyak.
Habang tumataas ang elevator, lalong bumibilis ang pagtibok ng puso niya.
Napadikit ang braso niya sa suit ni Venus. Mainit. Umatras siya, pero wala nang space.
“Sorry,” bulong niya.
Hindi sumagot si Venus. Pero hindi rin lumayo.
Forty-second floor. Ding.
“Ito na ang bababaan mo,” sabi ni Venus. “Financial Analyst. Mr. Reyes.”
Nanlaki ang mata ni Jaira. Paano niya nalaman?
Lumabas siya, parang lasing. Paglingon, nakasara na ang pinto. Repleksyon ni Venus sa gold wall nakatingin pa rin sa kanya.
Pagkarating ay sinalubong siya agad ni Ginoong Reyes. “Binibining Soryano! Pinapatawag ka agad ni Sir Venus sa ika-animnapung palapag. Ngayon din.”
Muntik nang mahulog ang bag. Bakit agad-agad? Huminga siya nang malalim at tahimik na nanalangin: Gabayan niyo po ako. Itinuwid niya ang tindig at muling sumakay sa elebeytor paakyat.
Sa pinakamataas na palapag, nakatayo si Venus sa harap ng glass wall. Sa kamay ay hawak niya ang isang lumang larawan kuha pa mula sa kanilang aklat ng alaala noong hayskul. Medyo kupas na ang kulay at bahagyang punit, pero maingat na iningatan sa loob ng walong mahabang taon.
Tumingin siya sa repleksyon at bumulong nang mahina: “Walong taon, Jaira. Sa wakas ay narito ka na rin.”
Habang nakatingin sa pintuan naghihintay kay Jaira hindi siya mapakali, kung ano ang naramdaman niya, inayos niya ang sarili at pilit siyang kumalma. Sabi niya "sa wa
kas palagi na kaming magkikita" maaalagaan kuna siya ng husto.
To be continued...