WALONG TAON

1331 Words
Dahan-dahang pumasok si Jaira sa elevator patungo sa ika-animnapung palapag. Ramdam niya ang mahinang ugong ng makina, ngunit higit na naririnig niya ang mabilis na kabog ng kanyang puso. Nanginginig pa rin ang kanyang mga palad, at hindi maalis sa isipan ang huling sinabi ni Venus: “Narito ka na rin sa wakas.” Ano nga ba ang ibig sabihin niyon? Bakit tila matagal na niyang hinihintay ang pagdating niya? Paano niya nalaman ang pangalan niya, ang posisyong inaaplayan, at kung kanino siya mag-uulat? Libo-libong tanong ang nag-uunahan sa kanyang isipan, na lalong nagpapataas ng kaba at pagkalito sa kanyang dibdib. Ding! Bumukas ang pinto. Ang katahimikan ay tila mas mabigat pa kaysa sa ingay. Ang buong palapag ay napakalawak, at ang mga dingding ay gawa sa malalaking salamin kung saan kitang-kita ang tanawin ng buong siyudad sa ibaba. Sa dulo ay may isang malaking itim na pinto. Walang nakasulat na pangalan sa labas, ngunit agad na alam ni Jaira kung kanino ito. Lumapit siya at kumatok nang tatlong beses mahina ngunit malinaw. “Pasok,” sagot mula sa loob. Ang parehong malalim na boses na narinig niya kanina. Binuksan niya ang pinto. Ang opisina ay napakalaki, mas malaki pa nga sa kanyang inuupahang apartment. Payak ngunit marangal, kulay itim at puti ang nangingibabaw. Sa gitna ay may malaking mesa, at sa likuran ay isang pader na salamin kung saan tumatama ang liwanag ng araw. Nakaupo si Venus, at nakatingin sa kanya, pero hindi nagpahalata sa tensyon na naramdaman, ang mga kamay ay nakasuksok sa bulsa ng kanyang pantalon. “Isara mo ang pinto,” utos niya sa tinig ng amo. Sinunod ito ni Jaira. Nanatili siyang nakatayo malapit sa pinto, hindi alam kung uupo ba, magsasalita, o mananatili na lamang. Ilang segundo ang lumipas na puno ng katahimikan. Ang tanging naririnig lamang ay ang huni ng aircon at ang mabilis na t***k ng kanyang puso. Habang nagkatinginan silang dalawa, na kumikinang ang mga mata. Sa unang pagkakataon matapos ang walong taon, nagkatitigan sila nang matagal. Walang ngiti, walang salita, ngunit sa mga mata ni Venus ay may halong emosyon parang galit, lungkot, at isang matinding pangungulila na matagal nang itinago. “Umupo ka,” sabi ni Venus habang itinuturo ang upuan sa harap ng mesa. Umupo si Jaira nang tuwid ang likod, parang nasa isang mahigpit na panayam. Kinuha ni Venus ang isang makapal na folder, binuksan ito, at nagsimulang magbasa: “Jaira L. Soryano. Dalawampu’t apat na taong gulang. Ipinanganak noong ika-16 ng Marso, 2002. Nagtapos bilang Summa c*m Laude sa BS Accountancy. Nanguna sa pagsusulit para sa lisensya. Naging iskolar sa loob ng walong taon. Walang natitirang kapamilya. Nakatira sa Sampaloc, Unit 302.” Nanlaki ang mga mata ni Jaira. Paano niya nalaman ang lahat ng detalyeng iyon? “Alam ko ang lahat tungkol sa aking mga empleyado,” mahinahong paliwanag ni Venus habang isinasara ang folder. “Lalo na kung… espesyal.” Tumaas ang kilay ni Jaira “Po? Sir, hindi ko po.” Venus,” putol ni Venus. “Tawagin mo akong Venus. Walang ‘Sir’. Hindi tayo sa court.” Venus. Pagkatapos ng walong taon, narinig niya ulit ang pangalan mula sa bibig ni Venus. Hindi “Mr. Mendoza.” Hindi “CEO.” Venus lang. “Ba..bakit niyo po ako ipinatawag?” tanong ni Jaira, pilit pinapakalma ang nanginginig na boses. Tumayo si Venus at lumapit sa salamin. “Ano ang naaalala mo noong tayo ay nasa hayskul pa lamang?” Natigilan si Jaira. “Wala naman po… ibig kong sabihin, karaniwan lang. Nag-aaral, gumagawa ng takdang-aralin, hanggang makapagtapos.” Alam niyang nagsisinungaling siya. Ang totoo, ang laging bumabalik sa isipan niya ay ang 500 piso, ang mga gamit na dinampot, at ang mga araw na palihim siyang tumitingin sa lalaking ito. Humagalpak nang bahagya si Venus, ngunit walang halong katatawanan. “Karaniwan.” Tumalikod ito at tumingin sa kanya nang diretso. “Karaniwan ba na umiiyak ka sa banyo tuwing tanghalian dahil wala kang baon?” Natigilan si Jaira. Paano niya nalaman ang bagay na iyon? “Karaniwan ba na naglalakad ka ng dalawang kilometro pauwi dahil wala kang pamasahe?” dagdag pa ni Venus. “Karaniwan ba na natutulog ka sa silid-aklatan dahil pinapatay na ng may-ari ang kuryente kapag hindi ka nakabayad?” Tumayo si Jaira. “Tama na po! Paano niyo nalaman ang lahat ng ito? Tagasunod po ba kayo?” Sa unang pagkakataon, bahagyang ngumiti si Venus isang ngiting mahina, halos hindi mahalata, ngunit totoo. “Oo.” Nanlumo si Jaira at naupo muli. “Bakit?” mahina niyang bulong. “Bakit niyo ako binabantayan?” Lumapit si Venus hanggang sa halos isang metro na lang ang layo nila. Amoy na amoy ni Jaira ang kanyang pabango menta at kahoy, kapareho pa rin ng kanyang alaala noon. “Dahil narinig ko ang sinabi mo noon,” sagot ni Venus. “Sinabi mo, ‘Sana may dumating na magliligtas sa akin.’ Narinig kita noong ikaw ay umiiyak sa likod ng paaralan noong ikatlong taon natin. Malakas ang ulan noon, basang-basa ka. Sinabi mo iyon nang mag-isa, akala mo ay walang nakakarinig.” Napaluha si Jaira habang naaalala ang araw na iyon. “Akala ko… akala ko mag-isa lang ako noon,” sabi niya habang tumutulo ang luha. “Hindi ka nag-iisa,” sagot ni Venus. Inilapag niya ang kahon ng tisyu sa mesa sa harap ni Jaira. “Simula noong araw na iyon, hindi ka na muling nag-iisa.” Pinunasan ni Jaira ang luha. “Walong taon… walong taon niyo akong binabantayan?” Tumango si Venus. “Mula Zambales hanggang Maynila. Mula sa munting inuupahan hanggang sa dormitoryo. Mula sa pagtuturo, pagtatrabaho sa kapihan, hanggang sa araw ng iyong pagtatapos. Araw-araw.” “Ngunit bakit hindi kayo lumapit?” tanong ni Jaira nang may halong hinanakit. “Kung totoo ito, bakit hinayaan ninyo akong maghirap nang mag-isa?” Sumandal si Venus sa mesa. “Dahil kilala kita. Alam kong hindi mo matatanggap ang tulong na may halong awa. Mas gugustuhin mong magtiis kaysa tumanggap ng hindi mo pinaghirapan.” Tama siya. Napakatama ng kanyang sinabi. “Ngunit ngayon,” dugtong pa ni Venus. “Tapos na ang panahon ng iyong paghihirap. Narito ka na sa akin.” Sa akin. Tumibok nang malakas ang puso ni Jaira. “Ano pong ibig ninyong sabihin?” Kinuha ni Venus ang isang bagong folder. Itinulak papunta kay Jaira. “Open it.” Binuksan ni Jaira. Contract. Position: Executive Assistant to the CEO Salary: 200,000 pesos per month Benefits: Condo unit, car, full medical Binuksan niya ito. Ito ay isang opisyal na kasunduan. Binasa niya ang nakasulat: Nalaglag ang folder. “Po?! Hindi po ako nag-apply dito! Financial analyst po ako!” “I know,” sabi ni Venus. “I moved you. I want you here. With me.” Natahimik si Jaira. With me. “Bakit?” tanong niya ulit. Mas mahina na ngayon. “Bakit ako? Maraming mas magaling sa akin. Mas maganda. Mas...” “Because it’s always been you,” mabilis na putol ni Venus. Tumayo siya at lumakad papunta sa bintana. “Simula nung nakita kitang nadapa sa hallway nung first year high school. Simula nung inabot ko yung notebook mo. Simula nung… iniwan ko yung 500 sa desk mo.” Huminga siya nang malalim. “Walong taon, Jaira. Walong taon kitang hinintay. Hindi ako nagkagusto sa iba ni walang ibang pumasok sa isipan ko. Ikaw lang.” Napahawak si Jaira sa kanyang bibig. Walang ibang babae. Ikaw lang. “Ngayon ay nasa harapan na kita,” lumingon si Venus, diretso sa mga mata niya, wala na ang pader sa kanyang mga mata basag na. “Ang tanong… tatakas ka na naman ba? O haharapin mo na ang katotohanan?” Hindi nakasagot si Jaira. Sobrang dami. Sobrang bigat. Eight years. Lahat ng dasal niya nung gabi. Lahat ng what if. Nasa harap na niya. Tumayo siya. Nanginginig. “Hindi ko po alam… ang isasagot,” sabi niya. To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD