Alas-sais y media ng umaga. Nasa loob pa rin sila ng safehouse. Nakaupo si Jaira sa sofa habang mahigpit na nakayakap sa isang makapal na kumot. Hindi pa rin niya lubos na maunawaan ang lahat. Kanina lang ay nakatutok pa sa kanyang leeg ang isang matalim na kutsilyo; kanina lang ay akala niya iyon na ang katapusan niya. Biglang bumukas ang pinto. Pumasok si Venus. Agad na tumayo si Jaira nang makita siya, at hindi na nagsalita pa. Tumakbo siya palapit at niyakap ito nang mahigpit na parang ayaw na muling bumitaw pa. “Sabi ko naman sa’yo,” bulong ni Venus habang hinahagod ang kanyang buhok. “I’m coming home.” Lalo pang humigpit ang yakap ni Jaira. “Akala ko… akala ko hinding-hindi na kita makikita pa.” “Nandito na ako,” sagot ni Venus habang marahang hinahagod ang kanyang likod. “Li

