The photo

1338 Words
Sa madilim na opisina sa Makati, hawak pa rin ni Don Ricardo ang litrato ni Jaira. Kuha kanina sa lobby ng Mendoza & Co. Napangisi siya nang mahina, parang ahas na naghihintay ng tamang pagkakataon. “Walong taon mo itong itinago, Venus. Akala mo siguro ay hindi ko malalaman ang katotohanan?” Bahagya niyang tinapik ang litrato gamit ang dulo ng kanyang daliri. “Ngunit ngayong alam ko na… game over.” Binitawan niya ang litrato sa table. Kinuha ang phone. Nag-dial. “Simulan niyo na. Gusto ko malaman kung gaano katapang ang batang ‘yan. Pero huwag patayin. Gusto kong si Venus mismo ang makakita.” Binaba niya. Ngumisi ulit sa dilim. 6:00 AM. Unit 6101. Nagising si Jaira dahil sa sikat ng araw. Mainit sa mukha niya. Pagmulat niya, wala na si Venus sa tabi niya. Pero may naiwan. Sa side table. Isang tasa ng kape. Mainit pa. May maliit na note sa ilalim. “Uminom ka. Mahabang araw ‘to. "V” Hindi mapigilan ni Jaira ang mapangiti nang bahagya habang hinahawakan ang tasa. Ang inisyal lamang na “V” ay tila may ibang kahulugan para sa kanya parang senyales na unti-unti nang lumalalim ang samahan nila. Paglabas niya matapos nag prepare sa sarili, nandoon na si Marco sa sala. Nakaabang may dalang paper bag. “Good morning, Ma’am,” sabi ni Marco. “Breakfast po. Galing kay Sir. Sabi niya, itlog at hotdog daw ang lucky breakfast mo.” Nanlaki ang mata ni Jaira. Paano niya…?Naalala niya. Eight years. Alam ni Venus lahat. Kinuha niya ang paper bag. Amoy pa lang, alam niyang galing sa favorite carinderia niya sa Sampaloc nung college. “Nasaan po si Sir?” tanong niya habang kumakain. “Nasa office na, Ma’am. 5 AM pa lang,” sagot ni Marco. “Sabi niya, 8 AM daw ang start mo. Pero 7:30 dapat nasa baba ka na ako maghahatid.” Tumango si Jaira. Habang kumakain, tinitingnan niya ang city sa bintana. Hindi na ako mag-isa.Paulit-ulit ‘yun sa isip niya. 7:30 AM. Bumaba sila ni Marco. Paglabas ng elevator sa lobby, nandoon na ang black na kotse. May driver. Pagpasok ni Jaira, nakita niya si Venus sa loob. Naka-suit na. May hawak na tablet. Hindi tumitingin sa kanya. “Good morning po,” sabi ni Jaira. Umupo sa tabi niya. Hindi masyadong dikit. Tumango lang si Venus. “Kumain ka?” “Opo. Salamat po sa” Don’t thank me,” putol nito nang mabilis. Tumingin sandali sa kanya bago ibalik ang tingin sa labas ng bintana. “Bahagi ito ng aking tungkulin.” Ang salitang “tungkulin” ay parang tumusok sa puso ni Jaira. Akala niya ay may higit pa rito, ngunit tila tungkulin lamang pala ang lahat.“ Tahimik ang buong byahe. Pagdating sa Mendoza & Co., diretso sila sa private elevator. Paglabas, sinalubong sila ng isang babae matangkad, maganda, naka-red dress. “Venus, darling! I missed you,”sabi ng babae. Yayakapin na sana si Venus. Huminto si Venus. “Ms. Lim. Anong ginagawa mo dito?” Malamig ang boses. Ngumiti si Ms. Lim. “I brought the contract for the Singapore deal. And… I thought we could have breakfast. Just like old times.” Tumingin siya kay Jaira. Tumaas ang kilay. “And who’s this?” Napakapit si Jaira sa bag niya. Old times? “She’s my new Executive Assistant,” sabi ni Venus. Walang emotion. “Jaira Soryano. Jaira, si Ms. Celeste Lim. Business partner.” Business partner. Pero yung “darling” kanina? Yung “old times”? “Hi,” sabi ni Jaira. Pilit ngumiti. Ngumiti pabalik si Celeste. Pero hindi abot sa mata. “Assistant. I see. How… convenient.” Lumapit siya kay Venus. Binulungan. Pero narinig ni Jaira. “She’s pretty. Pero alam mo naman, Venus. Delikado ang ma-in love sa empleyado.” Nanigas si Venus. “Watch your words, Celeste.” Tumawa si Celeste. “Relax. I’m just saying. Umalis na siya kumindat pa kay Venus. Pagkaalis ni Celeste, tahimik. “Si Ms. Lim…” mahinang simula ni Jaira kahit hindi niya alam kung bakit niya ito tinatanong. “Girlfriend mo po ba siya dati?” Huminto si Venus sa paglalakad. Lumingon. “Hindi.” Isang salita lang. “Never.” “Pero sabi niya” “She’s lying,” putol ni Venus. Lumapit siya kay Jaira. “Wala akong ibang mahal ikaw lang for eight years.” Natulala si Jaira. Ikaw lang. Ngunit bakit hinahayaan mo siyang tawagin ka ng ganoon?” tanong ni Jaira nang hindi mapigilan. Sa kauna-unahang pagkakataon ay nakaramdam siya ng kakaibang hapdi sa kalooban. Bahagyang natigilan si Venus, at sa unang pagkakataon ay nakita ni Jaira ang pagguhit ng ngiti sa kanyang mga labi maliit ngunit totoo. “Nagseselos ka ba?” Namula si Jaira. “H-Hindi! Gusto ko lang malaman kung.” Yes!!! sabi ni Venus lumapit pa lalo. Ngayon, isang dangkal na lang. “Nagseselos ka. And I like it.” Lalong namula si Jaira. Hindi totoo! “Your face is red,” bulong ni Venus. Tapos umatras na siya. Bumalik ang cold na mukha. “Pumasok ka na. Marami tayong trabaho.” Pumasok sila sa office. 10:00 AM. Meeting with Celeste Lim. Nakaupo si Jaira sa tabi ni Venus nagsusulat. Si Celeste, nasa harap. Panay ang tingin kay Venus. Panay ang kindat. Panay ang “darling”. Gigil na gigil si Jaira. Gusto niyang ibato ang ballpen. “Venus, darling, what do you think about the clause?” tanong ni Celeste. Hindi sumasagot si Venus. Nakatingin lang sa papers. “Venus?” ulit ni Celeste. Lumapit. Hinawakan ang braso ni Venus. Biglang tumayo si Venus. “Don’t touch me,” sabi niya. Malamig. Galit. “And don’t call me ‘darling’. Hindi tayo close.” Natigilan si Celeste. “Pero Venus, nung nasa Singapore tayo” “Business,” putol ni Venus. “Puro business walang iba kung may iniisip ka, kalimutan mo na. "I’m not available.” Tumingin siya kay Jaira. Saglit lang. Pero nakita ni Jaira. Ngumiti si Jaira. Hindi niya mapigilan. Nakita ‘yon ni Celeste. Naningkit ang mata niya. Tumingin kay Jaira. “I see. So siya na pala.” Tumayo siya. Kinuha ang bag. “Fine. I’ll send the revised contract. Good luck, Venus. Sana hindi mo pagsisihan ‘yan.” Umalis na. Pagkasara ng pinto, natahimik. Tumingin si Jaira kay Venus. “I’m not available,” ulit niya. Kinikilig. “Talaga po?” Umupo si Venus. “Oo. Bakit? May problema ka?” Umiling si Jaira. “Wala po. Wala talaga.” Ngumiti siya nang malaki. First time. Nakita ‘yon ni Venus. Natigilan siya. “Huwag kang ngumiti nang ganyan,” sabi niya bigla. “Bakit po?” “Kasi…” Huminga si Venus. “Kasi pag ngumiti ka nang ganyan, nakakalimutan ko na delikado ang buhay natin. Nakakalimutan ko na may mga taong gustong saktan ka para saktan ako.” Nawala ang ngiti ni Jaira. Naalala niya may kalaban. Katok. Pumasok si Marco. Namumutla. “Sir. May problema.” “Ano?” tanong ni Venus. Tumayo agad. “Yung parents ni Ma’am Jaira,” sabi ni Marco. Tumingin kay Jaira. Nag-aalangan. “Yung accident nila nung 2018. Hindi aksidente, Sir.” Nanigas si Jaira. “Anong ibig mong sabihin?” Tumingin si Marco kay Venus. Tumango si Venus. “Sabihin mo.” Pinatay po sila, Ma’am. Sinadya. At ang nag-utos…” Huminto siya. “Si Don Ricardo. Tiyuhin ni Sir Venus.” Nahulog ang hawak na ballpen ni Jaira sa sahig.Tumingin siya kay Venus na puno ng pagkalito at hapdi. “Totoo ba ito?” Hindi nakasagot si Venus. Kasi totoo. Alam niya. 8 years na niyang alam. Pero hindi niya sinabi. Sa labas ng building, nakaparada ang itim na van. Sa loob, may lalaki na may binoculars. Nakatingin s a 60th floor. Nakangisi. “Target acquired,” sabi niya sa radio. “Si Venus Mendoza at ang kahinaan niya. Parehong nasa iisang kwarto. Perfect.” To be continued...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD