CHAPTER 1: Armalite

1263 Words
THREE MONTHS AGO Andrei "Are you sure about this?" "Yes, Sir." Mr. Charlie Delavega, who is the son of the restaurant owner I worked for took a deep breath while holding my resignation letter. "A'right. If that's your decision, what else can I do?" "Thank you, Sir." "But I just want you to know that although there are a few complaints I hear from your co-worker about your behavior while at work, nanghihinayang pa rin ako for quitting your job. Because despite that, you still have a good performance when it comes to working. You are flexible and I have never heard a customer complain about you. You're still doing your job well and thank you for that." "Thank you, Sir pero buo na po ang desisyon ko." "A'right, just in case you change your mind you can always come back here." "Yes, Sir. Aalis na po ako," huling paalam ko kasabay ng aking pagtayo. There was only one reason why I got hired in that job as a waiter. Si Charisma Rhavalez lang naman. Ang ex-girlfriend ko na ngayon ay asawa na ng kapatid kong panganay na si Ghian Heinrich. Katatapos lang ng kanilang kasal last week and they are currently on a honeymoon on Maian Island. Kahit naman hinayaan ko na silang dalawa na gawin ang mga gusto nila bilang malaya, it doesn't mean that everything is okay at hindi na ako nasasaktan pa. Masakit pa rin para sa akin ang mga pangyayari. Sobra. Sa isang iglap lang ay nawala ng tuluyan sa akin ang babaeng ilang taon ko ring pinaglaanan ng aking panahon simula noong mahanap ko siya. Pero mahal ko rin ang kuya ko at alam kong si kuya lang din ang totoong nilalaman ng puso ni Charisma. Kailan man ay hindi ko naramdaman na minahal niya rin ako. Kailan man ay hindi ko pa nakitaan ng kakaibang kislap sa mga mata si Charisma sa tuwing nakatingin sa akin. 'Di kagaya ng sa tuwing tumititig siya kay kuya Ghian. Punong-puno ng buhay, punong-puno ng sigla at pagmamahal para sa aking kapatid. At hindi naman ako gano'n kasama para ikulong silang dalawa sa magkaibang selda. I let them go. She probably wasn't the right woman for me. So right now, I have to give up and leave my life behind when I was with her and go back to the organization na minahal ko na rin sa loob ng ilang taon kong pananatili doon. The Delta Organizations. Delta is the third organization founded by General Vincent Parker. It's a secret organization that helps the Government suppress all crime in our country. Not everyone in the Government knows about this. This is to protect the operations of the group from government officials who are leading the way in making illegal gambling in our country. And maybe this is my real life. To conquer all the evils in our world. Ang pumasok sa madilim at magulong mundo sa gitna ng mga tagasugpo at mga kriminal. Malayo sa katahimikang pinapangarap ng iilan dahil karamihan na ay nalululong na sa kasamaan. I temporarily left it for Charisma, for me to be with her every day and to have time to find her missing parents. Pero hindi ko akalain na ang magiging kapalit pala ng muling pagkikita namin ng kaniyang mga magulang ay ang pagkawala naman ni Charisma sa piling ko. Pero gano'n talaga siguro ang buhay. I just have to admit that she wasn't for me. And now that all of them have been well, I'm back to my old life. Actually, last month pa ako bumalik sa organization pero ngayon ko lang naisipang mag-resign. DELTA ORGANIZATION SAFEHOUSE "Is there anything we can do to help you?" seryosong tanong ni Skipper kay Angel at mababanaag sa boses nito ang pag-alala. Hindi lang siya kundi kaming lahat para sa mga kapatid ni Angel na sila Liam at Cedric na siyang namumuno naman sa dalawa pang Organization na itinayo ng kanilang Lolo na isang General. "They are no longer able to be treated by ordinary Doctors here in our country. They may need to be taken to our main laboratory," sagot ko naman habang nakatitig kay Angel na nananahimik sa sulok ng aming mahabang mesa. I know her as a brave woman. May paninindigan, walang inuurungan. But now, she was far from the woman we met before. Para bang sa isang iglap lang ay bigla na lang siyang nag-iba. We can't blame her dahil buhay ng kaniyang mga kapatid ang nakasalalay dito na kailan lang namin nadiskubre mula sa kaniya. Ang alam namin ay ulila na siya sa kanyang mga magulang at tanging ang kanyang lola na lang ang nakakasama niya sa buhay. But to our surprise, we found out that she was also Parker. One of the grandchildren of General Vincent Parker at kapatid naman nila Liam Travis Parker at Cedric Parker na ngayon ay nagbabanta na silang mawala sa mundong ito due to their illness we don't know the true cause or they may know but they are simply choosing to hide it from everyone. "Andrie is right. There's no other way but to get them out of the Philippines," pagsang-ayon naman ni Glecy sa aking sinabi. "Why do I have this feeling that your grandfather didn't take any action for this?!" sagot naman ni Silver na halatang mainit na ang ulo. Kung mainitin ang ulo ko ay mas mainit pa sa kumukulong sinaing ang sa kaniya. "Silver, relax," saway naman sa kaniya ni Empress na lately ay napapansin ko na parang medyo nabawasan ang kanyang pagiging bibo at masiyahin. "How can I f*****g relax kung ganito ang nangyayari sa mga kasamahan natin?!" Mas lalo pa siyang nanggalaiti sa galit. "Shut up, Silver. General is not here so calm down. We need to talk about it well and plan what we should do," mahinahon namang sabi ni Aegia. "Sige, bahala kayo!" Mabilis na tumayo si Silver at lumabas ng safehouse. "Sira-ulo talaga," singhal naman ni Aegia. "Let him. I'll just tell you all if I ever need your help. But right now, my two brothers are in the care of Mr. and Mrs. Parker so don't worry guys. I have to go," sagot ni Angel kasabay ng kanyang pagtayo at tangka ng lalabas ng safehouse. "Wait, what about--" I immediately grabbed Empress's arm to stop her from what she could say. Alam ko naman na ang tinutukoy niya ay ang operation namin mamayang gabi na mangyayari sa ilalim ng isla ng mga Montgomery. "I'm still with you all later," walang emosyong sagot ni Angel na mukhang nahinuha din ang gustong iparating ni Empress. "We can handle this, A," mahinahon kong sagot sa kaniya at ang gusto ko sana ay magtiwala siya sa amin. "No, sasama ako. Ako pa rin ang leader niyo kaya ako pa rin ang masusunod." Sa isang iglap ay biglang bumalik ang kaniyang katatagan at katapangan sa sarili. That's what I want to convey to her, ang maging matatag sa lahat ng hamon ng buhay and I want her to do it for herself. "Is that clear?!" malakas niyang tanong sa aming lahat. "Yes, A!!" Sumaludo kaming lahat sa kaniya at siya rin sa amin bago niya kami tuluyang tinalikuran. Isa siya sa mga babaeng hinahangaan ko dahil sa angkin niyang katapangan. Napakislot ako nang maramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko na nasa aking bulsa. Kaagad ko itong hinugot at napatitig sa pangalang nagpa-flash sa screen. Armalite calling... "Armalite? Nakakapag-cellphone na pala ang Armalite ngayon?" Bigla kong narinig ang boses ni Aegia mula sa aking likuran. What the f**k?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD