bc

His Sweetest Rebound (Tagalog-R18)

book_age18+
46.1K
FOLLOW
294.5K
READ
spy/agent
possessive
escape while being pregnant
independent
neighbor
sweet
bxg
office/work place
friends with benefits
addiction
like
intro-logo
Blurb

DELTA - 3RD ORGANIZATION/AGENT SERIES #4

[SPG/MATURE CONTENT]

Andrei Dwight and Shantal Mia Humphrey originally came from the story of Ghian and Charisma, titled Shadow 1.

Minsan na nga lang umibig si Shantal Mia ngunit ginamit pa at ginawa lamang panakip-butas ni Andrei upang makalimot sa una nitong pag-ibig. Walang iba kundi sa bestfriend ni Mia na si Charisma.

Halos mawasak ang puso ni Mia nang sa isang gabi nilang pagniniig ay tanging pangalan ng bestfriend niya ang ibinibigkas ng lalaking minahal niya.

Kinabukasan ay pinili niyang iwan si Andrei at magpakalayo-layo. Ngunit hindi niya akalaing magbubunga ang isang gabi nilang pagtatalik.

Babalik ba siya upang ipaalam ang dinadala niya? O pipiliin na lamang niya itong itago at ilihim habambuhay.

chap-preview
Free preview
PROLOGUE: WARNING! RATED SPG!
Shantal Mia "Ugh, s**t! Kisma." Para akong binuhusan ng isang timbang tubig na punong-puno ng yelo sa narinig kong pangalang binigkas ni Andrei habang patuloy siya sa paglalabas-masok sa akin at pagsibasib sa aking leeg. Hindi ako nakagalaw at naglaho na lamang bigla ang kaligayahang nararamdaman ko sa mga sandaling ito. Nanghina ako ng sobra at parang sinaksak ng paulit-ulit ng isang napakatalim na sibat ang puso ko. Kusang tumulo ang mga luha ko sa gilid ng aking mga mata. Hindi ako makapaniwala. Hindi naman ito ang unang beses na may nangyari sa amin ngunit ito ang kauna-unahang beses na sinambit niya ang pangalan ng bestfriend ko, na dati niyang girlfriend. Heto na. Sinampal na ako ng katotohanang ginagamit niya lang talaga ako upang makalimutan niya si Kisma. Isa akong talakesang babae at hindi nauubusan ng salita, kahit pa anong pigil ang gawin ko sa sarili ko. Palagi ko siyang nasisigawan at inaaway ngunit ngayon ay hindi ko magawa. Naubusan na ako ng lakas at sa tingin ko ay ito na ang sandali ng pagsuko ko. Hindi ko na kaya. Simula't sapol ay alam ko naman ang totoo niyang hangarin sa akin, ang gamitin lang ako ngunit hindi ko pa rin napigilan ang sarili kong ibigin siya. Nanlupaypay siya sa ibabaw ko matapos niyang makaraos. "I love you," bulong niya na kauna-unahang beses kong narinig sa kanya. Muling pumatak ang mga luha ko at parang piniga ang puso ko dahil alam kong hindi para sa akin ang mga salitang iyon. Kundi para sa bestfriend ko. Hindi nagtagal ay nararamdaman ko na ang pagbigat niya at paglalim ng kanyang paghinga. Kumilos ako at pilit siyang itinulak paalis sa ibabaw ko. Umayos din naman siya nang pagkakahiga at muling nagpatuloy sa pagtulog niya. Bumangon ako at pinagmasdan siya. Ilang buwan ko na rin siyang nakakasama. Hinahatid-sundo niya ako sa trabaho. Ipinagluluto at nakakasama sa pagkain kahit na puno kami ng bangayan sa isa't isa. At dahil doon ay lumalim ang nararamdaman ko para sa kanya, na hindi ko akalaing mangyayari. Ngunit alam kong kabaligtaran iyon nang nararamdaman niya para sa akin. Isa lang akong panakip-butas niya. Bumangon ako at niligpit ang mga gamit ko. Isinilid ko ang lahat ng mga importante kong gamit sa isang bag. Dapat ay noon ko pa ito ginawa, ang lisanin siya dahil alam ko namang kahit ano ang gawin ko ay hinding-hindi niya ako matututunang mahalin. Kailangan ko nang lumayo mula sa kanya at kalimutan siya. Iyon lang ang nararapat kong gawin ngayon. Paglabas ko ng apartment ay sinalubong ako ng kadiliman. Magdadaling-araw na. Kailangan ko nang umalis bago pa siya magising. Ngunit hindi pa ako gaanong nakakalayo ay muli akong nakaramdam ng pagkahilo at nagsisimula na namang humilab ang sikmura ko. Nakakalanghap na ako ng tila mga nilulutong pagkain sa mga bahay na nadaraanan ko. Ilang araw ko na rin itong nararamdaman ngunit nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Hindi ko alam kung saan ako pupunta pero bahala na. Basta ang importante ay mawala na ako sa lugar na ito, lalong lalo na sa buhay niya.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
88.0K
bc

Playboy Billionaire's Desire (tagalog)

read
1.1M
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
67.7K
bc

The Father of my Child- (The Montreal's Bastard)

read
157.0K
bc

His Obsession

read
71.9K
bc

The Hot Professor (Allen Dela Fuente)

read
18.5K
bc

Pleasured By My Bestfriend's Brother

read
10.5K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook