Story By CAIL DELAVEGA
author-avatar

CAIL DELAVEGA

ABOUTquote
《ORGANIZATIONS SERIES》 ☆ALPHA AGENTS☆ 1. The General\'s Grandson (Cedric/Maezie) 2. Shadow 1 (Ghian/Charisma) 3. The Real Culprit (Rick Delavega/Cail Marcial) 4. Her Beauty in His Eyes (Geoffrey Fairford/Honey) 5. His Reckless Possession (Soon) 6. In Love with the Criminal (Soon) 7. His Sweetest Revenge (Soon) 8. Chasing my Rebound Fling 9. Behind those Sweet Words ☆BETHA AGENTS☆ 1. My Innocent Boyfriend - (Liam Parker/Nikay D.) 2. The General\'s Grandson - (Maezie/Cedric) 3. My Twin\'s Father(book 3) - Beauty/Devin 4. My Fiance\'s Brother(book 2) - Peejay/Lorena) ☆DELTA AGENTS☆ 1. The Dark Psycho Angel (Nick Delavega/Angel Parker) 2. The Daughter of Darkness (Skipper/Selenah) 3. Her Beauty In His Eyes (Geoffrey/Honey) 4. His Sweetest Rebound (Andrei/Mia) 5. Dangerous Impersonator (Soon) 6. Trapped by the Target Billionaire (Soon) 7. **** ☆FALLEN SERIES☆ 1. Falling for the Billionaire\'s Son (Dominic/Alliyah) 2. Fell In Love with a Beggar (Yanlee/Avriah) 3. Mister Arrogant (Mclaren/Hescikaye) 4. The Real Culprit (Rick/Cail) 5. Wildly And Desperately (Charlie/Lhevyrose) 6. A Husband\'s Tears (Reynard/Keithe) 7. Journey with my Daughter (Claude/Roxanne) 8. The Royal Mistress (Rhysdave/Reina) 9. Living with my Son (Adam/Sydney) **** ☆BASTARDO SERIES(DELAVEGA)☆ ♧My Twin\'s Father(David Delavega)♧ 1. My Girl Bestfriend (Dylan/Samantha) 2. The Billionaire\'s Affection (Darren/Rain) 3. Kidnapped by the Billionaire (Dexter/Diana) 4. Fighting for my Billionaire\'s Son(Darell/Sheila) 5. The Wife\'s Lie (Daemon/Mhina) 6. My Fiance\'s Brother (Denver/Lorna) 7. The Bastard Revenge 8. A Psychopath Obsession 9. 10. 11. 12. **** ☆FAIRFORD SERIES☆ 1. Geoffrey Fairford - Her Beauty In His Eyes 2. Gabriel Fairford - A Wife\'s Vengeance **** ☆2ND GENERATION☆ 1. Shadow 2 (Prince, Maian, Ian, Cj) 2. Carrying The Billionaire\'s Son (Charles/April) 3. The Wedding Betrayal (Chloe/Alwena) 4. My Master (Rhyan Olaf/Heaven Sia) 5. Journey with my Daughter(book2) Omer/Crystal 6. Journey with my Daughter(book3) Adam/Cassandra 7. Journey with my Daughter(book4) Clyde/Briella 8. Journey with my Daughter(book5) Chrisven/Joyce 9. Journey with my Daughter(book6) Cristoff/Sapp 10. The Royal Mistress (book2) Rage/Harlie 11. The Royal Mistress (book3) Cielo/Raina 12. The Royal Mistress (book4) Queenie NOTE: Follow my Facebook Account for updates and announcements: Fb: @Cail Delavega Fb page: @Cail Delavega Stories Fb group: Cail Delavega\'s Angels❤
bc
A Psychopath Obsession: Damien Delavega
Updated at Mar 28, 2024, 10:04
"Make sure she's at my house before eight o'clock tonight." Kaagad pinilas ni Mr. Delavega ang isang tseke at iniabot kay Joel. Nagising na lamang si Liezel De Guzman na pag-aari na ng isang Psychopath Billionaire na si Damien Delavega, matapos niyang ibenta ang sarili niya sa isang Robotics Engineer. Malaking halaga ang kinakailangan ni Liezel upang mapalaya niya ang tatay niyang nakulong sa salang pagpatay kahit wala namang sapat na ebidensiya ang mga kapulisan. Naniniwala siyang inosente ang kanyang ama. Ngunit dahil sa kawalan ng lakas at kayamanan ay hindi niya magawang ipaglaban ang kanyang ama. Kaya naman napilitan siyang ibenta ang sarili niya at magpanggap na isang robot doll na siyang kinahuhumalingan ng bilyonaryong si Damien Delavega.
like
bc
Carrying my Ninong's Child: Desmond Delavega
Updated at Mar 8, 2024, 01:04
"Bear my child..." Bigla na lamang akong napatulala habang nakatitig sa kanya. Ganun na lamang ang pagkalabog ng dibdib ko. "A-Ano po?" "That's my request to you ... Can you grant it? ... Bear my child..." "N-Ninong..." Matapos mamatay ng ama ni Lina ay kinuha siya ng kanyang Ninong Desmond at isinama sa Manila. Itinira siya nito sa bahay nito kung saan naroroon din ang asawa nitong si Gilda. Araw-araw siyang naririndi sa walang katapusang away ng Ninong niya at ng Tita Gilda niya. Anim na taon na silang kasal ngunit hindi pa rin nabibiyaan ng anak hanggang sa ngayon. Mapagbibigyan kaya ni Lina na dalhin niya sa sinapupunan niya ang hinihiling na sanggol ng nirerespeto at minamahal niyang Ninong? Pinalaki siya ng ama niyang may takot sa Diyos, ngunit sa kauna-unahang pagkakataon ay lalabag siya para sa ipinagbabawal na pag-ibig.
like
bc
Behind those Sweet Words(Alpha Agent Series #9)
Updated at Jan 3, 2024, 05:38
A side story of The Real Culprit. Nancy Hernandez is just a simple waitress in a famous and expensive restaurant owned by the Delavegas. No boyfriend since birth and have never experienced dating. Until one day, she received a letter from a stranger. Each letter is full of sweet words. Tumagal ito ng ilang buwan hanggang sa naisipan na niya itong sagutin. Maraming beses silang nagkapalitan ng liham. Noong una ay puro patamaan at bangayan, hanggang sa naglaon ay hindi namalayan ng dalaga na unti-unti na siyang nahuhulog sa hindi kilalang letter sender. But what if the time came for her to get to know the stranger and discover what he was hiding? Will she be able to accept him or hate him? Will love really prevail for the two of them?
like
bc
SHADOW 1: Ghian Heinrich
Updated at Dec 26, 2023, 19:01
ROMANCE/SPG! His captivating but mysterious eyes. The elegance of his body. The agility of his every move. His mesmerizing and masculine scent. His lingering caresses on my body. His intoxicating kisses are on my skin. I experienced all that from him amid the darkness. A mysterious being hides in a shadow to fulfill a promise from the past. Isang madilim na nakaraan na siyang nagpabago sa takbo ng buhay naming lahat. Pero anuman ang gawin niyang pagtatago, makikilala at makikilala pa rin siya ng puso ko. He's the only man I've ever loved in my entire life.
like
bc
The Bastard Revenge: Dave Delavega
Updated at Dec 3, 2023, 20:18
SPG/MATURE CONTENT! Matapos mamatay ng ina ni Danica Jane ay naiwan siya kasama ang bunso niyang kapatid sa poder ng stepfather niyang isang manggagantso at lulong sa bisyo. Pinalaki sila nitong isa ring manggagantso at nambibiktima ng mga tao para lang mapunan ang pang-araw-araw nilang pamumuhay. Isang gabi ay isang mayamang lalaki ang nakadakip sa kanila nang minsang magpanggap siyang patay sa kanilang barangay. Si Dave Vargas Delavega. Binigyan siya nito ng trabaho upang pasukin ang mundo ng mga billionaire. Ang trabaho ay akitin ang sarili nitong mga kapatid at ama para sa paghihiganti.
like
bc
Blocking the Wedding: Stanley Montgomery
Updated at Oct 9, 2023, 23:25
"Bago natin simulan ang pag-iisang dibdib nila Badong at Chezca---" "STOP THAT F****NG WEDDING!!" Halos mabingi ako sa napakalakas na boses na 'yon na bigla na lamang dumagundong sa buong simbahan na ito, kasabay nang tunog na tila ikinasang baril. Kaagad kaming napalingon sa aming likuran at doon ko nabungaran si Stanley Montgomery na ngayo'y nasa gitna ng red aisle at may hawak na baril habang nakatitig sa amin. "What the fuck? Stanley?" bulong ko sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang nandito siya ngayon at ... pipigilan niya ang kasal ko?! Ngunit ang panghihimasok niya sa araw ng kasal ko ay imahinasyon ko lang at pinapangarap na sana ay matupad, bago ako itali sa lalaking ipinagkasundo lamang sa akin.
like
bc
The Royal Mistress
Updated at Oct 8, 2023, 19:58
Fallen Series 7 Matapos ang nangyaring aksidente sa asawa ni Rhysdave Luther na si Reina Flores Luther ay bigla na lamang itong nagbago. Ang asawa niyang dating masinop sa bahay, maasikaso sa kanya at sa kanilang nag-iisang anak ay naging kabaligtaran matapos nitong magising mula sa dalawang linggong pagkaka-coma sa hospital. Ayon sa isang Doctor na sumuri sa kanyang asawa ay nagtamo ito ng matinding pinsala sa ulo nang ito ay mabagok. Maraming alaala ang nawala kay Reina. Lumipas ang tatlong taon ay nakaramdam ng kasawaan si Rhysdave sa makabagong ikinikilos ng kanyang asawa. Hinahanap-hanap niya ang dating Reina Flores Luther na punong-puno ng pagmamahal para sa kanya at sa kanilang anak. At isang araw ay natagpuan niya ang lahat ng ito sa isang babaeng bigla na lamang sumulpot sa kaniyang buhay. Si Queen Steford, isang Pinay Brand Ambassador na kauuwi lamang mula sa United States.
like
bc
Journey with My Daughter
Updated at Aug 26, 2023, 01:52
Matapos mamatay ng mga magulang ni Roxanne Robel mula sa sakit na Tuberculosis ay pinili niya, kasama ng kanyang anak na maglakbay mula Leyte hanggang siyudad ng Manila upang hanapin ang natitira pa nilang kamag-anak sakay ng bus na minana niya mula pa sa kanyang ama. Ngunit matapos gumitna ng anak niyang si Crystal na apat na taong gulang pa lamang sa isang kasal sa Laguna na nadaanan lamang nila ay hindi naisakatuparan ang nauna niyang plano nang bigla na lamang tumakbo palayo ang bride. Abot-langit ang galit sa kanila ng bilyonaryong si Claude Delavega sa nangyari at mapapatawad niya lamang ang mag-ina kung magagawa nilang ibalik sa kanya ang nawawala niyang bride.
like
bc
My Fiance's Brother: Denver Delavega
Updated at Aug 7, 2023, 09:38
Lumaki si Denver sa pambubugbog ng kanyang ama-amahan dahil sa natuklasan nitong iniputan ito ng kanyang ina sa ulo sa pangangabit sa kanyang tunay na ama. Gayunpaman ay minahal ng totoo ni Denver ang dalawa niyang kuya, na kapatid niya sa kanyang ina. Ngunit sa kasamaang palad ay parehong nagmahal ang mga kuya niya sa iisang babae. Nasaksihan mismo ni Denver kung paano tinuhog ng babaeng ito na nagngangalang Lorna ng sabay ang mga kuya niya, na nauwi sa kaguluhan hanggang sa magkapatayan. Matapos niyon ay naglaho na lamang na parang bula si Lorna. Dahil sa uhaw sa pagmamahal ng isang tunay na ama ay walang alinlangan siyang sumama dito nang siya ay kunin nito, sa edad na sixteen. Isa rin sa mga dahilan kung bakit sumama si Denver sa kanyang ama ay upang magkaroon siya ng sapat na halaga na mahanap si Lorna. Ngunit tadhana na ang kusang naglapit sa kanilang dalawa, nang umuwi ang kapatid niya sa ama na si Darell na kasama ang babaeng ito. At ang nakakagulat ay nang ibalita ng kuya niya na malapit na silang ikasal. Abot-langit ang galit ni Denver para kay Lorna at gagawin niya ang lahat upang mapagbayad ang babaeng ito sa mga ginawa sa mga kapatid niya. Ngunit sa huli ay hindi akalain ni Denver na isa rin siya sa mga mahuhulog sa dalaga.
like
bc
Fighting for my Billionaire's Son: Darell Gil Delavega
Updated at Apr 21, 2023, 02:49
[WARNING! SPG! MATURE CONTENT] Piniling ilihim ni Sheila sa nobyo niyang si Darell ang tungkol sa pagdadalan-tao niya nang mabalitaan niya mula dito na nakapasa ang application nito patungong Dubai. Alam niya kung gaano kataas ang pangarap ng nobyo niya para sa kanilang dalawa kaya minabuti niyang itago na lamang ang pagbubuntis niya upang hindi ito masira. Ngunit matapos nitong makaalis ay hindi na ito nagparamdam pa at tila bula itong bigla na lamang naglaho. Mag-isa niyang binuhay ang kanyang anak habang patuloy siyang naghihintay sa kanyang nobyo kahit wala nang kasiguraduhang babalikan pa sila nito. Ngunit makalipas ang tatlong taon ay bigla na lamang niya itong napanood sa isang news sa television. Ikinagulat niya ang bago nitong anyo, mula sa isang simpleng lalaki na ngayon ay mas tumingkad pa ang kaguwapuhan dahil sa suot nitong amerikana, mamahaling pantalon, sapatos at mga alahas sa katawan. At ang mas ikinawindang niya ay ang sinambit ng isang tv host na ito ay isang anak ng kilalang bilyonaryo sa bansa. Gano'n na lamang ang pagtulala niya at pag-aakalang tinraydor siya ng sarili niyang nobyo.
like
bc
The Dark Psycho Angel(TAGALOG)
Updated at Jan 19, 2023, 05:41
DELTA - 3RD ORGANIZATION/AGENTS SERIES 1 [WARNING! SPG! MATURE CONTENT!] They laid me down on a metal table. They tied my hands and feet. Some scientists are around me. Long jigs are now in their hands. Hindi mapangalanang sakit ang tumimo sa aking kaibuturan. Tilamsik ng aking mga dugong bumuhos sa aking katawan. I cried so hard. My vision became blurred. Isinusumpa ko ang lahat ng mga taong naririto. Isinusumpa ko ang ginawa nilang pagputol sa aking kanang kamay at kanang binti! Isinusumpa ko ang dahilan ng lahat ng ito! But everything suddenly changed. Dahil sa aking mga bakal na braso at binti, I have saved many people and one of them is the only person who made my heart beat fast. But will he accept someone like me? Siya na ba ang bubuo sa mga kakulangan sa aking pagkatao. Kahit ang ilang parte sa aking katawan ay isa ng.......ROBOT.
like
bc
My Twin's Father (David Delavega)
Updated at Jan 17, 2023, 06:27
[WARNING- MATURE CONTENT/SPG] What if after thirty-one years bigla kayong pinagtagpo ng lalaking kay tagal mo nang ibinaon sa limot? You are already 47 years old, while he is 48. First love, first romance, first man, first lady. Nag-iwan ng bunga ngunit hindi napanagutan. Lumipas ang napakahabang panahon, mahigit tatlong dekada bago kayo muling pinagtagpo. Pareho na kayong nasa edad ng pagtanda. Ngunit sa muling pagsasalubong ng landas, tila muling nabuhay ang mga pusong kay tagal natulog sa kadiliman. Sumariwang muli ang lahat ng alaala ng nakaraan at muling nagbabalik ang mga damdaming naputol ng mga desisyong dala ng kabataan.
like
bc
Kidnapped by the Billionaire: Dexter Delavega
Updated at Jan 17, 2023, 06:26
[WARNING-MATURE CONTENT] "Don't even try to get out of here...'cause that will never happen. You'll be imprisoned here for the rest of your life WITH ME. And there's nothing you can do about it!" Sa mismong araw ng kasal ni Diana Marie Cardenas, ang nag-iisang taong pinagkakatiwalaan niya sa buong buhay niya ay siya pa lang magiging villian na magpapadukot sa kanya. Ang bilyonaryong si Dexter Delavega na hindi lang kababata niya, kundi pinakamatalik pa niyang kaibigan. Saan hahantong ang lahat? Makakatakas pa kaya siya mula sa isang mala-palasyong kaharian ngunit isang impierno kung ituring niya.
like
bc
SHADOW 2(Heinrich Twins)
Updated at Nov 12, 2022, 18:41
Maian Rhavalez Heinrich and Cristine Joy Lanzar, dalawang babaeng naging biktima ng pang-aabuso at nabaon sa madilim na kahapon. Ngunit pilit ring hinahabol ng dalawang aninong hindi matahimik ang kunsensiya at pareho nilang puso na puno ng pagsisisi para sa dalawang babaeng kanilang minamahal. Hanggang kailan magdurusa ang bawat isa? Hanggang kailan sila malulugmok sa madilim na nakaraan at magtatago sa mga aninong 'di kayang maglantad ng tunay nilang katauhan.
like
bc
The Wife's Lie: Daemon Delavega
Updated at Oct 25, 2022, 23:57
Suntok sa buwan ang pangarap ni Mhina na mapansin siya ng ultimate crush niya noong college na si Daemon Delavega. Ngunit kailanman ay hindi siya nagawang pansinin ng binata. Ngunit matapos ang limang taon, sa muli nilang pagkikita ay hindi niya inakalang liligawan siya ng binata at kaagad inalok ng kasal. At dahil abot-langit naman ang pagmamahal niya para dito ay hindi siya nag-alinlangan na tanggapin ito kaagad. Nagpakasal sila at maaga siyang nabuntis. Ngunit sa pagsapit ng pitong buwan nilang pagsasama ay isang katotohanan ang bigla na lamang nagpagulantang sa kanya, kasabay niyon ay hindi niya inaasahang makukunan siya at mawawala ang panganay nilang anak. Naging pabaya siya sa sarili niya. Nawalan siya ng pakialam sa lahat ng bagay lalong-lalo na sa physical appearance niya. Hanggang sa hindi niya namamalayang lumalaki na pala siya at umabot na pala sa 250 lbs ang bigat niya. Dito niya mas napatunayan ang tunay na hangarin sa kaniya ng lalaking pinakasalan niya. Dahil lamang sa bata at sa mana. Isang idea ang pinili rin niyang itago mula sa asawa, ang alas na pinaka-kailangan nito.
like
bc
The Billionaire's Affection: Darren Delavega
Updated at May 31, 2022, 09:14
[SPG/MATURE CONTENT] Darren Delavega is one of the illegitimate children of billionaire Mister David Delavega. Like his father, Darren is a certified womanizer. Ang kaibahan nga lang, naniniguro siyang hindi mabubuntis ang mga ginagamit niyang babae upang hindi siya matulad sa kanyang ama na sangkatutak ang anak sa labas. Sa madaling salita, ayaw niyang magkaroon ng mga bastardong anak na katulad niya. Darren Delavega loves women who are beautiful and have perfect bodies. Ngunit isang araw, nang magtungo sila sa isang Isla upang bantayan ang nakatatanda nilang kapatid na si Dylan Delavega ay isang kakaibang babae ang kanyang nakilala. Babaeng may malaki at itim na itim na birthmark sa kalahati ng mukha na siyang nagpabawas sa angkin nitong panlabas na kagandahan. Ngunit sa hindi malamang dahilan ni Darren ay hindi niya ito magawang layuan o katakutan katulad ng karamihan. Nahulog siya sa taglay nitong tapang ngunit may busilak na kalooban.
like
bc
A Wife's Vengeance(Fairford Series #2)
Updated at May 13, 2022, 01:47
**Girl Power - Ang Paghihiganti ng Babaeng Sawi** Ang buong akala ni Hanna Rose ay langit na ang mararanasan niya sa piling ni Rodrigue Jr. matapos niyang magpakasal dito. Ngunit hindi niya akalaing dito pa lang pala magsisimula ang kalbaryo sa buhay niya. Sa unang gabi ng kanilang honeymoon ay dito niya nakilala ang tunay nitong pagkatao. Ang buong akala niya ay isang anghel sa langit na ibinaba sa lupa ang minahal niyang lalaki at pinakasalan. Ngunit kabaligtaran pala nito ang lahat dahil mas masahol pa pala ito sa isang hayop. Hayok sa makamundong pagnanasa mula sa iba't ibang kababaihan, kasalo ang sarili nitong ama na isang Alcalde Mayor sa kanilang lugar. At upang takasan ang sariling asawa, pinili niyang sirain ang sariling mukha upang hindi siya nito matagpuan. Ngunit dahil doon ay buhay naman ng mga magulang niya ang naging kapalit nang naging pagtatago niya. Isang makisig na binata naman ang makikilala niya at magiging sandalan niya, na hindi niya akalaing mauuwi sa pagkahulog, si Gabriel Fairford. Ngunit sa kasamaang palad ay natuklasan niyang bestfriend pala ito ng dati niyang asawa na hanggang ngayon ay hinahanap pa rin siya. Ang dating asawa o ang bagong pag-ibig? Paano makapaghihiganti ang babaeng sawi?
like
bc
His Sweetest Rebound (Tagalog-R18)
Updated at Mar 6, 2022, 23:00
DELTA - 3RD ORGANIZATION/AGENT SERIES #4 [SPG/MATURE CONTENT] Andrei Dwight and Shantal Mia Humphrey originally came from the story of Ghian and Charisma, titled Shadow 1. Minsan na nga lang umibig si Shantal Mia ngunit ginamit pa at ginawa lamang panakip-butas ni Andrei upang makalimot sa una nitong pag-ibig. Walang iba kundi sa bestfriend ni Mia na si Charisma. Halos mawasak ang puso ni Mia nang sa isang gabi nilang pagniniig ay tanging pangalan ng bestfriend niya ang ibinibigkas ng lalaking minahal niya. Kinabukasan ay pinili niyang iwan si Andrei at magpakalayo-layo. Ngunit hindi niya akalaing magbubunga ang isang gabi nilang pagtatalik. Babalik ba siya upang ipaalam ang dinadala niya? O pipiliin na lamang niya itong itago at ilihim habambuhay.
like
bc
The Wedding Betrayal (Tagalog-R18)
Updated at Feb 4, 2022, 02:07
Book 1 - Wildly and Desperately Book 2 - Carrying the Billionaire's Son [SPG/MATURE CONTENT] Nagsimula ang lahat noong maging kapareha ko sa kasal ang pangalawang anak ng bilyonaryong si Mister Charlie Delavega na si Chloe Delavega. Siya ang best man ng kapatid na panganay niyang si Charles at ako naman ang maid of honor ng bestfriend kong si April. Tampulan kaming dalawa ng tukso lalo na noong ako ang makasalo ng bouquet ni April at si Chloe naman ang nakasalo ng garter ng bride. Ayon sa mga matatanda noong una ay kung sino daw ang makasalo ng mga bagay na ito ay ang siyang susunod na ikakasal. Hindi lingid sa kaalaman ko na malaki ang pagkakagusto ni Chloe kay April. Nakita ko ang lungkot sa kanyang mga mata habang ikinakasal ang kapatid niya sa babaeng gusto niya at narito naman ako para maging sandalan niya. Inalok niya akong subukan naming dalawa, baka daw sakaling mag-work. Pumayag ako dahil gusto ko siya at baka ako ang maging dahilan upang makalimutan niya si April na ngayon ay hipag na niya. Noong una ay matamis, puno ng tawanan, biruan, asaran at lambingan. Ngunit sa pagdaan ng mga araw, linggo at buwan ay nag-uumpisa na rin siyang manlamig na isa sa pinakamalaking kinatatakutan ko. Dahil tuluyan nang lumalim ang pagtingin ko para sa kanya at alam kong mahihirapan na akong makaahon pa.
like
bc
A Husband's Tears (Tagalog-R18)
Updated at Dec 10, 2021, 23:56
FALLEN SERIES #6 [SPG/MATURE CONTENT] Si Reynard Mendoza ay isang CEO ng Richmond Land Corporation ng sarili nila mismong kumpanya. Ngunit nagawa niyang talikuran ang mataas niyang posisyon na ito para sa asawang si Keithe Villaroel at ibinaba niya ang kanyang sarili bilang waiter sa isa sa mga kilalang fastfood chains sa bansa. Ito ay upang magustuhan siya at mahalin din ng asawa. Katulad ng karamihan, si Reynard at Keithe ay kabilang sa arranged marriages para sa negosyo. Pabor ito para kay Reynard dahil mga bata pa lamang sila ni Keithe ay minamahal na niya ang dalaga ngunit hindi kay Keithe. Si Keithe ay mayroong ibang lalaking minamahal at ito ay si Jayvee na isang hamak na waiter lamang sa Manila. Sapilitan ang nangyaring kasalan dahil na rin sa pareho nilang mga magulang kaya naman hindi masisi ni Reynard ang asawa kung bakit tila impyerno ang naging pakikitungo nito sa kanya. At para tanggapin siya at mahalin din ng sariling asawa, kaya niyang kopyahin o gayahin ang katauhan ng ex boyfriend nito maging ito man ay isang malaking dagok para sa kanyang p*********i.
like
bc
Her Beauty In His Eyes (Tagalog-R18)
Updated at Oct 31, 2021, 02:46
ALPHA AND DELTA ORGANIZATIONS/AGENTS SERIES 3 [SPG/MATURE CONTENT] Si Geoffrey Fairford and Honey Sweet Go ay parehong agents na miyembro ng Alpha at Delta Organizations. Nagsimulang mahulog ang loob nila sa isa't isa noong maganap ang mabigat at matitinding trial nila sa Baguio kahit pa nga ba mayroon ng girlfriend si Geoffrey.  Maraming beses na nagawang iligtas ni Geoffrey ang buhay ni Honey nang maka-ilang ulit nalagay sa panganib ang buhay nito. Tinanaw naman itong malaking utang na loob sa kanya ng dalaga. Ngunit matapos niyon, isang trahedya ang naganap sa pagitan nilang tatlo kasama si Elise na girlfriend ni Geoffrey at bestfriend naman ni Honey. Namatay si Elise at nabulag naman si Geoffrey.  'Even if you kiss the ground, you can do nothing. Ang mawala ka na sa buhay ko ang kaisa-isang nais ko' Ilan lang 'yan sa mga salitang tumatak sa isipan ni Honey mula kay Geoffrey. Si Honey ang itinuturong dahilan at sinisisi ng binata dahil sa mga nangyari. At upang mabayaran niya ang ginawang pagliligtas nito noon sa kanya, maging ang pagkasawi ng girlfriend nito at pagkabulag ng binata ay hahayaan niyang ipasa dito ang sarili niyang mga mata, makamit lamang ang pagpapatawad nito.
like
bc
My Girl Bestfriend: Dylan Cole Delavega
Updated at Oct 29, 2021, 22:45
I'm Dylan Cole Delavega and she is Samantha Heisenberg, my girl best friend since we were kids.  She never left my side. Kung saan ako nakatira ay naroroon din siya. Halos asawa na nga ang turingan namin sa isa't isa kung alagaan namin ang bawat isa. But unexpectedly I fell in love with another woman, Alliyah Villiantez. I never heard anything from Sam. She supports me in everything. Dumating ang panahon na muli akong tinamaan ng malubhang sakit, leukemia. Dati na akong sumailalim sa operasyon sa kidney ngunit hindi ko man lang nakilala ang naging donor ko at ngayon ay nangangailangan na naman ako ng donor para sa bone marrow transplantation. I chose Alliyah to take care of me in the hospital even though Sam was always there for me. I was very happy because Alliyah promised me that once I recovered she would be my official girlfriend. I stayed in the hospital for almost a year. I had an anonymous donor again. According to doctors, it is sometimes possible to find a match from outside the family and this is called a matched unrelated donor. Naging successful ang aking operasyon ngunit matapos niyon ay hindi ko na nakita pa si Sam. Gusto ko siyang salubugin sana ng yakap at ibalita sa kanya na ako ay magaling na. Dumating ang araw na maaari na akong lumabas ng hospital.  But before that Alliyah said that there was a friend we needed to visit first who was in the next room with us. Nang sandaling nakapasok na kami sa loob ng silid, nakita ko ang kalagayan ng babaeng pasyenteng kasalukuyang nakahiga sa kama at puno ng apparatus ang buo niyang katawan. Bigla na lamang gumuho ang aking mundo nang makilala ko na ang babae at ang dahilan ng pagkaka-coma nito.
like
bc
Falling for the Billionaire's Son: Dominic Ace Delavega
Updated at Aug 31, 2021, 02:35
FALLEN SERIES #1 [SPG/MATURE CONTENT] Hindi akalain ni Alliyah Villiantez na ganito pala kasarap ang pakiramdam ng unang pag-ibig. Pakiramdam niya ay idinuduyan siya sa alapaap lalo na at isang prinsesa ang turing sa kanya ng lalaking hindi niya inakalang papansin at magmamahal sa kanya. Isang simpleng saleslady lamang si Alliyah Rein Villiantez sa isang Department Store at ang mapansin ng anak ng may-ari nito ay isang malaking regalo para sa kanya at isang makabagong karanasan lalo na at ito pa lamang ang kauna-unahang beses niyang umibig.
like
bc
My Master (Tagalog-R18+)
Updated at Jul 29, 2021, 20:58
FELL IN LOVE WITH A BEGGAR(BOOK 2) [SPG/Mature Content] Bata pa lamang si Rhyan Olaf Villiantez Mcfadden nang matuklasan ng kanyang ina ang kakaibang abilidad ng kanyang mga mata. Kaya nitong makita sa hinaharap ang trahedyang maaaring maganap sa isang tao na magiging sanhi ng pagkamatay nito. Ngunit mahigpit siyang binalaan ng kanyang ina na huwag na huwag makikialam sa tadhana ng isang tao dahil maaari niyang masira o magulo ang balanse ng mundo. Ngunit nang matuklasan niyang susunod na ang kapalaran ng babaeng lihim niyang minamahal ay hindi na niya kinaya pang manahimik lamang sa isang tabi lalo na at hindi pa sila nagkakaroon ng pagkakataong magkakilanlan nito at hindi pa niya naipababatid sa babaeng ito ang tunay niyang nararamdaman. Magagawa nga kaya niyang iligtas si Heaven Sia Collins mula sa mapait nitong kapalaran?Magkakaroon pa ba sila ng pagkakataong maging masaya? Paano kung isang buhay ang hingiin ng tadhana bilang kapalit ng kaligtasan ng babaeng kanyang minamahal...
like
bc
Carrying The Billionaire's Son (Tagalog-R18)
Updated at Jul 6, 2021, 05:13
Book 1 - Wildly and Desperately Book 3 - The Wedding Betrayal [SPG/MATURE CONTENT] Panganay si April sa dose nilang magkakapatid. Bata pa lamang sila ay namulat na sila sa kahirapan ng buhay at mas lalo itong pinalala noong bawian ng buhay ang kanilang ina mula sa panganganak sa pang-trese nilang kapatid. Maging ang bunso nilang kapatid ay binawian din ng buhay dahil sa kakulangan nito sa buwan. Naiwan sila sa pangangalaga ng kanilang amang lulong sa bisyo, alak, sugal at sigarilyo. Nahinto silang lahat sa pag-aaral dahil ang nais ng kanilang ama ay maghanapbuhay na lamang sila. Sa tuwing wala silang nai-uuwing pera ay latay sa katawan ang natatanggap nila mula sa kanilang sariling ama. Maging si April ay maraming beses na nitong sinubukang ibenta sa mga matatandang mayaman para lang magkapera at para may mai-lustay sa sugal. Ngunit maraming beses din itong sinuway ni April dahil hindi niya makayanang tumabi sa mga matatanda. Hanggang sa lumipat sila ng tirahan sa kabilang bayan upang pagtaguan ng kanilang ama ang isang nakatalo nito sa sugal. Dito ay nakilala ni April si Charles Delavega, ang mayamang binatang anak ng may-ari ng buong palengke at isa sa mga pinakamayayamang tao sa buong bansa. Nang madiskubre niyang naghahanap ito ng babaeng katulad ng kanilang ina na simple, mabait at hikahos sa buhay ay kaagad niyang sinunggaban ang pagkakataong ito. Ginawa niya ang lahat upang siya ang mapili ng binata, maging ang sarili nitong puri ay ibinigay niya para lang may dahilan siyang panagutan ng binata.
like
bc
The Real Culprit (Tagalog-R18)
Updated at Jun 28, 2021, 20:30
ALPHA - 1ST ORGANIZATION/AGENT SERIES 2 [WARNING! SPG! MATURE CONTENT!] Si Zhujhen Cail Torres Marcial ay bunsong anak ni Police Lieutenant Officer Clyde Marcial. Isang tahimik, simpleng babae, butihin at mapagmahal na anak. Tahimik na nag-aaral si Cail sa isang pampublikong paaralan sa Bulacan sa poder ng kanyang kuya. Hanggang sa isang araw ay dumating ang dalawang lalaking may iisang mukha at siyang nagpabago sa tahimik niyang buhay. Si Nick Jonas Delavega at Rick Jonas Delavega, mga bilyonaryong kambal na naninirahan sa siyudad ng Maynila. Ngunit ang lahat ng yaman na kanilang tinatamasa ang siyang naging mitsa ng panganib sa kanilang mga buhay. Isang biktima at isang traydor. Sino ang tunay na may sala? Sino ang tunay na isinisigaw ng puso?
like
bc
The General's Grandson(TAGALOG/SPGR18+)
Updated at May 29, 2021, 04:44
ALPHA & BETHA ORGANIZATIONS/AGENTS SERIES 1 [WARNING! SPG! MATURE CONTENT!] Cedric Jeong Parker, lumaking bihasa sa pakikipaglaban sa iba't ibang uri ng mga hayop sa kagubatan dahil ito ang siyang ipinamulat sa kanya ng kanyang sariling lolo na isang Heneral upang maging isang pinuno ng isang lihim na organisasyong pupuksa sa lahat ng krimen sa bansa. Iba't ibang uri ng kagat ng hayop sa kanyang katawan ang kanyang tinamo sa murang edad pa lamang. Iba't ibang klase ng pangil ng hayop ang bumaon sa kanyang laman bago maging isang perpektong mandirigma. Ngunit kung sa tingin ng iba ay isa siyang malakas at matapang na agent ng Alpha Organization na siyang pinamumunuan niya, sa puso at isipan niya ay nag-uumpisa na siyang manghina at mawasak. At ang tanging kinakapitan na lang ay ang nag-iisang babaeng nagbibigay ng lakas sa kanya upang patuloy na lumaban. Ngunit hanggang kailan? Hanggang kailan patuloy na lalaban ang pusong nagmamahal kung ang nagdadala nito ay unti-unti ng kinakain ng bagsik ng rabbies ng mga hayop sa kagubatan?
like
bc
Fell In Love with a Beggar(Tagalog-R18)
Updated at Apr 30, 2021, 03:24
FALLEN SERIES #2 [SPG/MATURE CONTENT] Yanlee Mcfadden, a 24 year old georgeous, handsome, hotter and one of the most sexier chief executive officer of Mcfadden Corporation. Binatang pihikan sa babae kahit na halos isubo na ng kababatang si Jessica ang sarili niya para dito ay hindi pa rin ito mapansin ng binata. Until one day, isang pulubi at palaboy na babae sa kalye ang kanyang natagpuan. Iniligtas niya ito mula sa rumaragasang truck ngunit imbes na magpasalamat ang babae sa kanya ay tila natakot pa ito at tumakbo papalayo. A few weeks later, it looked like destiny really meant for them to meet again. 'Di sinasadya ay nabundol ito ng dinadala niyang kotse habang tumatakbo ang pulubi sa gitna ng kalye. Marungis at nangangamoy na ito. Isinugod niya ito sa Hospital, matapos ay iniuwi sa kanyang condo, pinatira, binihisan at pinakain ngunit lingid ito sa kaalaman ng dalaga dahil sa hindi niya malamang dahilan ay malaki ang takot nito sa mga kalalakihan. Nangangatal, umiiyak at mas malimit kausapin ang sarili lalong-lalo na ang buwan. May mga bagay rin itong ginagawa na hindi namamalayan ng dalaga katulad ng pagtalon mula sa napakataas na gusali. Paano niya magagawang magpakita sa dalaga? Paano niya magagawang lapitan ito? At paano niya mapapaamo gayong sa tingin niya ay nakaranas ito ng pang-aabuso mula sa mga kalalakihan. At ngayon ay nararamdaman niyang unti-unti na siyang nahuhulog dito.
like
bc
My Innocent Boyfriend(TAGALOG SPG18+)
Updated at Apr 15, 2021, 08:23
BETHA- 2ND ORGANIZATION/AGENT SERIES 1(books 1 & 2) [WARNING! SPG! MATURE CONTENT] He is Liam Travis Grey Parker. An innocent man I made a puppet boyfriend to cover up my ego. Upang isangkalang sa sakit na idinulot sa akin ng ex-boyfriend kong si Howard Belmont who is also the boyfriend of the whole campus. Upang ipamukha sa kanya na hindi lang siya ang lalaki sa mundo! But I never thought that despite his innocent looks and innocence in everything, ay may itinatago pala siyang misteryosong katauhan. At kailanman ay hindi ko inasahang siya rin pala ang magdudulot sa akin ng walang hanggang sakit ng aking kalooban.
like
bc
Mister Arrogant (TAGALOG/SPG18+)
Updated at Mar 2, 2021, 16:11
FALLEN SERIES #3 [WARNING! SPG! MATURE CONTENT] PAANO ipaglalaban ni Hescikaye ang batang dinadala niya sa sinapupunan niya? Gayong ang bunsong kapatid niya mismo ang siyang kaagaw niya sa lalaking minamahal niya.
like
bc
Wildly and Desperately (TAGALOG/SPGR18+)
Updated at Jan 20, 2021, 22:11
FALLEN SERIES 5 Book 2 - Carrying the Billionaire's Son Book 3 - The Wedding Betrayal [SPG/MATURE CONTENT] Isang simpleng babae lamang si Lhevyrose Gonzales. Tindera ng mga sariwang gulay sa kanilang bayan sa probinsya ng Mindoro. Kuntento na sa buhay at hindi na naghahangad ng higit pa doon. Hanggang sa isang araw ay isang bakasyunistang binata na nagmula sa Maynila ang dumating sa kanilang bayan. Si Charlie, isang mayaman, makisig at napakagwapong nilalang na nagmula sa angkan ng mga Delavega. Kaagad siyang nahulog sa matatamis na ngiti nito at sa mga pambobola nito. Sinagip ni Charlie ang buhay niya mula sa mapagsamantalang tao. At bilang kapalit, kusa niyang ibinigay ang kanyang sarili sa binata ngunit pagkatapos ng lahat ay walang salitang iniwan siya nito dahil ang pinakaayaw sa lahat ni Charlie Delavega ay commitment. At ang hindi inaasahan ni Lhevyrose sa lahat ay nagbunga ang isang gabi nilang pagniniig. Maayos na sana niyang palalakihin ang kanyang sanggol sa simple nilang pamumuhay ngunit isang malubhang sakit ang dumapo dito at hindi makayanang tustusan ng pamilya niya ang pagpapagamot. Paano niya hahanapin ang lalaking ayaw magpahanap? Paano niya ipaaalam dito na nagbunga ang isang gabi nilang pagtatalik? Magagawa bang tanggapin ni Charlie ang bata gayong wala sa bukabolaryo nito ang salitang COMMITMENT.
like
bc
The Daughter of Darkness (TAGALOG-ROMANCE)
Updated at Dec 14, 2020, 21:16
DELTA - 3RD ORGANIZATION/AGENTS SERIES #2 Ang nais lang naman ni Selenah ay mapansin siya ng ultimate crush niyang walang iba kundi si Skipper Steinfield. Isang gwapo, makisig, masipag, matapang, matalino at mayamang binata. Lahat na yata ng katangiang hinahanap niya sa isang lalaki ay nasa kanya na. At hindi lingid sa binata ang malaki niyang pagkakagusto para dito. Ngunit matapos ang lahat ng pagpapakatanga na ginawa niya para mapansin lang siya nito ay kusa na rin siyang sumuko. To the point na kahit maging ang buhay niya ay muntik ng maganib ngunit hindi pa rin siya nito pinag-ukulan ng kahit kaunting pansin. Matapos ang pitong taong paninirahan niya sa America upang makalimutan ang binata ay muli siyang nagbalik ng Pilipinas para lang salubungin ng driver at bodyguard niyang walang iba kundi ang binata. Si Skipper Stienfield. Ano nga ba ang dahilan ng dating matalino, mayaman, at may adhikaing maging tagapaglingkod ng bansa na si Skipper Steinfield ay bumagsak bilang isang bodyguard ni Selenah Montgomery na ngayon ay isa ng modelo at mayroon ng ibang kasintahan.
like