EnjoyReading:) NAKABUSANGOT NA naglalakad si Maika at tatay tatayan niya kasama si Gab. Naiiyak siya dahil galit na galit si Nicxon at gusto talaga siyang paalisin sa university pero binigyan siya ng chance ng president na tatay ni Gab. Humarap siya kay Gab at niyakap ito ng mahigpit. "Thank you, Gab." Mahina niyang sabi. Sobrang laki ng pasasalamat niya dito at hindi siya napaalis sa university dahil sa kagagawan nito. "Para sayo. Gusto ko lang naman makabawi sa lahat lahat ng kasalanan ko." Mahinang sabi ni Gab sa kanya kaya napangiti siya at mas hinigpitan ang yakap dito. Nagulat nalang siya ng may magsalita sa gilid nila. Si Nicxon ito at hindi maipinta ang muka nito. "Pasalamat ka kasi may kapit ka." Mahinang sabi ni Nicxon kaya napayuko siya. Napatingin nalang siya sa tatay ta

