EnjoyReading:) NAMAMAGA ANG mga mata ni Maika ng pumasok siya kinabukasan. Hindi niya alam kung anong nagudyok sa kanya para pumasok pa kahit tila bugbog ang mga mata niya dahil sa pamamaga. Ayaw na gusto niyang makita si Nicxon. Hindi niya alam kung bakit. Gusto niyang makausap ito at saktan, kumprontahin sa picture na sinend nito sa kanya. Badtrip siya at gusto niyang ilabas ang galit na namuo at patuloy na namumuo sa loob niya. Galit kay Nicxon, galit kay Kath at galit sa babae sa picture kung saan kahalikan ni Nicxon kagabi. Litong lito na si Maika. Dahil halatang may galit ang kuya niya kay Nicxon at si Nicxon naman ay patuloy na inaasar ang kuya niya. Inis na inis na siya dahil pakiramdam niya ay pinagkakaisahan siya ng kuya at nobyo niya. "Anong nangyari sa mga mata mo? Tsaka, f

