NIKKI POV
"Ash, Nath hindi pa ba kayo tapos?" Pasigaw kong sabi sa kanila.
Halos thirty minutes lang ang ginugol ko sa pagbibihis pero itong dalawa kong kapatid almost one hour na hindi pa rin tapos.
It's our first day in College. Kanina pa ako naghihintay sa kanila sa sala, hindi ko alam kung bakit ang tatagal nilang magbihis. Akala mo a-attend ng party, samantalang papasok lang naman kami sa school. After ilang minutes nang paghihintay ko bumaba na rin sila. Hindi na ako nagtaka kung bakit sila nagtagal dahil kitang-kita naman sa itsura nila pagbaba sa sala. Ashley wear something revealing, a plitted skirt na hanggang kalahati ng hita ang iksi na konting yuko lang kita na ang tinatago. While Natalie naman dress na hapit sa katawan na hanggang kalahati rin ng hita ang haba. Napapailing na lang ako dahil hindi ko alam kung papasok ba sila sa paaralan o magha-hang out lang.
"My gosh! Ano ba yang mga suot niyo? Papasok tayo sa school hindi mag ba-bar o a-attend ng party," hysterical kong sambit sa aking mga kapatid.
"Bakit ano ba'ng mali sa suot namin?" Ashley replied.
"So revealing kaya ng mga suot n'yo. Hindi ba kayo tumingin sa salamin kung magandang tingnan? " I said, rolling my eyes to them.
"Dah! College na tayo, so okay lang na magsuot ng ganito. Hindi na tayo high school 'no! Ang tagal ko kayang hinintay na magsuot ng ganito. Nakakarindi rin magsuot lagi ng uniform," aniya ni Nathalie na pinaarte pa ang boses.
"Kaya nga, and thanks to Dad and Mom kasi pinasok tayo sa school na allowed kahit hindi nakauniporme, " sabat naman ni Ashley.
"T'saka ikaw Nikki, why are you always wearing jeans and t-shirt? Samantalang marami ka naman damit na tulad sa'min ni Ashley. Hindi ka ba nagsasawa sa ganyang outfit?" Nathalie asked her.
"Hindi," seryoso kong sagot "It's my fashion. Isusuot ko kung ano'ng gusto kong isuot," Sabi ko sa kanilang dalawa sabay irap sa mga ito. "Bakit ano ba ang mali sa suot ko? I like what Im wearing right now." Aniya ko sa aking sarili.
"Ok fine sabi mo eh," sabay pang sabi ng dalawa.
After a short ride, nakarating din kami sa school. Pagbaba pa lang namin sa kotse maraming matang nakatitig na agad ang bumungad sa aming tatlo. Mga estudyanteng kita ang karangyaan sa buhay. Bihira lang ang nakangiti sa'min, halos lahat nakataas ang kilay. And knowing my sisters, hindi papatalo pagdating sa katarayan.
Nakita kong umirap si Ashley at nakataas din ang kilay ni Nathalie habang naglalakad. Samantalang ako wala lang, taas noo lang at nakisabay sa paglalakad ng dalawa kong kapatid. Wala naman akong pakialam kung taasan nila kami ng kilay, "baka sa katataas nila ng kilay sa amin hindi na bumaba at manatiling nakataas na lang," sabi ko sa aking sarili habang nakangiti.
Habang naglalakad kami nakasalubong namin si Sofia and Candy, as usual pareho kami ng school. Mayayaman din naman kasi sila kaya afford nila ang mag-aral sa mamahaling skwelahan tulad nitong Summerville University.
Architecture course ang kinuha ko. Si Natalie medicine, at bussiness-ad naman kay Ashley.
Thirty minutes pa naman before the first class kaya nagkayayaan muna kami sa canteen dahil hindi naman kami nagbreakfast sa bahay dahil excited pumasok. Papasok pa lang kami sa canteen ng mapansing ko ang isang familiar na bulto. Habang papalapit kami sa mesa ng tatlong lalaki lumalakas ang kabog ng aking dibdib. Ewan ko ba parang gusto kong tumalikod lalo nang magsalubong ang tingin namin ni Zach. Tama kayo, si Zach nga ang nakikita ko ngayon. How come na dito rin s'ya pumapasok? Is it coincidence or sinadya niya na dito rin mag-aral kasi alam nyang dito rin kami papasok? Sinaway ko ang aking sarili kasi masyado na naman akong nag-a-assume na sinusundan nga ako ni Zach. Napakurap ako sa isiping 'yon.
Naghahanap pa lang kami ng mauupuan nang magsalita si Candy.
"Hey couz," malakas na sabi ni Candy na nagpalingon sa ibang estudyante sa canteen. Napatakip tuloy s'ya sa kanyang bibig. "Dito ka rin pala nag-transfer ng school?" Sabi ni Candy kay Zach.
Napatingin ako sa gawi nila, "Hindi pala niya alam na dito kami mag-aaral, coinscidence lang pala ang pagkikita namin ulit." Sabi ko sa aking sarili.
"Yes, and kasama ko ang dalawang ugok. Lumipat na rin sila ng school," Dinig kong sabi ni Zach na ang tinutukoy ay si Gab and Drew.
"Syempre di' ba nga ang motto natin, kung nasaan ang tae nandun din ang bangaw. Kaya andito kami ngayon nakasunod sa tae," Gab said na ang laki ng ngiti. Tawa naman sila nang tawa sa sinabi ni Gab kabilang na ang mga kapatid ko. Pero ako heto at seryoso lang.
"Hoy! motto n'yo lang iyon 'wag n'yo akong idamay," Zach said while smiling.
"Guys may nahanap na ba kayong mauupuan?" maya-maya tanong ni Drew.
"Wala pa nga eh," sagot naman ni Candy.
"You can join us here. May bakante pa naman," sabi naman ni Zach.
Napalingon ako bigla sa pag-offer ni Zach sa'min. Nakaupo silang tatlo sa pahabang upuan na may kabilaan. Siguro kasya ang lima sa bawat upuan. Magkatabi si Gab and Drew ,habang nasa harap nila si Zach.
"Yeah sure," Sabay pang sabi ni Nath and Ash na ikinalingon ko sa mga ito.Wala na akong nagawa nang umupo na silang lahat. Magkatabi sina Gab, Drew, Sofia and Nath. Habang sa kabila naman sina Ashley, Candy at Zach. Ako na lang ang hindi pa nakakaupo. Uupo na sana ako sa tabi ni Nath, pero tinulak ako sa tabi ni Zach.
"Niks, tabi ka na lang kay Zach. Apat na kami dito pangit naman tingnan kung lima tayo tapos tatlo sila sa harap natin. Para fair diyan kana tumabi kay Zach, di' ba Zach?" Nathalie said.
"Yes of course, malaki pa naman ang space rito kasya pa ang tatlong tao," Zach said smiling at me.
Wala na akong nagawa kung 'di umupo sa tabi ni Zach kahit labag sa loob ko.
Magana na silang kumakain samantalang ako halos hindi nagagalaw ang pagkain sa pinggan ko.
Naiilang kasi ako lalo na't katabi ko si Zach. Ewan ko ba, iba ang pakiramdam ko 'pag nasa malapit s'ya. Pakiramdam ko hindi ko malunok nang maayos ang pagkain ko.
Susubo na sana ako nang maramdaman kong ginagalaw ni Zach ang binti ko gamit ang binti rin n'ya. Naiwan sa ere ang kutsara at mabilis akong lumingon sa gawi n'ya. At ang loko ngiting aso sa'kin. Inirapan ko s'ya at sa inis ko sunod-sunod ang ginawa kong pagsubo. Bigla akong nabilaukan and to the rescue naman s'ya. Inabot agad sa'kin ni Zach ang tubig at mabilis ko itong tinungga dahil parang hindi na ako makahinga.
"Are you ok?" Zach asked her.
I just nodded. "Huwag kang masyadong matakaw kasi, hindi ka naman mauubusan," Sabi ni Nathalie na ngiting-ngiti. Inirapan ko na lang s'ya at pinagpatuloy ang pagkain.
Pagkatapos namin kumain napagpasyahan namin pumunta sa kanya-kanyang room. Sina Zach at Nathalie ay parehong Medicine course. Sina Candy, Ashley at Gab ay bussiness administration naman kaya pare-pareho lang sila ng way papuntang room nila.
Samantalang si Sofia lawyer, si Drew Engineering at ako Architecture. Halos Magkatabi lang kami ni Drew ng room kaya sabay na rin kaming naglakad.
Bago kami pumasok dito sa school. Nalaman na namin kung anong floor ang room namin kaya hindi na kami nahirapan maghanap. Pagpasok ko pa lang sa pintuan nakataas na ang kilay ng ilang mga estudyanteng babae sa'kin. Hindi ko alam kung naiingit lang ba sila sa ganda ko or nababaduyan sila sa suot ko. Ako lang kasi ang bukod tanging naka-fitted jeans at loose shirt.'Yung iba halos luwa na ang dibdib sa suot.'Yung iba paiksian ng skirt. Meron nga naka-jeans pero ang lalaki rin ng butas sa hita, nakalabas na ang bulsa na konting lakad lang makikita na ang panty.
Naglalakad na ako papunta sa isang bakanteng upuan nang bigla akong mapatid. Buti na lang naka-hawak ako sa dulo ng upuan kung hindi subsob ang maganda kong mukha. Lumingon ako sa likod ko. Paglingon ko 'yung babaeng nasa harapan kanina na luwa ang dibdib at may makapal na make up ang nabungaran ko. Nakataas pa rin ang kilay n'ya sa'kin. Siguro ito ang pumatid sa'kin? Biglang umakyat ang dugo sa utak ko pagkaalala ko sa muntikan kong pagkasubsob. Humarap ako sa kanya nang nakataas din ang kilay. Akala siguro n'ya masisindak n'ya ako sa pag taas n'ya ng kilay. 'Not me, not Nikki Fuentebella." aniya ko saking sarili.
Bigla naman sumigaw ng "whoa!" ang ilang studyante kabilang na ang mga lalaki.
"Aba't matapang ka ah," sabi ni clown. Pano ba naman kasi nagmukha na siyang clown sa kapal ng make up n'ya. Nag mukha lang siyang maganda sa make up n'ya. "Baka 'pag wala siyang make up mas maganda pa si Nanay Jerr sa kanya," sa isip isip ko. Hindi ko namalayan na napapangiti na pala ako sa aking sinasabi.
"And why are you smiling? Pagtataray n'ya sakin. "May nakakatawa ba?" aniya pa nito.
"Nakakatawa kasi ang pagmumukha mo," sabi ko na hindi na napigilan ang inis. First day of school makakatagpo ako ng ganito. "Hays! nakakawalang gana naman itong araw ko," bulong ko sa aking sarili.
"Your f*****g idiot," sabi n'ya sabay hablot sa buhok ko. Pero hindi umabot ang kamay n'ya sa buhok ko dahil na hawakan ko ito.
"Dont you dare touch my hair kung ayaw mong ikaw ang kalbohin ko," seryosong sabi ko. Akmang lalapit ang dalawang alipores n'ya nang magsalita ako.
"Kayong dalawa, subukan niyong lumapit at ilalampaso ko kayo kasama itong mukhang clown niyong amo," Pagkasabi kong 'yon tinulak ko si clown at kamuntikan pang matumba kung hindi lang nasalo ng dalawang alipores n'ya.
Tatalikod na sana ako sa kanya nang bigla siyang magsalita. Nagtitili na ito na parang tanga.
"I am Claire Montes, hindi mo kilala ang kinakalaban mo. May araw ka rin sa'kin babae ka," dagdag pa niya. Hindi ako nasindak lalo na't hindi rin n'ya ako kilala. "Siguro kailangan ko rin magpakilala," sabi ko sa isip ko.
Lumapit ako sa kanya. "You dont know me either. By the way let me introduce myself, Im Nikki Fuentebella, hindi mo rin kilala kung sino ang binangga mo." sabay ngisi ko sa kanya at tumalikod na. Narinig ko pa ang sigaw niyang "aaahhhh" na galit na galit.
Natatawa na lang akong umupo. Bakit sino ba s'ya para katakutan? Nakailang encounter na nga ako sa highschool ng mga bully na matatapang pero pag pinatulan takot naman. Ngayon pa kaya sa college, no way! Hindi pwedeng madapuan ng marurumi nilang kamay ang katawan ko. Hindi kami pinalaki para apihin lang, para saan pa at naging fuentebella kami. Fuentebella is powerful, kilalang kilala ang parents namin at hindi kami papatalo dahil lang sa mga walang kwentang tao.
Maya-maya pumasok na ang prof namin. Kilala daw si Si Mrs. Castro sa pagiging terror. Masyado raw itong strict at gusto n'ya lahat naka-focus sa ginagawa. And as a first year student, hindi pa madali para sa'kin ito. Medyo nangangapa pa ako although hilig ko naman mag-drawing and mag-sketch 'nung high school. Pero magkaibang-magkaiba ang high school at College. Kailangan pag aralan one by one ang bawat sketch na gagawin mo. At dahil first year pa lang ako, more on manual drawing pa lang. Under that manual drawing meron technical and free hand, at dun sa technical drawing gumagamit kami ng tsquare, ruler, etc. At ang pinag-aaralan namin ngayon is about graphic. Ang una namin ginawa ay sumulat kami ng numbers and alphabet, at ang bawat numbers at alphabet ay may sukat at bilang kung paano mo isulat ang letters. Kung ilan ang nagawa mo iyun ang magiging score mo. Akala ko 'nung una basic lang pero nahirapan pa rin ako. Ako kasi 'pag nag-drawing, drawing lang talaga although magaling naman ako sa drawing and sketch. I've got ten score out of fifteen at para sa kin malaking improvement 'yun. Binilugan pa ng prof namin ang ilan sa mga mali ko.
Masayang-masaya pa ako paglabas ko ng room nakalimutan ko ang stress kaninang umaga dahil kay clown at sa canteen dahil kay Zach.
"Ouch! Ano ba hindi mo ba tintingnan ang dinadaanan mo?" Sabi sa'kin ng babaeng blondy na naka-sexy na damit.
"Nakikita mo ba kung anong ginawa mo sa damit ko? Na tapunan kasi ito ng hawak niyang coffee sa kamay. Sa saya ko hindi ko na napansin na may mababangga na pala ako.
"Sorry Miss, I didn't meant it," Sabi ko.
"Ano pa magagawa ng sorry mo hah!"
Pasigaw na sabi n'ya sa'kin at labas na ang ugat nito sa leeg dahil sa galit.
"Im really sorry, hindi talaga kita napansin," Paghingi ko ulit ng paumanhin.
"Ang sabihin mo tatanga-tanga ka lang at hindi ka tumitingin sa dinadaan mo." Ani nito na sumisigaw na dahil sa galit. Kahit naman sino magagalit sa nangyari dahil totoo naman na hindi ako nakatingin sa dinadaanan ko. Pero ang sabihan akong tatanga-tanga iba na 'yun. Isa pa sa pinakaayaw ko ay 'yung sinisigawan ako.
"Nag-so-sorry na nga ako di' ba? Hindi ko sinadya 'yun dahil kung sinadya ko 'yun baka hindi lang kape ang tumapon sa'yo," Pasigaw ko rin sa kanya. Nakaagaw na kami ng pansin sa mga taong nasa paligid namin.
"You know what? Ikaw na nga itong nakabangga sa'kin at tinapunan akonng kape ikaw pa ang matapang," Sabi ng babaeng blondy.
"You know what?" panggagaya ko rin sa kanya."Ikaw na nga itong hinihingan ko ng sorry ikaw pa ang nag-iinarte. Kung ayaw mong tanggapin ang sorry ko pwes wala akong pakialam," Sabay talikod ko dito.
"Im still talking to you, dont turn your back on me." sigaw ulit nito.
Hindi ito pinakinggan ng dalaga kaya mabilis hinablot ng babaeng blondy ang kanyang buhok. Napangiwi si Nikki dahil nasaktan s'ya sa paghila sa kanyang buhok. Mabilis siyang gumalaw at siniko ito. Napaatras ang babae dahil nasaktan ito kaya nabitawan n'ya ang buhok ni Nikki. Mabilis naman lumapit si Nikki at sinuntok ito sa mukha. Napasubsob ang babaeng blondy sa damuhan.
Nilapitan ito ni Nikki at umupo sa harap ng babaeng nasa damuhan. "Yan ang napapala ng mga babaeng naghahanap ng away pero di naman kayang ipagtanggol ang sarili. Kung tinanggap mo na lang sana ang sorry ko hindi tayo aabot sa ganito. Sa susunod na magkaharap tayo at maulit pa ito hindi lang 'yan ang aabutin mo." sabi ko sabay talikod dito.
"Kayo anong tinitingin-tingin n'yo? Pare-pareho kayong mga tsismosa at tsismoso," sabi ng dalaga sa mga taong nakapaligid sa kanila.
Narinig pa ng dalaga ang mga bulong-bulungan ng mga tao. "Ang tapang n'ya. Ang ganda nya pero grabe naman s'ya bakit kaya n'ya sinuntok yung babae? Kawawa naman si ate.
Siguro bago lang 'yan dito. Siya na nga itong nakabanggan siya pa ang nanakit." At kung anu-ano pa ang narinig niyang bulong ng mga tao sa paligid.
"My gosh! Ilang mga bully pa ba ang makakaharap ko sa skwelahang ito? Mga bully na matatapang sa salita hindi naman maipagtanggol ang sarili. Kung alam ko lang na ganito pala ang mga studyante dito sana hindi na lang kami dito nagpa-enroll. Mayayaman nga pero ubod naman ng pangit ang ugali," Sabi ko sa aking isip.