Dahil breaktime naman dumiretso na ang dalaga sa canteen. Nawalan na s'ya ng gana kumain samantalang kanina pa n'ya ramdam ang gutom. Balak pa naman sana niyang um-order ng hard meal dahil nagutom s'ya sa plates na ginawa nila. Pero paglabas n'ya mapapaaway lang s'ya nang wala sa oras. Naka-pangalumbaba lang s'ya sa mesa pagdating n'ya sa cafeteria. Walang nakahain kahit isang klase ng pagkain sa Harapan nito. Nawalan na s'ya ng gana kumain dahil sirang-sira ang araw n'ya na Akala n'ya ay masaya. Nadatnan pa s'ya ng mga kapatid n'ya at kaibigan nila na nakabusangot at di maipinta ang mukha dahil sa nangyari.
"hey! Are you okay? Bakit parang pasan mo ang Mundo? Look at your face para kang namatayan sa itsura mo," Nathalie said, laughing.
"Wala ito, 'wag niyo na lang akong pansinin," aniya ng dalaga.
"Wag nga kami Nikki, para saan pa at naging triplets tayo kung hindi namin ramdam iyang tinatago ng busangot mong mukha. Ano na naman ba ang nangyari?" Ashley asked her.
Napilitan ang dalaga na ikuwento ang nangyaring away na naranasan n'ya pagpasok pa lang niya sa loob ng room. At ang babaeng nakaaway n'ya na natapunan ng coffee at ang pagsuntok n'ya rito.
"What! ginawa mo iyun? Sinuntok mo 'Yung babae dahil lang sa hindi tinanggap ang sorry mo? My gosh Nikki, bakit mo naman ginawa iyon? First day of school ganyan na ang nangyari," Ashley said, looking disappointed to her, Sister.
"S'ya ang nauna. Nag-sorry na ako't lahat-lahat s'ya pa itong nagtaray sa'kin. Buti sana kung sinadya ko 'Yun tatanggapin ko pa ang pagsigaw n'ya at pagtawag sa'kin ng tanga-tanga. T'saka tinalikuran ko na s'ya para Hindi na humaba pa ang gulo. Pero sinabunutan n'ya ako. Ginawa ko lang ang tingin kong tama. Kung kayo ang nasa sitwasyon ko alam kong ganun din ang gagawin n'yo. Hindi n'yo naman siguro hahayaan na saktan kayo ng iba kung alam naman ninyo na walang mali sa ginawa n'yo. You know me guys, Hindi ako pwedeng apihin lalo na at Hindi ko naman kasalanan," Mahabang paliwanag ng dalaga.
"Kahit na, Nikki hindi mo dapat sinuntok iyong tao. Babae kang tao, kaya ka laging nasasabihan ng tomboy dahil sa ginagawa mo. Pag nalaman ito ni Mom and Dad, ano'ng sasabihin mo? Sa tingin mo Hindi sila ma-disappoint sa'yo?" Ashley said again. Tahimik lang ang iba nilang Kasama na nakikinig sa usapan ng magkapatid.
"Sa tingin mo malalaman nila kung wala naman magsusumbong?" aniya ng dalaga sa mga kapatid.
"Paano kung idemanda ka 'nung tao at magsumbong sa admin? Tingin mo Hindi malalaman ni Mommy at Daddy?" Nathalie said, disgusted with her.
Natahimik ang dalaga pagkuwa'y nagsalita, " Ako ba ang kinakampihan n'yo rito or Yung babaeng 'yon?" Aniya ni Nikki sa kanilang lahat.
"Dapat hindi mo na lang ginawa 'Yun.
Paano pala pag lalaki 'yung nakabangga mo? Hindi lahat ng lalaki hindi pumapatol sa babae lalo 'pag alam nilang nasaktan sila," Biglang sabi ni Zach.
Nagulat ang dalaga nang marinig niyang magsalita si Zach. Imbes na maging Masaya s'ya dahil concerned lang si Zach sa Kanya mas lalo pang nainis ang dalaga sa sinabi nito.
"I dont need your opinion ok! Kung wala ka lang din Magandang sasabihin, pwede ba 'wag ka na lang magsalita," Aniya nito sa binata.
Natahimik ang binata sa sinabi ni Nikki. Maliit na bagay lang pero tagos ang sakit nito para sa binata. Hindi n'ya balak sumabat sa usapan ng magkapatid. Hindi n'ya lang natiis dahil concern lang s'ya sa kung ano'ng pwedeng mangyari sa dalaga. Hindi naman niya balak saktan ang loob ng dalaga sa kanyang sinabi. Opinion niya lang 'Yun at hind niya alam na hindi magugustuhan ni, Nikki 'yon.
"Alam niyo guys, tama rin naman si Nikki, sa kanyang ginawa. Siguro sa iba mali dahil nga pareho silang babae at nagawa niya itong suntukin. Pero kung ako ang nasa kalagayan ni Nikki, Hindi ko rin hahayaan na masaktan ako," Mahabang Sabi naman ni, Gab.
"Salamat Gab, at naiintindihan mo ako," nakangiti nitong Sabi kay Gab, na ginantihan din naman ng binata ng ngiti.
"Nikki, tama naman si, Zach. Dapat hindi mo na lang pinatulan 'Yung babae. Paano kung gantihan ka n'ya nagkataon na mag-isa ka lang at may mga Kasama siya. Magagawa mo bang ipagtanggol ang sarili mo? Tandaan mo Nikki, sa lahat ng bagay hindi tayo magkakasama, na kaya nating ipagtanggol ang ating sarili sa iba," mahabang sabi ni Ashley.
Hindi tulad nina Nath at Nikki, si Ashley na matapang pagdating sa ganitong bagay. Ashley is soft hearted-woman. Pero tulad ng dalawa Hindi rin nagpapaapi kung alam niyang nasa tama s'ya.
"Concerned lang ako sa kung ano'ng pwedeng mangyari sa'yo dahil tinuturing ko na kayong kaibigan. Pero kung ayaw mong makinig na sa'yo na rin 'Yun," aniya ni Zach, sa mababang boses.
"Hindi ko pinagsisihan ang ginawa ko. Pinagtanggol ko lang ang sarili ko dahil 'yon ang tama. Kung sa tingin n'yo mali pa rin ang ginawa ko, Hindi ko kayo pipilitin na kampihan ako," naiinis niyang sabi sa mga kasama. Samantalang tahimik lang na nakikinig ang iba, walang balak sumabat.
Zach looked at her and said. "Alam kong pinagtanggol mo lang ang sarili mo, Nikki. Pero hindi mo Kailangan manuntok ng kapwa mo babae dahil kahit saang anggulo mo tingnan, hindi maganda ang ginawa mo," aniya ni Zach.
"Bakit ba mas kinakampihan n'yo pa ang babaeng 'yon kesa sa'kin? Ako ang kapatid n'yo, ako ang kaibigan n'yo pero kahit ano'ng paliwanag ko, ako pa rin ang nagmumukhang mali rito," Sabi ni Nikki na hindi na napigilan ang inis.
Tumayo na s'ya at tinalikuran ng dalaga ang mga Kasama n'ya sa cafeteria. Nagtungo s'ya sa malaking puno na may mga upuan na nakalaan para sa mga estudyante. Naiinis s'ya dahil s'ya pa ang nagmukhang mali sa paningin nila.
"Pinagtanggol ko lang naman ang sarili ko," bulong nito sa hangin.
Ilang minuto na rin nakaupo ang dalaga nang may tumabi sa magkabilang gilid n'ya. Sina Ashley at Nathalie, na sinundan ang kapatid. Inabutan s'ya ni Ashley, ng sandwich. Soft drinks in can naman ang inabot ni Nathalie, sa Kanya.
"Alam namin na wala ka pang kain," nakangiting saad ni, Ashley. Ngumiti s'ya at kinuha ang mga inabot sa Kanya dahil ramdam na rin n'ya ang gutom.
"Bakit mo pala pinagsalitaan si Zach ng ganun kanina? Hindi mo ba alam na concerned lang kami sayo?" Ashley said.
"You have to apologize to him," aniya naman ni Nathalie.
"Why would I?" She answered.
"Dahil kailangan. Kung alam mo lang kung gaano s'ya nasaktan sa sinabi mo. Sana di' ka umalis para Nakita mo ang reaksyon ni, Zach sa mga sinagot mo sa, Kanya," Ashley said.
Bigla naman nakaramdam ng guilt at awa ang dalaga para kay, Zach. Masyado lang nadala ng emotion n'ya ang dalaga kaya pakiramdam n'ya mas kinampihan pa ng mga ito 'Yung babae kaysa sa kanya kaya nagalit s'ya kay Zach at sa mga kapatid n'ya.
"Ano'ng iniisip mo? Si Zach 'no? Nagi-guilty ka dahil sinigawan mo s'ya kanina," Sabi ni Nathalie na may mapanuksong ngiti.
"Pinag-iisipan ko lang kung mag-so-sorry ba ako o Hindi, iyon lang," Sabi niyang pilit pinipigilan ang ngiti.
"Aysus in denial, halatang-halata naman na guilty," Si Nathalie ulit.
"Anong in-denial ang sinasabi mo? T'saka hindi ako na-guilty. Kung ano man ang lumabas sa bibig ko dahil Yun sa seryoso ako sa mga sinabi ko," Seryosong aniya ng dalaga sa kanilang dalawa.
"Aysus! Seryoso daw pero halata naman na guilty sa sinabi. Crush mo lang siguro si Zach, kaya ka nainis dahil kinampihan n'ya 'yung babae. Halata naman sa'yo kaya 'wag ka nang magkaila," Aniya ni Ashley na ngiting-ngiti sa kapatid.
"Hoy! kayong dalawa tigil-tigilan n'yo ako baka makatikim kayo sa'kin," aniya na nakatikom ang kamao sa kanilang mukha.
"Kung anu-ano na naman ang sinasabi n'yo. Baka mamaya may makarinig sa inyo sabihin pang totoo," Dagdag niyang sabi.
Tawa lang sila nang tawa. "Crush mo naman talaga," Sabi ulit ni Ashley, na tawa nang tawa.
"Sinong Crush n'ya?" Biglang Sabi ng taong nasa likuran ng mga dalaga. Alam niyang boses 'yon ni, Zach. Nagulat s'ya sa biglang pagsulpot nito at napalingon sa kanyang likuran.
"Ah, I-," Hindi na natapos ni Nathalie, ang sasabihin n'ya sanang "Ikaw ang crush n'ya" nang biglang takpan ni Nikki, ang bunganga nito gamit ang kanyang palad.
"Ahm si I-Ivo, oo s-si I-Ivo nga 'yung sinasabi nila Ashley, na crush ko. Masyadong kasi itong tsismosa kaya inaalam n'ya lahat," nauutal niyang Sabi.
"Ah, si Ivo ba 'Yun? Hindi ba si Za-?"
Tinakpan ulit ni Nikki, ang bunganga ni Nath, nang sasabihin sana n'ya ang "Hindi ba si Zach ang crush mo?"
"Si Z-zandro? Hindi ah si Ivo 'yun. Bakit ba kung sino-sino lang ang binibigkas mong pangalan?" aniya na nilalakihan pa ng mata ang kapatid. Tawa nang tawa ang dalawa dahil sa kalokohan nila. Sinasadya talaga nilang sabihin na si Zach, ang crush n'ya. Buti na lang din at mabilis ang kamay niyang takpan ang mga bibig nila. At buti na lang din mabilis nakaisip ng mga pangalan si Nikki, na kasunod sa pangalan na binibigkas ng kanyang mga kapatid.
"Ah ok, sinong Zandro at Ivo?" Tanong ng binata.
"Classmate ko," maiksing Sabi n'ya na Hindi nakatingin sa binata.
Feeling ng dalaga pinagpapawisan s'ya nang malapot. Pasimple nitong pinunasan ang noo na wala namang pawis. Sina Ashley at Nathalie naman ngiting-ngiti lang sa kanyang tabi.
"Humanda talaga kayong dalawa pag-uwi sa bahay. Ihanda n'yo na ang mga buhok n'yo dahil kakalbuhin ko kayo pareho," aniya ng dalaga sa isip.
"Anyway guys, my next subject pa pala kami. I gotta go," Ashley said sabay wink kay, Nikki. Pinandilatan lang s'ya ng mata ng dalaga dahil sa ginawa n'ya.
"Humanda ka talagang babae ka. May pa kindat-kindat ka pang nalalaman. Tingnan lang natin kung maka-kindat ka pa pag-uwi," Aniya nito sa sarili.
"Ako rin pala Sis, mauuna na ako sa inyo. May kukunin pa ako sa locker ko na naiwan kanina," Sabi naman ni Nathalie at ngumiti nang malapad kay, Nikki.
"Isa ka pang babae ka. Pinagkakaisahan n'yo talaga ako. Ang ganda talagang pagbuhol-buhulin ng mga buhok n'yo. Tsk! nanggigigil ako sa inyo," kausap na naman niya ang sarili.
"Sabay na ako sa inyo, Sis," Pahabol na sabi ni Nikki, kina Ashley at Nath, na naglalakad na rin palayo sa kanila.
"Nope! maiwan ka muna dyan. Hindi ba may sasabihin ka pa nga kay, Zach?" Sabi naman ni Nathalie.
"ha? W-wala naman akong sasabihin," nakangiti niyang sabi sabay lingon kay Zach, na ngayon ay seryosong nakatingin sa Kanya.
Tatayo na sana si Nikki, nang tinaasan s'ya ng kilay ng kanyang mga kapatid. Walang nagawa ang dalaga kung di' umupo na lang ulit.
Ilang sandali pang nakatayo si Zach, bago s'ya umupo malapit sa tabi ni, Nikki. Ilang minuto na ang lumipas pero wala pa rin silang imikan.
"May sasabihin ka raw sakin?" Pagbabasag ni Zach sa katahimikan.
"Hah! ah, eh wala. Niloloko lang ako ng mga kapatid ko."
"Oh, I see," sabi ni Zach. Ilang minuto ulit na katahimikan bago sila nagsalita.
"Sorry!" sabay pa nilang Sabi.
Ngumiti s'ya sa'kin. Ginantihan ko na rin s'ya nang ngiti.
"I should be the one to say sorry," Sabi ng dalaga
"No, I should be the one. May mali rin ako.
Dapat hindi na lang ako nagsalita kanina at hinayaan ko na lang sana na mga kapatid mo ang kumausap sa'yo," Sabi ng binata sa Kanya.
"Tama ka naman eh. Masyado lang talagang mainit ang ulo ko kanina dahil sa nangyari sa'min ng blond-ing 'Yun. Hindi ko na naisip na may mga taong concern lang sa'kin like my Sisters and you." aniya sa mababang boses. "Thank you, Zach!" Sabi n'ya ulit na sa baba nakatingin.
Lihim na napangiti ang binata dahil sa paghingi nang sorry ng dalaga. Hindi n'ya akalain na marunong din pala itong humingi nang paumahin. Ang buong Akala n'ya may pagka-matigas talaga ang ulo nito.
"Mauuna na siguro ako sayo," aniya na Naka-ngiti na sa binata. "May kukunin lang din kasi ako sa locker ko," Sabi n'ya ulit pagkalipas ng ilang sandali.
"Sabay na tayo," ani ng binata at mabilis na tumayo. Inilahad pa nito ang kamay sa dalaga para makatayo na rin. Nag-alangan pa ang dalaga kung tatanggapin n'ya ito pero sa huli tinanggap na rin n'ya at nakangiting nagpasalamat sa binata.
Sabay na silang naglakad na may ngiti sa labi at kinalimutan ang anumang Hindi Magandang nangyari kanina sa cafeteria. Naghiwalay lang sila nang pumunta na s'ya sa locker room upang kunin ang naiwan niyang gamit doon. Kumaway pa si Zach sa kanya bago ito lumiko papunta sa kanilang room.