Zach pov
Masaya ako dahil pinapansin na ako ni Nikki at hindi na tinatarayan pagkatapos ng pag-uusap namin noong isang araw. Nagagawa na niya akong ngitian at kausapin. Nakikisabay na rin s'ya lagi sa amin sa canteen na minsan lang n'ya ginagawa dati. Malaking bagay na 'Yun para sa'kin. Kahit papaano nakikita at nakakausap ko na siya sa malapitan.
Oo, may gusto ako kay Nikki. Hindi ko alam kung kailan nag-umpisa o kung kailan ko ito naramdaman. Kusa lang siyang dumating nang hindi ko namamalayan. Hindi ko pa mawari kung ano itong nararamdaman ko, Basta ang alam ko gusto ko s'ya. Ibang-iba s'ya sa mga babaeng nakilala ko. Simple lang si Nikki, walang ka arte-arte sa mukha at katawan. Maganda, matangkad, may pagka-boyish pero hindi 'yun nakaka-turn off bagkus isa pa 'yun sa dahilan kung bakit ko s'ya nagustuhan. Ganun naman daw sa pag-ibig, lahat ng bagay na meron sila mamahalin mo rin. Hindi ko alam kung may patutunguhan ba itong nararamdaman ko sa kanya basta ang alam ko lang gusto ko s'ya. Minsan lang ako makaramdam ng pagka-torpe pero bakit kay Nikki pa? Siguro dahil sa unang tingin ko pa lang sa kanya, mahirap na siyang pa-ibigin.
"Mahirap siyang pa-ibigin o sadyang torpe ka lang?" sigaw naman ng utak niya. Muli pa akong tumingin sa mga babaeng nasa 'di kalayuan, lalo na kay, Nikki.
"Hoy dude!" Nagulat ako sa biglang pagsulpot nina Gab at Drew sa aking likuran. "Sino ba 'yang tinitingnan mo na para kang statue diyan na hindi na kumukurap," aniya ni Gab na winawagayway pa ang dalawang kamay sa mukha ko.
Napatingin naman sila sa gawi ng tinitingnan ko. Sina Nikki, Ashley, Nathalie, Sofia, at Candy na nakasuot ng maiksing short at medyo fitted na top, naglalaro sila ng volleyball.
"Whoa! What a beautiful view!" Sigaw ni Drew. Napatakip ako sa Tenga dahil sa sigaw niyang 'yon.
"Ano ba? Kung makasigaw ka naman diyan akala mo may sunog," naiinis kong sabi.
"Dude, ang sexy pala ni, Nikki. Mas bagay pala sa kanya 'yung kita ang hita kaysa laging jeans na suot," sabi naman ni Gab. Nabatukan tuloy namin s'ya ng sabay ni Drew.
"Ouch! Bakit ba kayo nambabatok?" Sabi ni Gab ulit.
"Alam mo ikaw, may pagka-manyakis ka rin pala. Pati ba naman si Nikki, isasali mo sa listahan mo?" saad ko kay Gab, na umiiling.
"I'm just telling the truth, Bro. Lagi kaya siyang Naka-jeans and a loose shirt. Kaya sinong hindi ma papa-wow kung ganyan pala ka-sexy ang katawan n'ya na laging natatakpan," Aniya ulit ni Gab, na halatang may paghanga sa kanyang mga Salita.
Tama naman si Gab. Nikki has everything. Matangkad, maputi, matangos ang ilong, Magandang katawan at mukha. She is like Goddess, na bumagsak sa lupa. Kaya kahit sinong lalaki mapapalingon sa kanya at hahanga.
"Alam mo Bro may napapansin ako sayo," Sabi ni Drew sa'kin.
"Ano na naman yun?" tanong ko.
"Sabihin mo nga sa amin, may gusto ka ba kay Nikki?" Drew replied, smiling.
"Ano bang pinagsasabi niyo? Nakatingin lang ako ngayon sa kanila may gusto na agad? T'saka lima sila dyan hindi lang si Nikki, ang tinitingnan ko. Alam n'yo masyado kayong malisyoso," Sabi ko sa kanila.
"Iba kasi ang tingin mo sa kanya lalo 'pag magkakasama tayo," Sabi ulit ni Drew.
"Wala akong gusto sa kanya ok? Magkaibigan lang kami, Period!" aniya ko na Naka-cross finger sa likod. Ewan ko ba kung bakit hindi ko maamin sa kanila na gusto ko si, Nikki. Ewan ko kung torpe lang ba talaga ako o nahihiya lang akong umamin sa totoong nararamdaman ko para sa kanya.
"Kung ganun, ok lang pala kung liligawan ko si Nikki?" Maya-maya sabi ni Gab.
"Ow! you like her that much?" Sabi ko sa kanya.
"Anong masama, Bro? She is single and I'm single and ready to mingle. What is the problem?" Aniya ni Gab, na todo ngiti pa.
"Pwera na lang kung gusto mo talaga sya." Dagdag pa nitong sabi.
"Oo nga naman Bro, kahit sino naman pwedeng manligaw kay Nikki, hanggat walang nagmamay-ari at walang nagbabawal sa kanya," Makahulugang sabi naman ni Drew.
"Nikki,.is not like those f*****g girl na 'pag gusto mong makuha, makukuha mo agad. And Gab, wag mong isama si Nikki sa listahan mo," Sabi ko kay Gab, na may halong pagbabanta. Tinawanan lang nito ang aking sinabi at umiiling na parang hindi sinang-ayunan ang aking sinabi.
Kilala ko si Gab, sa pagiging womanizer n'ya. S'ya 'Yung tipo ng tao na ginagawang damit ang babae. Na kapag sawa na huhubarin at itatapon lang ng basta-basta. At magpapaamo na naman ng panibagong babae. Doon lang naman umiikot ang mundo nito pagdating sa babae- hubad at palit.
"Bro, 'pag gusto mo ang isang bagay gagawin mo ang lahat para makuha s'ya. Kaya kong baguhin ang sarili ko para sa taong 'yun," Seryosong sabi ni Gab. "At kapag nangyari 'yun? Nikki will be my priority. Hindi ko gagawin ang tulad nang sinasabi mo. Madali lang naman magbago, lalo kapag gusto mo ang isang bagay. Sabi nga nila "change for the better," Dagdag pa nitong sabi.
"Ano iyan, Dude? Seryosohan na?" birong aniya naman ni, Drew.
Mukhang seryoso nga si Gab, sa kanyang sinasabi. I never see him seriously talking that way. "Parang kaibigan ko pa yata ang magiging karibal ko," sa isip isip ko.
"Hey guys, kanina pa ba kayo dyan?" Si Candy, na nakalapit na pala sila sa amin.
"Nope, kararating lang namin ni Drew. Si Zach ang kanina pa dito, Hindi man lamang nagyaya. Ang gaganda pala ng view," Sabi ni Gab, na nakangiti pero kay Nikki nakatingin. Inirapan ito ni Nikki dahil don.
"Hi Nikki, ang sexy mo pala?" Si Gab ulit.
"Small thing," maikling Sabi ni Nikki, na nakataas ang kilay sa kanya.
Samantalang nakangiti rin na lumapit sina, Ashley at Nathalie sa Grupo. "Hi, guys! hello Gab, mukhang pormado ah, may lakad ka?" Ashley said.
"Porke nakaporma may lakad na agad? Hindi ba pwedeng gusto ko lang?" Gab replied.
"Bakit ang sungit mo? Nagtatanong lang naman ako," pagtataray din ni Ashley.
"T'saka kahit may lakad man ako wala ka na don?" Sagot ulit ni Gab.
"Ewan ko sayo ang kitid din ng utak mo. Para nagtanong lang ang layo na ng sagot mo. Minsan naiisip ko kung lalaki ka ba talaga o baka bakla ka," pagtataray ulit ni Ashley.
"Anong sabi mo?" aniya ni Gab sa naiinis na tono.
"Tumahimik na nga kayong dalawa, para kayong aso't Pusa dyan," Ani ni Nikki.
Tumingin ako kay Nikki, Hindi ko maiwasan na hindi sya matitiga. Nikki is Sexy. Hindi lang napapansin gawa nang laging Naka-loose shirt. Maganda talaga sya sa salitang maganda.
"Guys, canteen muna tayo
Napagod ako sa laro natin," Sabi ni Sofia.
"Sa susunod kasi magyaya naman kayo para boys vs girls," Sabi ni Drew.
"Hoy Drew! Hindi na kailangan dahil kilala kitang madugas," ani ni Sofia.
"Pero hindi ako madugas 'pag ikaw ang kalaban ko," Drew said, sabay kindat kay Sofia.
"Alam mo nakakadiri ka rin minsan, hindi mo ako makukuha sa kindat na yan," aniya ni Sofia.
"Kung hindi kita makukuha sa kindat sa paanong paraan kaya?" Sabi ni Drew na kunwaring nag-iisip.
"Yuck! Utot mo blue! kahit anong gawin mo 'no. Nakakadiri ka talaga," maarteng ani ni Sofia.
Tawa naman nang tawa si Drew, sa inasal ni Sofia. Ganito sila lagi, kung hindi si Gab at Ashley. Si Sofia at drew naman.
"Nikki water oh, aniya ni Gab, sabay abot ng tubig kay, Nikki.
"Thanks, Gab!" Ani ni Nikki at ngumiti nang tipid.
Habang naglalakad sila papuntang canteen hindi maiwasan ng binata ang makaramdam nang selos kay Gab. Kasabay nito si Nikki, sa paglalakad at masayang nakikipagkwentuhan kay Gab.
Kanya-kanya silang kumuha ng tray at pumila na. Aabutin na sana ni Nikki ang utility tray nang pinigilan siya ni Gab.
'Ako na ang mag-o-order para sa'yo," aniya ni Gab.
"Ako na Gab, kaya ko," saad ni Nikki.
Pero hindi siya pinakinggan ng binata
Dali-dali itong pumila at um-order.
"I ordered you fried chicken with rice, carbonara, and pineapple juice," Aniya ni Gab.
"Mukhang pinapataba mo naman ata si Nikki, Gab," Sabi ni Drew, na ngiting-ngiti.
"Hindi ah, gusto ko lang makakain nang maayos si Nikki, and besides kahit naman tumaba si Nikki, still she's the most beautiful woman I have ever seen," Aniya ni gab na ang laki ng ngiti.sa kanya.
Sa kabilang dako naman ay napakalamig nang titig ni Zach, na akala mo'y lalamunin ka sa pagtitig nito. Mahirap para sa kanya na tanging kaibigan pa niya ang magiging kakaribal niya pag nagkataon.
"Thank you, Gab. Pero parang hindi ko ata ito mauubos. Hindi kasi ako sanay kumain nang hard meal," aniya ng dalaga.
"It's ok, kapag may natira ka kakainin ko na lang para hindi masayang," Gab said, smiling at her.
"Huh! No, it's ok, kainin mo na lang 'yang fried chicken. I'm ok with this, " Nikki said, pertaining to Carbonara.
"Iba talaga kapag tinamaan. Kahit tira kakainin," mapanuksong sabi ni Drew.
"Huh! Anong pinagsasabi mo diyan Drew? wag ka nga magbiro," Nikki said, na hindi makuha ang ibig ipahiwatig ni, Drew.
"Hindi naman talaga nagbibiro si Drew. I Like you Nikki," aniya ni gab.
"Ohhh!" sabay pang bigkas ni Candy at Sofia. Pero gulat ang tanging naramdaman ni Ash at Nath sa pag-amin bigla ni Gab kay Nikki.
Tumayo si Zach, pagkarinig sa sinabi ni Gab. Ayaw na niyang marinig kung ano pa ang susunod na sasabihin ni Gab dahil Sobrang selos na ang nararamdaman niya. Pakiramdan niya sasabog na ang dibdib niya sa Sobrang selos na nararamdaman.
"I have to go guys, may pupuntahan pa pala ako," pagkuwa'y sabi niya.
"Pero Bro, hindi ka pa nakakaumpisa sa pagkain mo?" Sabi ni drew.
"Kainin mo kung gusto mo," At walang lingon lakad itong umalis.
"Anong nangyari dun?" naguguluhang aniya naman ni Drew.
Dumiretso ang binata sa basketball court kung saan walang naglalaro. Kinuha niya ang bola at sunod-sunod ibinato sa ring. Doon niya ibubuhos ang inis niya para kay, Gab. "Bakit ba kaibigan ko pa ang tatalo sa'kin? Siguro kung umamin lang ako kanina kila Gab, sana hindi umabot pa sa ganito ang lahat. Napaka torpe ko," ani ng binata sa sarili.
"Samantala, pagkatapos kumain ng kanilang Grupo ay dumiretso si Ashley, kung saan pumunta si Zach. Nararamdaman kasi niya na may gusto ito sa kanyang kapatid at alam nitong nagseselos ito kanina kaya umalis.
"May gusto ka kay Nikki, right?"
Nagulat si Zach sa biglang pagsulpot ni Ashley, sa kanyang likuran habang nakaupo at nilalaro ang bola.
"Alam mo kung talagang gusto mo ang isang tao gagawin mo ang lahat para makuha ang atensyon niya," Dagdag pa ni Ashley.
"How can you say that I like your sister?" Balik tanong ni Zach.
Ashley laughed. "Alam mo Zach, Hindi ako bobo para hindi makita ang mga reactions mo kanina habang nagtatapat si Gab kay Nikki, at hindi lang kanina. I always caught you staring at Nikki. Aminin mo man o hindi alam kong may gusto ka sa kapatid ko. And if I were you? I would do everything to get the attention of the person I like. Baka magsisi ka sa huli, Yung taong gusto mo nasa piling na ng iba," Mahabang lintaya ni Ashley.
"Tama si Ashley, Kailangan ko nang gumawa ng paraan. Pero paano ko gagawin 'yun kung puro katorpehan lang ang nangingibabaw sa'kin?" Sabi niya sa kanyang sarili.
Walang tinig na lumabas mula sa kanyang bibig sa haba nang sinabi ni Ashley sa kanya. Tanging utak niya lang ang nagsasalita at hindi mabigkas nang kanyang bibig. Namalayan na lang niya na nasa di kalayuan na si Ashley pagkatapos nitong magbigay ng payo sa kanya.
Hindi niya alam kung gagawin niya ba ang sinabi ni Ashley, dahil pakiramdam niya natotorpe siya paged acting kay Nikki. Nawawalan siya ng Lakas nang loob, lalo na 'pag nakikita niyang masayang nakikipagbiruan ito kay gab.
Sa inis niya sa sarili, binato niya nang binato ang bola nang malakas sa ring na gumawa ng ingay sa loob ng court. Bumalik ulit sa Kanya ang bola at sinipa na naman niya ito nang malakas dahilan para tumama sa upuang Plastik at masira ito. Lumabas siya sa court nang may inis pa rin sa sarili at patuloy na inaalala ang huling sinabi ni, Ashley. "if I were you, I would do everything to get the attention of the person I like. Baka magsisi ka sa huli, Yung taong gusto mo nasa piling na ng iba."