Nikki pov
Araw ng Linggo, walang pasok kaya heto ako ngayon nagmumukmok sa aking kwarto. Nakadapa habang nagtitipa sa aking laptop. Sanay na ako pagka-ganitong weekend. Kain, tulog, at cellphone lang. At kapag sinipag nagbabasa ako ng novel ng paborito kong author. Mahilig akong magbasa ng action or fantasy. Iyon lang ang gawain ko 'pag walang pasok. Ang mga kapatid ko naman nagsha-shopping or kung hindi naman nasa galaan kasama ang mga kaibigan. Nasanay na rin ako minsan na mag-isa rito sa bahay. Nasanay na ako na sila Nanay Jerr lang ang nakakasama ko kapag walang pasok. Hindi ako pala kaibigang tao, pili lang. Sina Sofia at Candy, naging kaibigan ko lang dahil kay Ashley. Wala naman akong masabi sa dalawa kasi pareho naman silang mabait at hindi matapobre at maarte tulad ng mga schoolmate naming mayayaman na Akala mo ikinaganda nila ang pagiging masama. Mga bullies na hindi maipagtanggol ang sarili kapag pinatulan.
Bumangon ako dahil nakaramdam ako ng gutom. Pumunta ako sa kusina at Nakita ko si Nanay Jerr, na nagkakape.
"Nay Jerr, nagugutom ako ano po bang pwedeng kainin diyan?" tanong ko kay Nanay Jerr. Binitawan nito ang hawak na baso na naglalaman ng kape at humarap sa akin.
"Gusto mo ipagluto na lang kita ng paborito mong garlic shrimp?" Sagot naman nito. Napangiti ako sa sinabing iyon ni Nanay Jerr. Alam na kasi niya kung ano ang mga gusto at ayaw ko pagdating sa pagkain.
"Baka matagalan pa po, Nay?" Sabi ko habang nakatayo at nakasandal sa pader.
"Hindi anak, saglit lang ito. Ipagtitimpla muna kita ng gatas para hindi ka magutom," nakangiting saad naman niya.
Sanay na kaming tawagin si Nay Jerr ng "Nanay", dahil halos siya na ang nagpalaki sa aming magkakapatid dahil busy lagi si Mom and Dad sa Bussiness namin. Matagal na namin siyang katulong at tinuring na Kapamilya at tunay na Nanay. May dalawa siyang anak na parehong nag-aaral, iyong asawa ni Nanay Jerr naman nagtatrabaho sa malayo bilang isang construction worker. Kaya si Mom and Dad, pinagawan na lang sila ng bahay malapit lang din sa bahay namin para naman hindi na sila gumastos pa sa pambayad sa upa at ilaan na lang sa pag-aaral ng mga anak.
"Oh, kain ka nang marami para naman tumaba ka, tingnan mong bata ka ang payat-payat mo na," Sabi ni Nanay Jerr sa'kin pagkatapos nitong magluto at maglapag ng pagkain sa mesa.
"Si Nay Jerr talaga, Hindi naman ho ako payat. Ang sexy ko nga eh," Pagbibiro ko sa kanya.
"Hay nako! basta kumain ka nang kumain diyan. Dapat maubos lahat ng iyan niluto ko talaga iyan para sayo," masayang sambit niya sa'kin.
"Nay, Hindi ko po ito mauubos. Saluhan mo na lang kaya ako, please!" aniya kong Naka-pout pa ang lips sa kanya.
"Oh sya! sige na," umupo ito sa bandang harap ko at masayang sumandok nang pagkain. Nilagyan muna niya ang pinggan ko bago ang pinggan niya. Magana kaming kumain ni Nay Jerr. Naparami pa ako nang kain at halos maubos ang inihanda nitong ulam sa mesa. Paano ba naman hindi mapaparami nang kain eh, nakakahawa siya dahil ang sarap ng kain niya. Natawa pa si Nanay Jerr, dahil napalakas ako nang dighay.
"Ang sarap talaga ng luto mo Nay Jerr, mag bukas na lang po kaya tayo ng karinderya panigurado ubos lagi ang ulam," masayang sambit ko.
"Aysus! nambola ka pang bata ka," tumatawa nitong sabi.
"Totoo nga po hindi ako nagbibiro, Nay. Kung gusto mo ngayon pa lang magpagawa na tayo diyan sa harap ng karinderya." seryoso kong sabi.
"Hay Naku bata ka! 'Wag na dahil matanda na ako. Hindi ko na kaya," aniya ni Nanay Jerr na nakangiti nang malapad sa'kin.
"Sa susunod Nay, gusto ko naman nilagang baka ang lutuin mo, o kaya adobong manok na sobrang anghang," nakangiting kong sabi na agad naman sinang-ayunan ni Nanay Jerr.
"Oo na! kahit ano'ng i-request mo lulutuin ko, basta kakainin mo lahat," masayang sabi ulit niya. Napayakap ako kay Nanay Jerr dahil sa tuwa.
Lumabas ako at naglakad-lakad sa garden. Hobby ko na ito pagkatapos kumain para makababa ang kinain ko. Gusto ko rin kasing nakakakita ng mga bulaklak. Mahilig talaga ako sa bulaklak gustong-gusto ko ang view ng bougainvillea sa harap ng malaking gate namin na ibat-iba ang kulay ng bulaklak. Sa iisang puno nito ay may pink, white, purple at Orange na bulaklak. Sa tabi naman nito ang nakahilerang yellow bell na hitik rin sa bulaklak. Nakahilera rin ang ibat-ibang Uri ng succulents plants, tulad ng sedum, Gasteria, Echeveria, Euphorbia, Crassula, Agave, Aeonium at marami pang iba. May mga ibat-ibang Halaman pa na hindi ko na alam ang pangalan dahil sa ibang bansa pa binili ni, Mommy. Ang tanging alam ko lang ay ang Calathea Roseopicta, Alocasia black velvet at ang isa sa pinakamahal na alam kong nabili ni, Mommy, ay ang Hoya Totem Carnosa na nagkakahalaga ng halos five thousand dollars. Kay Mommy ako nagmana sa pagkahilig sa Halaman. Yung iba nga ako pa ang nagtanim, pero sa ngayon si Nanay Jerr na ang nag-aalaga sa kanila dahil sobrang busy ng parents ko. Kinuha ko ang hose at nagsimula nang diligan ang mga Halaman para naman may magawa ako habang nagpapababa ng kinain. Pagkatapos ko ay binalik ko ulit ang tingin sa mga magagandang Halaman at umupo sa duyan.
Busy ako sa pagtitingin ng mga magagandang Halaman nang marinig kong may tumawag sa'kin. Napalingon ako sa parte kung saan nanggagaling ang boses ng lalaki.
"Hi pretty ladybug," boses iyon ni Gab na papalapit sa'kin.
Lumingon ako at si Gabriel nga ang nandoon. "Hoy! mukha ba akong Ladybug?" aniya ko sa kanya at tiningnan nang masama.
"Magandang ladybug," sagot naman ni Gab na nakangiti sa akin. Mukhang nadala yata sa tingin dahil ang Lapad nang ngiti nito.
"Para nga pala sa'yo, Magandang ladybug," aniya nito at inabot sa akin ang isang kumpon ng white roses.
"Ano na naman itong kalokohan mo, Gab?" tanong ko.
"Wala lang, gusto lang kitang bigyan ng bulaklak. Bawal ba? May allergy ka ba sa bulaklak? sunod-sunod nitong tanong. "Kasi kung ayaw mo pwede ko naman kunin ulit, ibigay ko na lang sa babaeng Nakita ko sa daan kanina," pagbibiro pa niya.
"Hindi naman sa ganun. Nag-usap na tayo 'di ba?" saad ko.
Bumuntonghininga lang ito sa aking sinabi at ngumiti.
"Ano pala ang ginagawa mo rito? Sino'ng kasama mo? Sino'ng nagpapasok sa'yo? Sunod-sunod kong tanong kay Gab.
"Oh relax! Can you ask me one by one? Para ka naman nakakita ng akyat bahay. Ganyan mo ba i-welcome ang bisita mo?" aniya ni Gab.
"Ang sabihin mo bwisita, Hindi bisita,' Naka-taas kilay kong sabi.
"Ouch! Grabe ka talaga sa'kin, Niks," Sabi ni Gab, na nakahawak pa sa dibdib na kunwaring nasaktan.
"Ano'ng gusto mong pag-welcome ko sa iyo? Welcome party? Or sabitan ka ng bulaklak sa leeg?"
"Nope, ok na sa'kin ang simpleng kiss mo," sabi nitong nakanguso.
"Baka gusto mong ikiskis ko 'yang nguso mo sa pader at nang matauhan ka?" Sabi ko.
"Grabe ka naman talaga, Hindi ka mabiro," aniya nitong pinalungkot pa ang boses.
Simula nang mabasted ko si Gab, sa canteen hindi na ito nangulit pa. Tinanggap nito na hanggang kaibigan lang ang kaya kong ibigay sa kanya. Ok, naman sa kanya at hindi nagbago iyong samahan namin. Hindi rin ako nailang sa kanya kahit na umamin siya na may gusto siya sa'kin. Simula noon naging mas-close pa kami ni, Gab.
"Ikaw lang ba pumunta rito?" tanong ko kay Gab.
"Bakit may nakita ka pa bang kasama ko?" sagot naman nito.
"Ouch! Masyado ka talagang mapanakit, Niks," sabi ni Gab, nang batukan ko siya.
"Ang ganda ng tanong ko pinipilosopo mo," sabi kong nakapameywang sa harap niya.
"Bakit may hinihintay ka pa bang dumating?" balik tanong ni Gab.
"wala ah, wag mo ngang ibahin ang usapan," saad ko, "Sino pala ang nagpapasok sa'yo rito?" tanong ko ulit.
"Si Kuya guard, Hindi pa nga niya ako papasukin sana kung hindi ko lang sinabi na boyfriend mo ako," sagot nito.
"Ouch! Ano ba Nikki, nakakilang batok kana sa'kin ha!" sabi nitong hinahaplos ang ulong nabatukan ko.
"Baliw ka ba? Ba't mo sinabing boyfriend kita? Paano 'pag naniwala si Mang Caloy?" aniya na ang tinutukoy ay ang guard na nakabantay sa may gate.
"Sinabi ko lang iyon, kaysa maghintay ako sa labas hanggang mamayang gabi. Ang init kaya," sagot naman nitong nakangiti nang malapad.
"Ba't ka ba kasi nandito? Ano'ng pinunta mo rito?" tanong ko ulit kay Gab. Kanina pa ako nagtatanong kahit isang salita wala pa itong naisagot sa'kin.
Maya-maya lang ay may inabot siya sa akin na isang maliit na card.
"Para saan ito?" tanong ko.
" Open it," Pagbukas ko ay binasa ko agad ang nakasulat. "Invitation letter for the grand opening of ZGD Bar."
"Kaninong bar ito?" tanong ko ulit, dahil hindi ko naman alam ang meaning ng ZGD bar.
"It's our bar. Me, Zach and Drew, owned it. Kaya siya ZGD Bar dahil sa first letter of our name. Yung ang ginawa naming name ng bar dahil wala kaming maisip na pwedeng ipangalan dito. Napatayo namin ito 5 months ago, at ngayong gabi ang opening. Iimbitahin ko rin sina Ash, Nath, Sofia and Candy, para kompleto kayo," Mahabang lintaya ni Gab.
"Wala ang mga kapatid ko, iaabot ko na lang ito sa kanila," Sabi ko kay Gab.
"Ok thanks, Niks. By the way, I gotta go now. Medyo busy pa kasi ngayon, kaya dinaan ko lang iyan dito," sabi ni Gab.
Tumango lang ako, hinatid ko na rin siya hanggang sa gate. Nalungkot ako sa isiping bakit hindi si Zach, na lang ang nag-abot samantalang ang lapit lang niya sa amin. "Siguro busy rin siya dahil nga opening ng bar nila ngayong gabi," aniya ko sa aking isip.
"I'm hoping for your presence there, Niks. Please! tell Ash and Nathalie to go. Thank you!" at mabilis nitong pinaharurot ang kotse. Hinintay ko munang lumayo ang kotse nito bago ako pumasok sa loob.
Mabilis akong umakyat sa aking kwarto pagkahatid ko kay Gab. Binagsak ko ang aking katawan sa kama at sumubsob sa unan. Iniisip ko kung dadalo ba ako o hindi sa opening ng bar nila Gab, mamayang gabi. Nasa ganun akong pag-iisip nang marinig kong bumusina ang kotse, hudyat na dumating na ang aking mga kapatid. Mabilis akong bumaba at hinintay silang makapasok.
"Pinabibigay ni, Gab," bungad ko sa kanila.
"Ano ito?" tanong ni Nath.
"Buksan niyo kaya nang malaman niyo," Pagtataray ko sa dalawa.
"Oh, It's a grand opening ng bar nila Gab? whoa, exciting!" saad naman ni Ashley.
Medyo OA pa ito pagkabasa sa nakasulat sa loob ng card. Parang first time pumunta sa bar samantalang gawain naman nila ang pumunta lagi sa bar.
"We need to be ready for this night. Buti na lang nakapag-shopping tayo at least may maisusuot na tayo," masayang ani ni Nathalie.
Galing kasi ang mga ito sa pag-shopping. Excited silang maisuot ang mga napamili nilang damit. Wala rin naman akong pakialam. Sila na lang siguro ang dadalo.
"Nabili mo ba ang dress na nagustuhan mo kanina?" tanong pa ni Ashley, kay Nathalie.
"Yup! May maisusuot na rin ako," tuwang tuwa nitong sabi.
"Grabe talaga ang dalawang ito, Akala mo ang tagal nakakulong sa bahay, kung maka-react parang ngayon lang makakapunta ng bar," sa isip isip ko.
"Kayo na lang um-attend," Sabi ko nang walang ka gana-gana.
"Bakit naman, aber?" tanong ni Ashley.
Hindi ako umimik dahil wala naman akong mahagilap na dahilan. Pakiramdam ko ayaw ko lang, iyon lang ang naisip kong dahilan.
"Alam mo Sis, 'wag kang kj minsan lang mangyari ito. T'saka espesyal na gabi iyon para kina Zach, hihindi-an mo pa ba?" aniya ni Ashley.
"A-attend lang naman tayo. Kung gusto mo kahit saglit ka lang doon kung talagang wala kang gana pumunta. Kapag na-bored ka pwede ka nang umuwi," Sabi ulit ni Ash.
"Maiiwan kami ni Nath doon, baka sakaling may masungkit na pogi," Dagdag pa nitong sabi na animo'y kinikilig.
"Ok," sabi kong nakataas ang dalawang kamay. "Pupunta ako, pero guys," Sabi kong hindi na tinapos ang sasabihin.
"Pero what?!" sabay pang sabi ng mga kapatid ko.
"Wala pa akong maisusuot," sambit ko.
Nag appear-an ang dalawa sabay sabing, "leave it to us."
Napakunot noo ako sa sinabi ng dalawa kong kapatid at hindi ko gusto ang kanilang mga ngiti. Parang may mga balak ito na hindi ko magugustuhan.
Nagkalkal sina Ashley at Nathalie, sa mga binili nilaz na parang may hinahanap.
"Ano bang hinahanap niyo?" tanong ko.
Hindi nila ako sinagot at patuloy pa rin sa pagkalkal ang mga ito. Pinaanood ko lang sila sa kanilang ginagawa.
"Ano ba kasing hinahanap niyo?" tanong ko ulit. Pero patuloy pa rin sila sa paghahanap. Sa dami ba naman kasi ng pinamili nila, Hindi na nila makita kung ano ang hinahanap nila.