ASHLEY POV
Inabot kami ng ilang minuto sa pagkalkal ng mga damit na pinamili namin ni, Nath.
May mga dress kasi kaming nabili at alam kong kakasya iyon kay, Nikki. Sakto pa na hindi siya makakadalo dahil wala pa raw maisusuot, samantalang ang dami niyang damit na binili ni, Mom.
Napag-usapan namin ni Natalie na i-makeover si, Nikki. May pagka-boyish si Nikki pagdating sa pananamit. Kaya pagganitong may lakad kami kailangan pa namin siyang kumbinsihin para magsuot ng damit na nababagay sa pupuntahan namin.
Seven-thirty pm pa naman daw mag-i-start ang opening ng bar kaya may oras pa kami para I make-over si, Nikki. Andito kami ngayon sa kwarto ni Nikki, dala ang mga nabili naming damit ni, Nath. Pinagkakalkal iyon ni Nikki at kung anu-anong panlalait ang lumabas sa bunganga nito sa mga damit.
"Ano ba ito? short or pantylet? My gosh guys! Kita na kuyokot niyo rito. Konting upo or yuko niyo lang makikitaan na kayo," lintaya ni Nikki sa short na binuyangyang pa at sinusuri bawat gilid. Sa sobrang iksi kasi nito, Hindi na siya mukhang short. Mukha na siyang panty sa sobrang iksi.
Walang tigil nitong pinagkakalkal pa ang mga damit na binili namin ni Nath.
"Ano naman ito?" Sabi nito sa skirts na may slit hanggang hita. "Skirt pa ba itong matatawag? eh, mas malaki pa ang hiwa nito sa gilid kaysa sa Haba eh," Sabi ulit nito.
"And this one? Kanino itong dress na ito na halos kita na singit pag nagde-kwatrong upo? Dress nga ba ito or t-shirt?" sunod-sunod niyang tanong.
"That's mine. Baka naman gusto mo ng ibalik lahat ng kinalat mo. Ang dami mo nang sinasabi diyan lahat ng binili namin pinintasan mo na. Wala na kaming narinig na maganda sa'yo kung 'di puro panlalait," Aniya ko kay Nikki.
"Hoy Nikki! andito tayo ngayon sa kwarto mo dahil may gagawin tayo. Hindi para mag-usisa sa mga damit na yan," Sabi naman ni Nath.
"Bakit? Ano'ng gagawin niyo? 'Wag niyong sabihin na may binabalak na naman kayo?" saad ni Nikki sa amin habang nakataas ang kilay nito.
"Just wait and see," tanging sagot lang namin ni Nath.
Lumabas kami ni Nath sa kwarto ni,
Nikki. Pagbalik namin may dala na kaming makeup kit, tsani, curlier at kung anu-ano pa. Inilagay iyon ni Nath sa harap ng salamin.
"hep, hep, hep ano'ng gagawin niyo?" tanong nito na nakaharap pa ang dalawang palad na parang hinaharang iyon sa amin.
"Mukhang hindi ko yata magugustuhan ang gagawin niyo ah," Sabi pa nito na tinawanan lang namin.
"For sure, magugustuhan mo ito pagkatapos. Minsan, Kailangan mo rin magtiwala sa amin hindi 'yung puro ka dada," sagot naman ni Nath.
Bigla siyang hinila ni Nath at pilit pinaupo sa harap ng salamin.
"Dito ka lang 'wag kang malikot diyan kung ayaw mong maubusan ng kilay," pagbabanta ni Nath kay Nikki.
"Wag niyo akong takutin, baka iyang buhok niyong dalawa ang pagbuhol-buhulin ko oras na hindi maganda ang gagawin niyo," aniya ni Nikki. Kinindatan ko si Nath, hudyat na umpisahan na namin ang unang hakbang.
Kumuha kami ng tig-isa naming tsani ni Nath, at inumpisahan nang bunutan ng kilay si Nikki.
"Ouch! Aray! Ano ba binabalatan niyo ba ako sa kilay hah!? Ang sakit kaya. Kung alam ko lang na ito ang gagawin niyo sana pinagsisipa ko na kayo palabas sa kwartong ito," reklamo ni Nikki.
Tawa lang kami nang tawa ni Nath, dahil hindi na maipinta ang mukha ni, Nikki. Lalo nang tumutulo na ang luha niya dahil binubunutan namin siya sa kilay. Panay lang ito reklamo at singhot.
"Alam niyo kung hindi ko lang kayo mga kapatid, kanina ko pa kayo pinag-uumpog sa sahig nang makabawi man lamang ako sa pananakit niyo sa kilay ko," Sabi ni Nikki na sumisinghot pa rin.
"Oh ayan na! tapos na, di nabawasan ang kilay mong parang Bermuda grass sa kapal," natatawang aniya ko kay Nikki.
"Grabe kayo sa Bermuda grass ah, Hindi niyo ba alam na marami ngayon ang naghahangad ng ganyang kilay? Yung iba pa nga nag papa-tattoo pa para lang ma-achieve ang makapal na kilay. Tapos bubunutan niyo lang ako nang sapilitan? Ang sakit kaya para akong tino-torture sa kilay," Sabi nito na sumisinghot pa rin.
"Maganda naman ang kinalabasan eh, kahit mukhang kamatis na 'yang kilay mo sa pula," Sabi ko kay Nikki na natatawa.
"Next, Niks!" Sabi ulit ni Nath na may hawak na curlier.
"Huwag niyong sabihin pati buhok ko pakikialaman niyo pa?" Sabi ni Nikki habang nakataas ang kilay sa amin.
Pakiramdan ko nakakatakot siya, lalo kapag nakataas ang kilay. Sa amin kasing tatlo siya lagi ang naga-guidance noong high school dahil napapaaway lagi. Mapa-lalaki man o babae ang kaaway nito wala siyang inuurungan.
"Hindi ka nagkakamali, Sister" Sabi ko habang nakangiti nang malapad sa kanya.
"No way! Kaya ko na ang buhok ko. Mag-ayos na kayo sa sarili niyo. Wag niyo na akong pakialaman," Sabi nito habang pilit na inaabot sa akin ang curlier.
"Wag mong sabihing basta-basta mo na lang 'yan ipupusod?" Aniya nito sa kanyang buhok. "Hoy Nikki! Party ang pupuntahan natin hindi ka papasok sa school na 'pag gusto mong ipusod lang yang buhok mo basta mo na lang ipupusod na para kang Bagong gising," mahabang lintaya ni Nath, kay Nikki.
Dali-dali na itong lumapit kay Nikki, at mabilis na hinablot ang buhok at inumpisahan ng kulutin ang baba ng buhok nito. Ang haba pa naman ng buhok niya. Kaya naisipan naming kulutin para mas lalong gumanda tingnan.
After a minute natapos din. Ang ganda nang kinalabasan ng pagkakakulot ng buhok nito.
"See? Nagmukha kang tunay na babae. Maganda ka nga pero dinaig ka pa ni Nanay Jerr 'pag nag-ayos. Mas mukha ka pang Manang minsan kaysa sa kanya," inirapan lang ito ni Nikki sa kanyang sinabi at pinagpatuloy pa ang ginagawa.
"Para ka nang model ng Pantene, sunod sa galaw na iyang buhok mo," pagbibiro ko naman sa kanya.
"And the last but not the least," Sabi kong kinindatan si Nikki. "Yung face mo naman ang aayusin natin," Sabi ko ulit.
"Mukha bang sira ang mukha ko para ayusin niyo? Nasagasaan ba iyan ng pison para ayusin?" Pamilosopong Sabi pa nito.
"Hoy Nikki! Wag ka ngang pilosopo. Manahimik kana lang muna para matapos na itong ginagawa namin sa iyo. Puro ka reklamo, baka mamaya 'pag natapos yang makeover mo sabihin mong ganyan kana lang lagi," Sabi ni Nath, na naiirita na sa kakareklamo ni Nikki.
"Siguraduhin mo lang talaga na maganda ang kalalabasan niyan, dahil ewan ko na lang kapag pumangit lalo," sagot naman ni Nikki, kay Nath.
At dahil ako ang nakatalaga sa pag-aayos ng mukha ni Nikki, Inumpisahan ko na itong ayusan at lagyan ng kolorete sa mukha. Ginawa ko lang light ang make up niya, dahil kahit hindi naman ayusan si Nikki, maganda naman talaga siya. Hindi ko na rin siya nilagyan ng fake eyelashes, dahil mahahaba na rin ang pilik mata niya. I just put on a little bit of mascara. After a while natapos na rin.
Hindi ko maiwasan na hindi humanga sa ginawa kong pag-aayos sa kanya. May tinatago pala akong talento pagdating sa pagme-makeup. Hindi ko maiwasang hindi ngumiti dahil ang ganda ni Nikki, pagkatapos kong ayusan.
"Wow! What a beautiful lady! Ang ganda mo Nikki. Sabi ko sa iyo diba maganda ka na, pero mas may i-ga-ganda ka pa,"
Hindi matapos-tapos na puri ni Nathalie sa kanya.
Totoo naman talagang maganda si Nikki. Hindi nga lamang niya hilig ang mag-make up sa mukha, pero kahit na ganun. Hindi rin maitatangging maganda siya kahit walang kolorete sa mukha.
Natulala pa ito sa kanyang sarili sa harap ng salamin at hindi makapagsalita sa nakikita.
"Ako ba talaga ito? Anong Mahika ang ginawa niyo sa mukha ko?" Ani nitong nakahawak pa sa kanyang pisngi.
"Oa lang ha! Walang Mahika iyan. Kung may Mahika lang iyan kanina pa kita ginawang palaka dahil sa karereklamo mo. Tingnan mo naman ngayon? Hindi ka makapaniwala na gaganda ka pa lalo di' ba? Ganyan ang sikreto minsan ng mga babae, kolorete sa mukha," aniya ni Nathalie rito.
"Ah kaya pala! Siguro nga pangit si Claire kapag walang make up. Sobrang kapal kasi ng make up nito minsan," natatawa pa nitong sabi.
"At para mas magmukha kang stunning?! Let me help you wear your dress," Sabi ko kay Nikki. Kinuha nito ang dress. Ang dress na halos ilang minuto nilang kinalkal kanina.
"Baka naman revealing iyang ipapasuot niyo sa akin ha! Hindi ko kaya iyan," Pagrereklamo nito.
"Alam mo Nikki? Kanina ka pa nagrereklamo, malapit na kitang makutongan," Sabi naman ni Nath.
Tawa lang ako nang tawa sa dalawa. Siguro kung nasa parlor lang si Nikki, baka nag-back out na ang mag-aayos sa kanya dahil sa karereklamo niya.
Mabilis kong kinuha ang damit na para kay Nikki at pinasuot na ito sa kanya.
Nikki wears an elegant red dress na heart shape ang cut sa dibdib na medyo kita ang cleavage. Hanggang ankle ang haba nito at may slit sa gilid na hanggang gitna ng hita. She paired with 4 inches heels, dahil matangkad naman siya hindi na niya kailangan pang magsuot nang mataas na takong. Bagay na bagay sa kanya ang kulay ng dress lalong tumingkad ang kaputian nito. Mala celebrity ang datingan niya sa suot nitong dress.
"Ngayon alam ko na kung bakit maraming nagkakagusto sa iyo sa kabila ng pagiging boyish outfit mo," mapanuksong aniya ni Nathalie.
"Paano mo nasabi? Ako nga wala akong alam na nagkakagusto sa'kin ikaw pa kaya?" Nikki said.
"Akala mo lang iyon, masyado ka kasing manhid or baka nagmamanhid-manhiran ka lang?" Nath said na nakangiti nang malapad.
"Ewan ko sayo, lumalabas na naman ang pagigimg tismosa mo. Lumabas na nga kayong dalawa baka malate na tayo," Sabi pa ni Nikki habang tinutulak kami ni Nath, palabas ng pinto.
"Oh, ngayon mas excited ka pa samin ah! Hindi ka rin siguro excited 'no? Sabi ko kay Nikki habang tumatawa.
"Hindi ah! kayo lang naman ang laging excited pagdating sa ganitong bagay," Ani nitong nag-make face pa.
"Dito na lang din kami mag ayos ni Nath, total andito na rin lang mga damit namin at makeup kit," sagot ko sa kanya at bumalik ulit sa loob dahil ang bruha pilit kaming pinapalabas sa kanyang kwarto.
Nagkibit balikat lang ito at pinanood kaming nag-aayos ni Nathalie.
Simple lang din ang suot namin ni Nath tulad ng kay Nikki. Black sa'kin na same ng haba kay Nikki at pa tube naman ang style. Tinernuhan ko ito ng white high heels na may combination na black color na five inches ang taas. Mas matangkad sa amin si Nikki, kaya nagsuot ako ng heels na magmumukha akong matangkad, nasa 5'7 si Nikki samantalang 5'6 lang kami ni Nath. While Nath, wore a silver long dress na nagpatingkad din ng ganda niya. Spaghetti strap ito na manipis lang, she paired it with white high heels na may taas na five inches din.
"Bakit parang mas matagal pa kayong nag-ayos kaysa sa ayos niyo sa'kin?" tanong ni Nikki habang Naka-pameywang sa harap namin ni Nathalie.
"Akala mo lang matagal kasi nakatunganga ka lang sa'min. Hindi katulad kanina na kami ang nag-aayos sa'yo," Sabi ni Nath dito.
"Oh sya! tama na 'yan, umalis na tayo baka mamaya tayo na lang ang wala dun," Ani ko sa dalawa. Mabilis naman silang tumayo at kinuha ang kanilang mga purse.
Sumakay kami sa isang kotse at ako na rin ang nag-drive. Mabilis lang kaming nakarating dahil walang traffic na naghihintay sa amin sa highway. Bumaba na kami sa kotse pagdating namin sa. Pagbaba namin, ibat-ibang Uri ng mata ang nakatitig sa amin. Binigay muna rin namin sa guard ang invitation letter bago kami pinapasok sa loob. Nakalagay pa sa labas na "No invitation card, No entry!" Sinalubong kami ng masayang tugtugan at maraming bisita. Masasabi mong lahat ng bisita ay galing sa may kayang pamilya, dahil na rin sa magagara nilang kasuotan at nagkikintabang mga alahas sa katawan. Ang ilang mga bisita ay galing sa Summerville University. May mga schoolmate rin sila Zach, Gab, at Drew na dumalo.