NIKKI POV Pagbaba ko pa lang sa aking Ducati ay bumungad na kaagad sa'kin ang napakalaking tarpaulin na ang nakalagay ay "Searching for Miss Architecture 2021" mga kilalang malalaking paaralan ang mga kasali sa patimpalak na ito. At talaga namang mapapabilib ka dahil mga paaralang laging nasa listahan ng mga nananalo sa mga patimpalak ang magiging katunggali ng aming eskwelahan. Kabilang dito ang De Chavez, Montefalco, La Trinidad, Vermont, Dela Paz, St. Ignatius University at marami pang iba. Ang mga nabanggit na universities ay kilalalang-kilala sa buong Pilipinas dahil sa magagandang katangian meron ang mga eskwelahan na ito. Bawat universities ay may kanya-kanyang representative for Miss Architecture. At dahil eighteen universities ang maglalaban, eighteen na candidates din ang dapat

