"Ms. Fuentebella you're late," bungad sa kanya ng kanilang prof pagbukas n'ya sa pinto ng kanilang room. Lahat tuloy ng mga mata nakatingin sa kanya na para bang ang laki ng kasalanan n'ya, samantalang na-late lang naman s'ya ng ilang minuto. Tinaas niya ang kanyang kilay habang isa-isang tiningnan ang mga kaklase niyang nakatingin pa rin sa kanya. Napatingin naman si Nikki sa kanyang relo at ang pagkakaalam nito ay five minutes pa bago magsisimula ang kanilang klase, kaya paanong nangyaring late s'ya? Mukhang nakatunog naman ang prof nila sa kung ano'ng iniisip n'ya dahil sa pagsilip n'ya sa kanyang relo. Narinig niyang nagsalita si Mrs. Castro. "Baka gusto mo nang umupo Ms. Fuentebella, at nang maumpisahan na natin i-discuss kung ano 'yang nasa isip mo," Mataray nitong sabi. Agad nam

