Alas sais pa lang nang umaga ng magising si Nikki. Hindi na siya nakatulog kaya bumangon na lang siya. At dahil maaga pa naman at may dalawang oras pa siya para pumasok sa school, nakagawian na ng dalaga ang mag exercise 'pag bagong gising. Suot ng kanyang leggings at sports bra, lumabas ang dalaga sa may garden at naglatag ng makapal na blanket at sinimulan na ang pag-ehersisyo. Thirty minutes din siyang nag ehersisyo nang may mag-doorbell. Ang guard na nakatalaga ang siyang nag bukas ng gate. "Maam Nikki may nagpapabigay po sa inyo," ani ng guard na may bitbit na isang kumpon ng bulaklak. Nangunot noo ang dalaga pag tingin niya sa dala ni Kuya Caloy na isang kumpon ng white roses na halatang mahal ang pagkakabili dahil na rin sa itsura at pagkakaayos nito. "Kuya Caloy, nakita mo ba ku

