" Ginagawa po namin ang lahat para mahanap si Mr. Dmitri Montenegro, Ma'am. Kapag may lead na po kami ay agad po namin kayo babalitaan, " sabi ng pulis kay Alhea mula sa kabilang linya. Napabuntong hininga na lang si Alhea dahil sa sinabi ng pulis. Hanggang hindi nila nahahanap at nahuhuli si Dmitri ay delikado pa rin ang buhay nito. " Salamat po, Officer Natividad. Sana ay mahuli na siya at pagbayaran ang mga kasalanan na kanyang ginawa! " sabi na lang ni Alhea sa pulis. Matapos makipag-usap ni Alhea kay Officer Natividad, nagtungo siya sa Garden para magkape. Natutulog pa sina Julio at Angelo kaya mag-isa lamang siya. Hindi nagtagal, dumating si Xander mula sa loob. " Aalis na muna ako. Huwag kayong lalabas, Alhea! " sabi ni Xander sa kanya. Napatingin si Alhea kay Xander. Na

