" Ok ka lang ba, Alhea? " nagtatakang taning ni Manang Carina kay Alhea habang nakaupo ito sa sofa sa sala. Napatingin si Alhea sa kanya at pilit na ngumiti, " Ok lang naman ako, Manang. Bakit mo natanong? " sagot at tanong ni Alhea sa kanya. Napabuntong hininga si Manang Carina at tumabi ito sa pagkakaupo. " Ako ang nag-alaga sa iyo mula pa noong maisilang ka, Alhea. Kahit na nawala ka ng anim na taon, alam ko, naramdaman kong hindi ka pa ring nagbabago, " sabi ni Manang Carina sa kanya. " Kaya alam ko kung may gumugulo sa isip mo, kung may problema ka o kung may dinaramdam ka, " dagdag pa niya. Nakangiting napailing si Alhea dahil sa sinabi ni Manang Carina sa kanya. " Wala akong problema, Manang kaya huwag kang mag-alala, " pagmamatigas ni Alhea. " Maaari mong itago ang lah

