" Para sa iyo, Althea, " nakangiting sambit ni Senior Rodrigo habang inaabot ang isang kumpol ng bulaklak sa kanyang harapan. Tinignan ito ni Alhea at kinuha. " Salamat, Senior pero hindi namang kailangan na araw-araw mo akong binibigyan ng mga bulaklak o kung ano-ano pa, " pasasalamat at sambit ni Alhea sa kanya. Ilang araw na ring pabalik-balik si Senior sa bahay nila Xander para manligaw kay Alhea. Alam ni Alhea ang ginagawa ni Senior kahit na hindi ito sabihin ng lalaki sa kanya. " Hindi ako magsasawa na ibigay sa iyo lahat ng bagay sa mundo, Althea. Alam mo naman kung gaano kita kamahal, hindi ba? " sagot ni Senior Rodrigo sa kanya. Napayuko na lang si Alhea dahil sa mga sinabi ni Senior. Alam niya, alam niya kung gaano kadalisay, kung gaano siya kamahal ni Senior. Noong na

