Kita ni Xander ang kagustuhan ni Alhea na makausap si Senior kaya binitawan niya ito. Nang mabitawan ni Xander si Alhea, mabilis na tumakbo si Alhea palabas ng bahay. Paglabas niya ng bahay ay siya namang pag-alis ni Senior Rodrigo gamit ang kanyang sasakyan. Napailing at napabuntong hininga na lang si Alhea. Wala siyang nagawa kundi ang bumalik sa loob ng bahay. Pagpasok niya, nakita niya si Xander na nakatayo lang at hinihintay siya. Lumapit si Xander sa kanya. Nagkatitigan silang dalawa. " Pwede ba tayong mag-usap? " may pagkakautal na tanong ni Xander sa kanya. Hindi sumagot sa tanong ni Xander bagkus, naglakad at nilagpasan niya si Xander patungo sa garden. Kahit na hindi sabihin ni Alhea, alam ni Xander na gusto niyang magkausap silang dalawa kaya sinundan niya ito papunta s

