Chapter 52

2148 Words

Ilang araw ang lumipas matapos ang harapan nilang tatlo, hindi tumigil si Xander para ipakita kay Alhea ang kanyang nararamdaman. Wala sa kanyang isipan ang sumuko dahil alam niya, kapag pinaglagpas pa niya ito ay hindi niya ulit makukuha si Alhea. " Hindi mo ako madadaan sa mga bulaklak at mga tsokolateng ibinibigay mo, Xander, " sabi ni Alhea sa kanya noong isang gabing umuwi si Xander na may dalang mga bulaklak at tsokolate. Wala namang magawa si Xander kapag hindi kinukuha ni Alhea ang mga ibinibigay niya. Noong una silang magkita, ang mga bulaklak at mga bagay na karaniwang ibinibigay sa mga nililigawan ay masaya na si Alhea, pero ngayon, walang makita si Xander kay Alhea na nagugustuhan niya ang mga ito. Ano ba ang gagawin ni Xander para mapaamo ukit si Alhea? Ano ba ang gus

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD