" Ok na ba ito? Maayos na ba ang suot ko? " tanong ni Althea kay Xander habang nakatingin sa mapaking salamin. Nakasuot si Althea ng isang eleganteng pinagsamang pula at itim na gown na mayroong mga kumikinang na mga batong palamuti. Pinasadya ni Althea ang gown na ito para may gagamitin siya sa nalalapit na Fashion show. Siya ang designer ng mga damit na irwrampa kaya dapat ay walang makakakabog sa suot niya sa gabing iyon. Napapalunok si Xander sa kanyang nakikita dahil bagay na bagay kay Althea ang damit. Lumalabas ang magandang hugis ng kanyang katawan, sa kanyang maputing balat! Humarap si Althea kay Xander na nakaupo. Nakita ni Akthea na tahimik lang siyang nakatingin sa kanya. Naoangisi at napailing na lang si Althea dahil sa kanyang mukha na aprang naengkanto. " Xander! " p

