Mabilis ang pagpatakbo ni Xander sa kanyang sasakyan pauwi sa kanilang bahay. Excited na siyang makita at sabihing alam na niya ang lahat kay Althea, alam na niya na siya ang kanyang asawa! Hanggang ngayon ay malakas pa rin ang t***k ng kanyang puso sa kanyang dibdib, nanginginig pa rin ang kanyang katawan at gustong gusto na niyang umuwi para makita at mayakap ang isang taong matagal na niyang hinahanap o hinihintay, si Alhea na nagpakilalang si Althea Jane Montiano sa kanya! Hindi siya makapaniwala, oo at may mga kakaiba siyang napansin kay Althea pero hindi niya akalain na si Althea at Alhea ay iisa! Sino ba naman ang mag-aakala? Na ang alam mong namatay na anim na taon ang nakakalipas ay buhay pala? Habang nasa ganoong pagpapatakbo si Xander, biglang may gumulo sa kanyang isipan.

