" Para saan ito? " nakangising tanong ni Althea kay Xander. Kakarating lang ni Xander galing sa Buenaventura. Nang pumasok siya sa loob ay hawak na siyang isang kumpol ng pulang rosas at dumeretso sa kinalalagyan ni Althea. " Hindi ba patay na ang ama ni Julio kaya ang ibig sabihin ay dalaga ka, " nakangiting sagot ni Xander. Napataas ng kilay si Althea dahil sa sinabi ni Xander. " Pero hindi ako nagpapaligaw, Xander, " sabi ni Althea sa kanya. " Wala akong pakialam kung magpapaligaw ka o hindi basta ang alam ko, liligawan kita, " sabi ni Xander sa kanya. Napailing na lang si Althea at naglakad papunta sa sofa kung nasaan sina Julio at Angelo na gumagawa sa kanilang mga assignment. Sumunod naman si Xander sa kanya at humarap siya kay Althea. Nang mapansin ni Julio ang hawak

