" Nagpapatawa ka ba, Dmitri? Love at first sight? Sa tanda mong iyan, ginagamit mo pa rin ang mga salitang 'yan? " natatawang sambit ninXander kay Dmitri. " Bakit? Bawal ba? Hindi ba pwede? Ganyan ang naramdaman ko kanina nakita ko siya, Xander! " nakangising sagot naman ni Dmitri sa kanya. Lumapit si Xander kung saan nakatayo si Dmitri. Nagkatitigan silang dalawa. Seryoso si Xander habang nakangisi namammn si Dmitri. " Kung wala kang magawang maganda, Dmitri, pwede kang maglakad sa gitna ng kalsada at magpasagasa, " seryoso at may diing sambit ni Xander sa kanya. Nakangising napailing si Dmitri sa kanya. " Ang sama mo naman sa akin, Xander! Bakit, ano ka ba niya at parang isa kang gwardya na nangproprotekta sa kanya? " tanong ni Dmitri sa kanya. Natahimik si Xander dahil sa ta

