Babala: Ang kabanatang ito ay naglalaman ng hindi angkop sa mga batang mambabasa. Kung ikaw ay labing pitong taong gulang pababa, patnubay ng mga magulang ay kailangan. " Huwag mo namang masyadong galingan, Dmitri! Nakakatawa ang mukha ni Xander, eh! " natatawang sambit ni Althea. Kaninang dumating sila dito sa bahay galing sa Fashion show, kaagad sioang naghiwalay ni Xander, siya ay pumunta sa kanyang kwarto habang si Xander naman ay sa garden para magpahangin. " Nakita mo ba ang mukha niya kanina? Sobrang halata na naiinis siya o nagseselos! " sabi naman ni Dmitri. " Oo, nakita ko kanina at para bang gusto ka na niya patayin kanina! " pagsang-ayon ni Althea. Nagtatawanan silang nag-uusap ni Dmitri dahil sa naging reaksyon kanina ni Xander. Habang nasa ganoong pagkwekwentuhan si

