" Mag-ingat sa school, huwag masyadong makulit at mag-aral nang mabuti, " paalala ni Althea kay Julio. Hinalikan ni Althea sa nuo si Julio. Sa isang gilid, nakatingun lang si Angelo sa mag-ina. May inggit sa kanyang mga mata. Hindi alam ni Angelo kung kailan na nga ba ang huli siyang hinalikan sa nuo o sa pisngi ng kanyang ina na si Rowena. Wala siyang maalala. Ang tangi niyang naaalala sa kanyang ina ay ang galit nitong mukha. Kapag may kaunti lang na pagkakamali siyang nagawa, katakot-takot na ang naririnig at pananakit ang inaabot niya sa kanyang ina. " Opo, Mommy! Basta hindi lang makulit si Angelo, Mommy! " sagot naman ni Julio kay Althea. Napangiti na lang si Althea at tumingin kay Angelo. Nakita niya ang mukha nito na para bang may dinaramdam. Nagtatakang nilapitan ni Althea

