" Magandang hapon po, sir, ma'am! " pagbati ng mga kasambahay kina Xander at Althea nang dumating sila galing sa prisinto. Nakakulong na si Rowena ngayon sa salang attempted murder dahil sa pagbibintang sa kanya na plano ni Althea. Hindi naging madali ang usapan dahil pilit na tumatanggi si Rowena na wala siyang kasalanan pero dahil sa pagsuko ng isang gunman, wala ding nagawa si Rowena. Ngumiti lang si Althea sa kanila. Kita niya na ang mga dating kasambahay dito ay sila pa rin ang naninilbihan, walang umalis at nadagdag. " Nakahanda na po ang meryenda ninyo. Nasa garden na ito at kanina pa naghihintay si Julio doon, " sabi naman ng isang matandang babae. Napatingin si Althea sa kanya. Labis na pagpipigil ang ginawa niya sa kanyang sarili nang makita niya ang matandang babae, si M

