" Sir, nakahanda na ang agahan, " pagtawag ng isang matandang babae kay Xander mula sa labas ng kwarto kung nasaan siya. Napabuntong hininga si Xander. Nakatingin lang siya sa kama kung nasaan ang isang maliit na bagay na nagbibigay sa kanya ng kakaibang pakiramdam, ang pagkakonsensya. Lumapit si Xander sa kama at kinuha ang maliit na bagay na ito. Mapait siyang nakangiti habang tinigtignan niya ito. Kahit na nawala na ang dalawang pulang linya dito dahil sa matagal nang nagamit, presko pa rin sa utak niya noong una niyang nakita dito mismo sa kwartong ito. Anim na taon na ang nakakalipas noong nawala ang kanyang asawa na si Alhea. Nang maihatid niya si Rowena sa hospital ng gabing iyon, agad siyang umuwi para kausapin si Alhea tungkol sa nangyari. Galit na galit siya noon dahil sa

