" Mommy, tumawag si Senior kagabi. Tinatanong ka niya sa akin, " sabi ni Julio kay Althea habang kumakain sila ng agahan. Napatingin si Althea kay Jade. Tumango si Jade para patotohanan ang sinabi ni Julio sa kanya. " Ganoon ba? Tatawagan ko na lang si Senior mamaya, " sabi na lang ni Althea. Napaisip si Althea kung bakit napatawag si Senior Rodrigo kagabi. Hindi naman ito mahilig tumawag dahil sobra itong abala sa kaniyang kumpanya. " Bakit kasi late ka nakauwi kagabi, Mommy? Hindi tuloy ako nakapagkwento sa iyo, " may pagtatampo sa boses ni Julio. Napatingin si Althea sa kanya at hinaplos ang kanyang buhok. " Bakit? Ano ba ang nangyari kahapon, Julio? " nakangiting tanong ni Althea sa kanyang anak. " Ang dami, Mommy at alam mo ba, nag-enjoy ako kahapon! " masigla niyang sag

