" Miss Montiano, pinapatawag po kayo ni sir Alexander sa kanyang opisina, " sabi ni Vincent mula sa telepono na nasa kanyang lamesa. Napabuntong hininga na lang si Althea dahil sa sinabi ni Vincent. Ibinaba niya ang telepono. Tumayo siya mula sa pagkakaupo at inayos ang kanyang sarili. Nang masigurado niyang presentable na ang kanyang itsura, kinuha niya ang kanyang laptop kung saan siya gumagawa ng designs gamit ang Adobe Illustrator at Photoshop. Mahigit isang buwan na rin siyang magtatrabaho dito sa Buenaventura at sa mga araw na nagdaan, naging maayos naman ang lahat. Naging abala si Althea sa mga design na ginagawa niya para sa kanyang unang proyekto dito sa Buenaventura. Hindi naman siya ganoong nahihirapan pero kailangan niyang pagbutihin ito at kailangan niyang mapamangha si

