" Alam mo, Mommy, ang kulit ni Angelo. Palagi niya akong sinusundan kahit saan ako magpunta, " sabi ni Julio kay Althea habang nakahiga silang dalawa sa kanilang kama. " Angelo? Iyon bang batang tinulungan natin sa mall noon,Julio? " tanong ni Althea sa kanyang anak. " Opo, Mommy. Pareho kami ng pinapasukang school. Tapos sinabi pa niya na gusto niya raw akong maging kuya. Pumayag na lang ako kasi ang kulut niya, " dere-deretsong sambit ni Julio. Wala namang problema kung magiging magkalapit ang dalawang bata dahil una, wala naman silang alam sa mga nangyari sa kanila ng kanilang mga magulang, at pangalawa ay totoong magkapatid naman sila sa ama. Hiling na lang ni Althea ay walang mangyaring masama kay Julio kapag napalapit siya kay Angelo dahil kung hindi, hindi niya alam kung ano a

