Tulad ng napahapyawan sa kasaysayan ni Park Sae Yoon, ang Asian Primera ang pinakamatagumpay at pinakamarangyang hotel line sa Asya at kinikilala sa buong mundo. Mayroon itong maraming branch sa mismong South Korea. Sa Seoul, Busan at Incheon. Nag-branch out na rin ito sa Pilipinas, Japan at Singapore at itinatayo na rin ang sa Thailand, Maldives at China branches. Hindi na mapigil ang pag-unlad nito sa pamamalakad ng Preseidente at CEO nitong si Park Seo Yoon. Ngunit bago pa man nabuo ang empire ng Asian Primera sa Asya sa loob at labas ng Korea ay nagsimula lamang ito sa payak na hostel sa Seoul. Kasamang nabuo sa pag-unlad nito ang isang pag-iibigang naging inspirasyon ni Sae Yoon sa kanyang buhay. Ang kwento ng kanyang mga magulang na sina Park Dong Yoon ang kanyang ama at si Park Sa

