"Diyos ko po!" Bulalas ni Lorena pagkagising. Tiningnan niya kaagad ang sarili kung may saplot pa siya. Mabuti at meron pa. Tinanghali siya ng gising. Napasarap ang kanyang tulog. "Ibang klase ka rin naman Lorena. Sa lahat ng muntik nang mamatay kagabi ikaw pa yung may kakayahang matulog ng ubod ng himbing sa isang estrangherong Koreano." Pagkausap niya sa sarili habang inaayos ang buhok sunod naman ay nagtanggal siya ng muta at saka ipinahid sa gilid ng kama. Pagtayo niya ay hiningahan naman niya ang palad. "Oh! May amoy na! Walang toothbrush- toothbrush eh! Ligo lang pero walang toothbrush!" Dahan-dahan siyang lumabas ng kwarto. Dinatnan niya si Sae Yoon na nasa kusina at nagluluto. "Hi." Nakabusangot na pagbati nito. Pagharap nito sa kanya ay tumambad ang pandesal nito. Umaga na ng

