Chapter 6: Papel ng Tunay na Asawa

1325 Words
Nanlulumong umuwi si Justine dala ang lahat ng gamit. Hindi na niya maramdaman pa ang bigat. Mas mabigat ang kung anumang nakatarak sa kanyang dibdib. "Justine." Sinalubong siya ng ina. Mahinahon ang boses nito. Naluha nalang siya nang ipako niya ang paningin dito. "Ano ma? Masaya ka na? Happy? Nabili mo ang pag-ibig ng lalaking pinakamamahal ko." Nasambit niya habang humahangos. Lumapit ito sa kanya. Akmang hahawakan siya nito ngunit umiwas siya. "Hindi ko rin inaasahan na mangyayari iyon. Malay ko bang nabibili pala ang lintik na lalaking 'yon. At least ngayon alam mo na. You don't deserve that guy. Si Sae Yoon talaga ang para sa iyo. Nakikiusap ako sayo Justine. Marry him. Hindi ka magsisisi. He loves you so much." "Wala akong pakialam sa pagmamahal na yan. But you win ma. I will marry Sae Yoon." Nagpunas siya ng luha. "Very good hija. Very good." Napangiti naman ito. "Gagamitin ko siya upang maging makapangyarihan." Dinikit niya ang mukha rito. "Someday ma, may isang mahalagang bagay o tao sa buhay mo ang bibilhin ko. Hindi ko pa alam kung ano o sino 'yon. Pero ipaparamdam ko sa iyo ang pakiramdam kung paano ipagpalit sa pera. Wag kang agad mag-uulyanin ma. Tandaan mo yan." Isang banta ang ibinulong niya sa sariling ina. Hindi na niya tiningnan pa ang reaksyon nito. Pumasok na siya sa loob ng bahay. Makalipas ang isang buwan lang ay naganap na nga ang kasal nila Justine at Sae Yoon. Sa Seoul pa ito naganap. Imbitado ang pinakamayayamang mga tao sa Korea, Pilipinas ganoon din sa Japan at Singapore. Kung may hihigit pa sa salitang engrande ay iyon ang kanilang kasal. It was a Christian wedding. She was wearing a long white dress with pearls and diamond embroidery. While walking down the aisle she heard everyone whispering that she was beautiful. Those compliments didn't even made her smile. Walang bakas ng saya sa kanyang mukha. Seryoso siyang lumalakad palapit sa lalaking hindi naman niya mahal. Susumpa sa harap ng Diyos ng walang pag-ibig. Gustong umatras ng kanyang mga paa ngunit nang makita niya ang masayang mukha ng ina ay pinilit niya ang mga talampakan na humakbang. All she ever wanted was her revenge. Revenge to her own mother. "I love you Justine. Thank you for marrying me." Bulong ni Sae Yoon matapos ang seremonya at siya'y mahalikan nito sa mga labi. Napakahaba ng wedding vow nito samantalang ang sa kanya ay tatlong pangungusap lang yata ng pasasalamat, hindi ng pagmamahal. Kabaligtaran ang tila emosyon na namumutawi sa lalaki. Masaya ito tulad ng kanyang inaasahan. Aminado siyang labis ang kagwapuhan nito. Mabango. Intelehente. Higit sa lahat mahal siya nito. But still she wasn't able to reciprocate his love for her. The reception was equally grand or even grander than the ceremony. Sa pinakauna at pinakamalaking Asian Primera sa Seoul ito ginanap. Sobrang marangya ng lugar, ng mga tao, pagkain at mga pakulo. Wala namang pakialam si Justine. Hanggang sa mapatingin siya sa ina. Bigla tuloy siyang napabulong kay Sae Yoon. "Why don't we dance?" Malawak na ngiti ang gumuhit sa labi nito. "Are you sure?" "Yeah!" Agad itong tumayo at inalalayan siya papunta sa dance floor. Isang sulyap pa ang binigay niya sa ina. "I want you to know Justine that I will treat you as a queen. You will never regret..." nagsimulang magsalita ang lalaki ngunit wala man lang siyang inintindi sa bawat katagang lumabas sa bibig nito. Kahit ang musikang tumutugtog ay hindi na niya napansin pa. Wala siya sa sarili. Lumilipad ang kanyang puso't isipan. Malayo sa lugar. Malayo sa Seoul. Wala sa Korea. Matapos nilang magsayaw ay lumapit sa kanya ang ina. Hinagkan siya sa magkabilang pisngi. "Justine, my daughter. Congratulations. Best wishes." "Siguro ma sobrang saya mo ngayon no?" Tanong niya rito. "Of course! You should also be happy. Mahal ka ni Sae Yoon. Matino siyang lalaki. Siya ang nakasal sayo." Masiglang tugon nito. "You really like him ma. Bakit hindi nalang kaya kayo ang nagpakasal no?" Sarkastiko niyang tugon. "Hahaha! Alam mo Justine someday you will thank me for doing this. I just saved you from heartaches." "Never ma. I will use this against you. I will..." hindi siya nito pinatapos. "Pssssh... maging mabuti ka munang asawa Justine. Baka hanggang sa buhay may asawa niyo ako pa rin ang kumontrol. I know you so well my daughter. Magaling ka pero mapagpabaya. Wag mo sanang sayangin ito." Saka siya nito tinalikuran at nakipasosyalan sa mga taong nandoon na hindi naman nito kilala. Labis na pagtitimpi ang kanyang ginawa sa mga sandaling iyon. After the reception they flew to South Korea's Jeju Island for their honeymoon. Private chopper pa ang kanilang gamit. First time niyang sumakay sa ganoon. Isang exclusive VIP hotel ng Asian Primera ang kanilang tutuluyan. Pagdating sa lugar ay tinulugan niya lang ang asawa. Wala siyang ganang makipagtalik dito kahit gaano pa ka-"hot" ang asawa. Hindi niya alam kung magagawa niyang isuko ang sarili rito. "Joh eun achim" paggising palang ni Justine ay binati na siya ni Sae Yoon. Hinagkan siya nito sa noo. Tila agad itong nagising at kanina pa nakabantay sa kanya. "Good morning." Tugon niya na may kasamang pilit na ngiti. "Come on let's eat our breakfast!" Anyaya nito saka turo sa side table sa gilid ng kama. Puno iyon ng pagkain. Tumayo ito upang hawiin ang kurtina sa malaking bintana. Tumambad ang napakagandang tanawin ng lugar. Naroon ang dagat, bundok at mga puno. Summer noon sa Korea kaya matingkad ang kulay. Gayunpaman ay hindi pa rin siya naeengganyo ng ganda ng paligid, ng masarap na paligid at lalo't higit ni Sae Yoon. "Sure!" Pinilit niya ang sariling bumangon at pinakisamahan ang bagong kabiyak. "You know what I really love this place. I used to..." walang tigil sa pagkukwento ng masasayang bagay ang lalaki. Nakatingin siya rito pero walang pumapasok sa kanya. Nagpapanggap lang siyang nakikinig. Kunyari'y ngumingiti at natatawa. "By the way Sae Yoon..." saad niya nang makakuha ng pagkakataon. "Can I ask you a favor?" "Of course! Any for you my love!" Napalunok siya at tinipon ang lahat ng lakas ng loob. "Can I... can I manage all the Asian Primera hotels in the Philippines? I would like to help you?" Simula na ng kanyang mga plano. Blangko ang naging reaksyon nito tila hindi inaasahan ang hihingin niyang pabor. "Y-you don't want to stay here in Korea?" "I love Korea. I was born here but I am still a Filipino. I also love Philippines. I found my purpose their. We don't have any property here. I want to see mama. I'm sure you also want to see her. But it's fine if you don't want to..." "No! No! Of course I want to! All for you my love!" Pagputol nito. "Thank you Sae Yoon! I know I just graduated recently. I will train hard to be deserving for Asian Primera!" Saka niya ito hinagkan sa labi. Walang emosyong halik. Kailangan niyang galingan ang pag-arte at paggamit dito. "I'm also under training to be the next President and CEO of the company. I know where you are coming from. I will grant your request my love. But all I want for you is to love me. Train your heart to love me. I know that we're friends and you only like me as a friend. Please Justine teach your heart to love me." Mapungay ang singkit nitong mga mata. Seryoso at puno ng sinseridad ang mga katagang lumabas sa bibig ni Sae Yoon. Natigalgal siya. Hindi kaagad nakasagot. Alam nito ang nararamdaman. "I will Sae Yoon." Tugon niya. Hindi niya rin alam sa sarili kung totoo ba ang kanyang tinuran. Kung mapapanindigan niya ba iyon. "Thank you Justine! Thank you my love!" Saka siya nito dagling niyakap. Matapos mag-almusal ay nauna siyang bumaba ng hotel upang maglakad-lakad. Palabas palang siya ng hotel nang may humigit sa kanya. "R-ransel?"  "Ako nga Justine! Sinundan kita rito! Hindi ko pala kayang mawalay sa piling mo!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD