Chapter 5: Ang Asawa ng Devil Oppa

1850 Words
Aligaga na naman si Justine. Justine Park. She was Park Sae Yoon's wife. Ang asawa niya lang naman ang President and CEO o Chief Executive Officer ng pinakamalaking hotel sa bansa - ang Asian Primera Hotel. Siya naman ang COO o Chief Operating Officer. She was very busy managing all their five branches in the Philippines. Meron sa Maynila, Taguig, Clark, Cebu at Boracay. Ang kanyang asawang korean national naman ay madalas na nasa South Korea, Japan at Singapore kung nasaan ang iba pang sangay ng hotel. Pinakamarami sa Korea lalo na sa Seoul, Incheon at Busan. Once a month lang sila kung magkita. Sa buwan na ito ay ito ang araw na iyon. "You are the new receptionist right?" Lumapit siya sa reception ng kanilang Manila branch. She was wearing a sophisticated black dress na hanggang itaas ng tuhod. Tumingkad pa lalo ang kanyang kutis porselana dahil sa suot. She completed her ensemble with white stilleto, pearl earrings and necklace. Nakapusod ang kanyang buhok. Maraming nagsasabing kahawig niya si Ivana Alawi. Wala naman siyang pakialam sa kung sinuman ang kamukha niya. Nagpapaganda siya para sa kanyang asawa. "Yes po Ma'am Justine. I'm Betty." Tugon ng babaeng receptionist. "My husband, the owner of this hotel is on his way. You better do your job right. We already trained you. Maraming natatanggal sa trabaho na mga bagong receptionist dito sa hotel kapag nakilala nila sa unang pagkakataon ang asawa ko. This is an unsolicited advice in case you love your job. You better do it right." Mahinahong paalala niya sa babae. Tapos na siyang umikot sa ibang departamento ng hotel to heads up all the managers and staffs. Nag-aabang nalang siya sa lobby. Ilang saglit pa ay tumigil na sa malawak na harapan ng hotel ang isang Ferrari sports car. Worth twenty million pesos ang sasakyang iyon. Ang paborito ng kanyang asawa sa mga koleksyon nito. Bumaba sa magarang sports car ang isang matangkad at matipunong oppa. Maputi ngunit lalaking-lalaki pa rin kung tingnan. Mamula-mula ang mga labi. His black hair was brush up. He was wearing a black tuxedo. He looked so magnificent and handsome. He was perfect. Ito ang lalaking minahal ni Justine Park, si Park Sae Yoon. Dumiretso ito sa kanya. "Jagiya joh-eun achim." Pagbati sa kanya nito na ang ibig sabihin ay "magandang umaga mahal ko" saka hinagkan ang kanyang mga labi. "He's the owner of the hotel right? He's really handsome. He's wife is very beautiful too. Bagay na bagay sila." Narinig niyang nasabi ng isang guest. "Good morning honey." Tugon naman niya. Aakbay palang sana siya rito nang kagyat itong lumakad papunta sa reception. Sumunod naman siya kaagad. Mahuhusgahan na ang bago nilang receptionist. Yumuko ang kanilang bagong receptionist. "Anyeong haseyo sajangjim." Pagbibigay galang nito. "Are you new?" Tanong ni Sae Yoon na may seryosong tono. "Yes sajangnim. I am Betty the new receptionist in the morning shift." Nakayukong tugon ng babae. "One question Betty." Fluent sa English ang asawa. Nakakapagsalita rin ito ng kaunting Tagalog. He can also speak Nihongo and Mandarin. "Why did you choose to work here in Asian Primera Hotel?" Then he uttered the question that curse the lives of many receptionist. Walang nakakaalam ng tamang sagot. May mga pumasa rito pero nang gamitin ng iba ang sagot ng ibang pumasa ay napapatalsik na sila. Some said he was checking the sincerity of the people answering that one particular question. "Sajangnim, I chose..." sasagot palang sana ito nang dumating ang ina ni Justine na mother-in-law ni Sae Yoon, si Madam L kung natawagin ng lahat. "Ang aking oppa! Sae Yoon oppa!" Masayang pagbati ng matanda. Nasa sixties na ito at kulubot na ang mga balat mababakas ang napakaraming pinagdaanan. Pero pustura pa rin ito. Puno ng kolorete ang mukha. Nakasuot ng malaking gintong hikaw at kwintas. Nagbago ang seryosong timpla ng mukha ng kanyang asawa at nakalimutan na ang receptionist. Kaagad itong lumapit sa kanyang ina upang hagkan at mahigpit na yakapin. Saka naman siya lumapit kay Betty. "You are very lucky Betty. Congratulations. You owe your job to my mother. Minsan lang tinatanong ng asawa ko ang tanong na iyon. Hindi na niya uulitin pa. Consider yourself regular starting at this moment." Binati muna ni Justine ang babae saka na lumapit kina Sae Yoon. "Hi Ma, what are you doing here?" Humalik siya rito. Matabang na tingin naman ang iginanti nito. "Of course nabalitaan ko ang pag-uwi ni Sae Yoon oppa ko! Siguradong dito na naman ang diretso niya kaya minabuti ko nang pumunta rito. Miss na miss ko na ang oppa'ng 'to eh." Hinawakan pa nito ang mukha ng koreano na tila isang paslit. Napapikit naman ito. "Let's go na sa office ma. Nawawala yung credibility ng asawa ko dahil sa ginagawa ninyo. Napakaraming nakakakita rito." Bulong niya. "Haaay naku Justine... ewan ko sayo. Kaya hindi ka magawang mahalin nitong asawa mo eh. All you really care is that credibility." Pabulong naman na tugon ng ina. "Let's go mama." Inakbayan ng asawa ang ina saka naunang lumakad. Naiwan naman siya. Pinagmamasdan ang mga ito. She was very jealous. Mas close pa ang kanyang asawa at ina sa isa't-isa kesa sa kanya. Lumaki siyang nakukulangan sa pagmamahal ng ina. Lagi siya nitong pinapahiya. Nag-iisang anak lang siya nito pero hindi siya naging malapit dito. Mas close pa siya sa yaya niya. Hindi niya alam ang dahilan kung bakit ganoon ang pagtrato sa kanya ng sariling ina. Wala naman na siyang ama. Tatlong taong gulang palang ng ito ay mamatay. Mayamang Pinoy ang kanyang ama na may negosyo sa South Korea. Doon nagkakilala ang kanyang ina at ama. Doon na rin siya ipinanganak. She was ten years old nang lumipat sila sa Pilipinas. Samantala magkapitbahay sila ni Sae Yoon sa Korea. Magkasing-edad lang sila. Thirty years old na sila ngayon. Laging naglilibot ang batang Sae Yoon sa kanila noon. Tuwang-tuwa ang kanyang ina kay Sae Yoon dahil sobrang bibo nito. Naging magkalaro rin sila. Nang magbinata at magdalaga ay nanligaw ito sa kanya. Pumupunta pa ito ng Pilipinas para lang makita siya. Ito nga rin daw ang nagkumbinse sa mga magulang na maglagay ng branch sa Pilipinas ng kanilang hotel. The problem was she fell in love with another man nang nasa Pinas na sila. His name was Ransel. Classmate niya sa kolehiyo. ........... Ten years ago "Ma si Ransel ang mahal ko!" Isang malakas na sampal ang ibinigay ng kanyang ina sa kanyang pisngi. Ramdam niya ang pag-iinit 'non. "How dare you Justine? Lumaki ka kasama si Sae Yoon! Nang lumipat tayo rito sa Pilipinas sinundan ka niya! Lagi ka niyang binibisita!" "Hindi ko 'yon hiningi sa kanya! I love him as friend but not more than that!" Nakipagtaasan na siya ng boses sa ina. "Ikakasal kayo sa ayaw at sa gusto mo. Pinag-uusapan na namin 'yon ng parents niya. Wala ka ng magagawa." Saka siya nito tinalikuran. "No ma! Kung gusto niyo pang mas yumaman edi kayo ang magpakasal sa kanya!" Muli itong humarap at isa na namang malutong na sampal ang binigay sa kanya. "So you think I'm doing this for money? Hindi Justine! I'm doing you a favor. I'm saving you from heartaches. Manloloko ang mga lalaki. Kilalang-kilala ko sila. Pero iba si Sae Yoon. Galing siya sa isang matinong pamilya. Nakita ko siyang lumaki. Mahal na mahal ka niya. Hindi ka na makakahanap pa ng katulad niya." "Iba rin si Ransel ma. Mahal niya ako at siya ang mahal ko. Hindi ko alam kung ano ba ang past mo. Hindi ko alam kung anong klaseng relasyon meron kayo ni dad kung kaya nagkakaganyan ka sa tingin mo sa mga lalaki. You didn't even bother to tell me your story. Hindi ko nga maramdaman na mahal mo ako bilang anak eh. Kaya wag mong pangunahan ang buhay ko. Don't act as if you know everything." Lumuluha niyang tugon saka siya marahang tumalikod. "Nag-uusap pa tayo Justine! Wag mo akong bastusin!" "Walang patutunguhan ang pag-uusap natin ma. Bukas na bukas aalis na ako rito sa atin. Sasama na ako kay Ransel." Kinabukasan nga ay nakipagkita siya sa lalaking pinakamamahal. Galing din naman sa nakakariwasang pamilya si Ransel. Hindi nga lang kasing yaman ng mga Park. But she didn't care about money and power all she cared was their love for each other. Hinagkan niya ito at niyakap ng mahigpit. "Ransel dala ko na ang mga gamit ko. Magtanan na tayo! Ilayo mo na ako! Ipapakasal ako ni mama sa kababata kong si Sae Yoon!" Pagtatapat niya rito habang nasa mga bisig nito. "Mahal na mahal kita Justine. Mahal na mahal." Garalgal ang boses ng nobyo kaya napatingin siya rito. Umiiyak ito. "Mahal na mahal din kita. Wag ka ngang umiyak dyan. Tara na. Umalis na tayo." Hinawakan siya nito sa kanyang mga kamay. "I will always love you Justine. Tandaan mo yan. Pero baka hindi nga ako ang para sa iyo. I am now setting you free." Labis niyang ikinabigla ang mga lumabas sa bibig nito. Dagling pumatak ang luha sa kanyang mga mata. Nangingig siya. "R-ransel ano 'to? A-anong pinagsasabi mo? Ikaw ang para sa akin. Ikaw at ako. Tayo ang para sa isa't-isa!" Kahit tila nanghihina ang kanyang mga kamay ay pinilit pa rin niyang hawakan ito ng mahigpit. "No Justine. Tama na. Tama na." Saka ito pilit na bumitaw sa kanya ngunit nagmatigas siya. "Ganon-ganon lang 'yon? Mahal mo ako pero hindi mo ako ipaglalaban? Anong klaseng pagmamahal 'yon Ransel?! Kinausap ka ba ng magaling kong ina? Huh? Sumagot ka!" "Oo. Pinakiusapan niya akong layuan ka na." He was very honest like he used to be. "And then what? Pumayag ka? Ano wala kang paninindigan? Ganon lang kadali? Natakot ka naman? Wag ganon Ransel! Mahal natin ang isa't-isa. Hindi tayo pwedeng magpa-control sa mama ko!" She was trying to convince him to change his mind. Reminding him of their love. "Kaka-diagnose lang ni mommy ng colon cancer. Nalulugi naman ang negosyo ni daddy. I have two siblings that are still studying. She offered me money. She..." hindi na niya ito pinatapos pa. "Sh*t Ransel! Nagpabayad ka?" Siya na ang kusang bumitaw. "Anong klaseng pagmamahal yan? Nababayaran?!" Hindi siya makapaniwala sa natuklasan. "I have no other choice. Kaka-graduate palang natin. Wala pa nga akong trabaho eh. I need to be practical Justine. I hope you understand. I love you so much!" Tangkang hahawakan sana siya nitong muli ngunit umiwas siya. "Siguro nga tama si mama. Manloloko kayong mga lalaki. Pasok na pasok ka ngayon Ransel. Hindi ka nga nagtiwala sa Diyos na makakabangon kayo ng pamilya mo. Hindi ka pa naniwala sa sarili mo. Higit sa lahat... hindi ka naniwala sa kung anong meron tayo. Sobrang sakit Ransel. Sobrang sakit ng dibdib ko ngayon. How could you do this to me?" Halos maubos na niya ang kanyang luha. She was in pain. Severe pain. "Sorry Justine. Sorry. I love..."  "Wag mo nang ituloy please. Stop it. Payag na ako. Palayain mo na nga lang ako. I wish all the best to your family. Goodbye Ransel. Goodbye." Saka siya tumalikod at nagtatakbo palayo. Palayo sa lalaking pinakamamahal.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD